LOOK: 10 celebrity couples na nag-celebrate ng Valentine's Day

lead image

Kiligin sa sweet moments ng mga celebrity couples sa kanilang pagdiriwang ng Araw ng mga Puso.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nakakakilig ang naging pagdiriwang ng Valentine’s Day ng mga celebrity couples ngayong taon. Ang ilan sa kanila ay nag-post ng kani-kanilang mga natanggap na regalo sa kanilang Instagram accounts.

Narito ang ilan sa mga sweet at nakaka-inspire na pagpapakita ng pagmamahal sa kanilang mga asawa.

Selebrasyon ng Valentine’s Day ng mga celebrity couples

Max Collins at Pancho Magno

Ipinost ni Max Collins ang isang pink rose na regalo sa kanya ng kanyang asawang si Pancho Magno habang photo naman nilang dalawa ang ipinost nito sa kani-kanilang mga Instagram.

“To my always happy, stress-free and super chill wifey. @maxcollinsofficial I love you so much and Happy Valentine’s day,” caption ni Pancho sa kanilang litrato.

Ito ang ikalawang Valentines Day ng dalawa bilang mag-asawa.

Alwyn Uytingco at Jennica Garcia

Throwback photos naman ang ipinost ni Alwyn upang batiin ang kanyang asawang si Jennica. Dito ay pinasalamatan niya ang kanyang asawa sa lahat ng pagmamahal nito sa kanya at kanilang pamilya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Salamat, Mahal. Sa mga bagay na tinuro mo sakin at patuloy mong paggabay sakin at sa pamilya natin. Totoong ilaw ka ng tahanan natin, dahil kundi sayo baka nasa dilim na ang buhay ko.” saad sa isang parte ng caption ni Alwyn sa kanyang post.

Nagdiwang kamakailan ang mag-asawa ng kanilang 9th anniversary sa pamamagitan ng pamimili ng mga gamit sa Divisoria.

Lucy Torres at Richard Gomez

Throwback photo rin ang ipinost ni Leyte 4th District Representative Lucy Torres-Gomez para batiin ang kanyang asawang si Ormoc Mayor Richard Gomez. Inilahad ni Lucy sa kanyang caption kung paano nagsimula ang kanyang pagmamahal sa asawa simula noong siya ay 12 taong gulang pa lamang.

“I’ve loved you since I was 12, after all, and finally you were beside me. Real.” ani Lucy sa kanyang post.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isang photo naman ni Lucy na nasa dagat ang ipinost ni Richard upang yayaing makipag-date ang kanyang asawa. “My Valentine. Let’s take time out tonight. Lets go somewhere.” caption ni Richard.

Heart Evangelista at Chiz Escudero

Double celebration naman ang nangyari sa Valentine’s Day ng celebrity couple na si Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero dahil kaarawan din ni Heart ang Valentine’s Day.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“An intimate dinner for my birthday salubong. I’m extremely grateful for this little group of people who make everyday feel special. Thank you for celebrating with me, and for being part of my life.” sabi ni Heart.

Regine Velasquez at Ogie Alcasid

Isang bouquet ng red roses ang iniregalo ng singer/songwriter na si Ogie Alcasid sa kanyang asawang si Asia’s Songbird Regine Velasquez ngayong Valentine’s Day. Binati niya rin ang kanyang asawa sa pamamagitan ng pagpopost ng kanilang wedding photo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dingdong Dantes at Marian Rivera

Isang sorpresang candlelight dinner naman ang inihanda ni Marian Rivera para sa kanyang mister ngayong Valentine’s Day.

Doug Kramer at Chesca Garcia

Nakakakilig na effort naman ang ginawa ni Doug Kramer ngayong Valentine’s Day dahil hindi lang isa, ngunit apat na bouquet ang kanyang ibinigay para sa bawat miyembro ng Team Kramer.

Nagpasalamat naman sa isang sweet message ang kanyang asawang si Chesca.

A post shared by Doug Kramer (@dougkramer) on

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Solenn Heusaff at Nico Bolzico

Witty valentine tips naman ang ibinigay ni Nico Bolzico para sa lahat ng mga mister sa kanyang post sa Instagram. Dito ay kanyang ibinilin ang mga Do’s and Dont’s tuwing Valentines upang maiwasan ang pagiging wifezilla ng mga asawa.

Samantala, sa isang makulit na video naman inanunsyo ni Solenn ang pagtampok ng love story nila ni Nico sa isang online novel website. Ibinalita ito sa kanila ng WebNovel sa mismong araw ng Valentines.

Iza Calzado at Ben Wintle

Litrato naman nila habang nagsasayaw ang ipinost ni Iza sa kanyang pagbati ng Happy Valentine’s sa kanyang mister na si Ben. Ito ang kauna-unahang Valentine’s Day nila bilang mag-asawa.

“May our life together be filled with love, laughter and dancing! Happy Valentine’s Day, My Husband! @benmwintle

Kylie Padilla at Aljur Abrenica

Isang heart-shape flower petals at bouquet ng red roses ang sorpresa ni Aljur para sa kanyang asawang si Kylie sa Valentine’s Day. “Sino ba namang hindi maiinlove lalo sa asawa nya? Thank you mahal… @ajabrenica” saad sa post ni Kylie.

Ito rin ang kauna-unahang pagdiriwang ng Valentine’s Day ng dalawa bilang mag-asawa.

 

Source: Instagram

BASAHIN: This Valentine’s day, my message to my wife isn’t ‘I love you’