Saan nga ba magandang magpunta ngayong Valentine's Day?

May plano na ba kayo ni mister ngayong Valentines Day 2019? Heto ang ilan sa mga pinakakakaiba at exciting na mga restaurants para sa inyong mag-asawa

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Valentine’s Day 2019 activities para sa mga mag-asawa

1. Mag-date sa Ninyo Fusion Cuisine at wine lounge

Para sa mga nagnanais sumubok ng kakaibang ambiance sa parating na Valentine’s Day, bakit hindi subukang kumain sa Ninyo Fusion Cuisine?

Matatagpuan ito sa 66 Esteban Abada Street, Loyola Heights, Quezon City, at siguradong magiging romantic ang gabi ninyong mag-asawa. Punong-puno ito ng mga halaman, at garden style ang theme ng restaurant na ito.

Pagdating naman sa kanilang mga ulam, siguradong mae-enjoy ninyong mag-asawa ang kanilang Baked Oysters, Grilled Tiger Prawn and Crab Fat Risotto, at masarap na Wakame Salad.

Sa mga nais na magpareserve, heto ang kanilang Facebook page.

2. Mag sosyal na dinner sa La Piazza

Sa mga mag-asawang nagnanais na magkaroon ng fine dining experience, subukang kumain sa La Piazza sa Okada Manila.

Bukod sa napakagandang decor at ambiance ng La Piazza, siguradong mag-eenjoy kayo sa napakasarap na Italian food nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Puwede kayong kumain ng Octopus Carpaccio, Urchin Risotto, Salmon, at isang malaking selection ng mga desserts. Siyempre, meron din silang mga Italian staples tulad ng pasta at pizza.

3. Kumain ng French cuisine sa Lemuria

Kung parehas kayo ni mister na mahilig tumikim ng wine, siguradong mag-eenjoy kayo sa Lemuria Restaurant & Wine Bar sa BGC.  

Sa Lemuria ay makakatikim kayo ng iba’t-ibang French cuisine, tulad ng kanilang Signature Salad, Herb Crusted Lamb, at Chicken Roulade. Ngunit ang specialty talaga ng Lemuria ay ang kanilang napakalaking selection ng iba’t-ibang mga imported wine.

Pihadong matutuwa kayong dalawa sa napakaganda nilang pairing ng wine sa mga dishes, at huwag mahiyang humingi ng recommendation mula sa mga waiters.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Heto dito ang kanilang Facebook page.

4. Mag seafood trip sa Ministry of Crab

 

Para sa mga seafood lovers na mag-asawa, tiyak mag-eenjoy kayong kumain sa Ministry of Crab.

Ang Ministry of Crab ay ang branch sa Pilipinas ng pinakasikat at popular na restaurant sa Sri Lanka. Kaya’t talagang napakasarap ng kanilang mga lutuin, at ibang-iba talaga ang quality at freshness ng seafood.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bisitahin dito ang kanilang Facebook page.

5. Mag-enjoy ng steak sa Wolfgang’s Steak House

 

Para naman sa mga meat lovers, bakit hindi subukang kumain sa Wolfgang’s Steak House?

Ito ay pag-aari ng restaurateur na si Wolfgang Zwiener, at tiyak matutuwa kayo sa sarap ng kanilang mga aged steaks. Ganito ang mga hinahain sa kanilang New York branch, kaya’t asahin ang mataas na kalidad ng napakasarap nilang mga steaks.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Makikita ang Wolfgang’s steakhouse sa 2F Newport Mall, Resorts World Manila, Pasay City.

 

Source: Our Awesome Planet

Basahin: How to convince your wife to have a baby

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara