Malapit na naman ang Valentine’s Day at siguradong marami ang abala sa pag-iisip ng iba’t ibang gimik para sa kani-kanilang loved ones. Pero ano nga ba ang mga valentines gift for wife na maaari mong ibigay?
Valentines gift for wife
Photo from Freepik
Tinanong namin ang mga mommy kung ano ba talaga ang gusto nilang matanggap sa darating na Valentines day. Tiyak na magugulat din kayo sa kanilang mga sagot dahil hindi ito pangkaraniwan.
“Hope my hubby will be responsible enough.”
Para sa ilang mommies, sapat nang makita nila ang pagbabago sa kanilang mga mister. Aanhin mo nga naman ang mamahaling regalo kung hindi naman maayos ang inyong relasyon? Mas mahalaga sa kahit anong materyal na bagay ang pagkakaunawaan. Kaya kung nararamdaman mo na ito ang hiling ng iyong asawa sa Valentine’s day, dapat lang ay magbago ka na.
“Peace of mind”
Photo from Freepik
Dahil nga madalas ay stressed ang mga babae, ilan sa kanila ang nagsabi na magkaroon lang ng peace of mind ay sapat na. Minsan ay sa sobrang pag-aasikaso sa pamilya, nalilimutan na nilang magpahinga at kumalma. Kaya naman sa araw ng mga puso, kumustahin si misis. Hayaan siyang magkaroon ng alone time para makapagpahinga.
“Rest day”
Para naman sa mga working moms, rest day lang ay okay na raw. Yung tipong makakatulog lang ng buong araw o di naman kaya ay makasama lang ang pamilya imbis na pumasok sa trabaho.
“Date outside pero kasama si baby. At si daddy ang mag-aalaga.”
Madalas sa mga mag-asawang may baby na madalang na lamang mag-date. Kung mayroon man ay family day out na lang. Ngunit para sa isang mommy, gusto niya pa rin na sumama ang kanilang baby sa date. Pero ang catch ay si mister daw sana ang mag-asikaso naman kay baby. Para marelax at makapag-enjoy talaga si mommy!
“Sorry from the dad of my son who left us.”
Ayon naman sa isang single mom, apology lang mula sa tatay ng kanyang anak ay okay na. Kadalasan, sa mga ganitong sitwasyon ay kulang talaga sa closure. Maaaring kailangan lang na makarinig kahit sorry para magawa nitong mag-move on. Sa totoo lang, hindi naman kinakailangan na hintayin pa ang Valentine’s day para gawin ito.
“Sana lumabas na baby ko.”
Para naman sa isang mom-to-be, lumabas lang ang kanyang baby ay ayos na siya. Kung nagkataon, magiging valentine’s baby pa ang kanyang anak!
“A positive PT”
Photo from Freepik
Mayroon namang nagsabi na isang positive na pregnancy test lang ang kanyang hiling. Ito nga naman kasi ang isa sa mga best gifts para sa mag-asawa na sinusubukan pa lang magka-anak.
How to make your other half feel special
Hindi lang naman dapat sa mga ispesyal na okasyon pinaparamdam sa inyong mga partner na sila ay special. Ang importante ay sa araw-araw, consistent kayo sa inyong pinapadama sa kanila. Pagdating sa expression ng pagmamahal, iba-iba naman ang bawat tao. Kaya nga may tinatawag na languages of love sa mga tao.
Ang iba’t ibang love languages
Mayroong limang main love languages. Importanteng malaman mo kung ano ang sa iyo at sa partner mo para mas ma-express niyo ang inyong affection.
Words of Affirmation
May mga tao na nae-encourage gamit ang kind words. Kung ito ang love language mo, madalas ay hinihintay mo lang na i-acknowledge ka ng mga tao. Sapat na sa’yo na magpasalamat sila. Hindi ka rin naghihintay ng kapalit para sa mga ginagawa mo.
Gifts
Karamihan sa mga tao ay ito ang love language. Kapag daw kasi binibigyan ka ng regalo ay parang iniisip ka ng tao na nagbigay sa’yo nito. Bukod kasi sa iisipin nila kung ano ang bagay na makakapagpasaya sa’yo, naglalaan din sila ng oras para pag-isipan ito.
Acts of Service
Ang simpleng mga acts of service tulad ng pagluluto o paglilinis ng bahay ang gusto mo. Bukod kasi sa hindi mo na ito kailangang gawin para sa iyong sarili, masarap din sa pakiramdam na may nage-effort para sa’yo.
Physical Touch
Holding hands, hugging at kissing naman ang naa-appreciate ng mga taong ito ang love language.
Quality Time
Undivided attention. ‘Yan ang talagang nakaka-please sa iyo. Napakabihira lang ng mga tao na ito ang love language, pero sinasabi na sila rin ang mga pinakamabait na tao.
Kaya naman this Valentine’s day, pay attention to your partners. ‘Wag lang basta basta magbigay ng regalo. Alamin kung ano talaga ang magpapasaya sa kanila!
SOURCES: 5 Love Languages
BASAHIN: Valentines Gift Ideas, A love letter to all mothers on the forgotten art of self-love