Venus Raj sa love story nila ng husband niyang si North Orillan: "Kung titingnan natin, mabilis 'yung timeline natin"

Ang beauty queen may payo sa mga newlywed couples na tulad nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Venus Raj nagkuwento kung paano nagsimula ang love story nila ng kaniyang husband. Ayon sa beauty queen mabilis ang naging timeline ng pagmamahalan nila.

Mababasa dito ang sumusunod:

Venus Raj and husband North Orillan love story

Larawan mula sa Instagram account ni Venus Raj

Nitong Disyembre ay ikinasal si Venus Raj sa husband niya na ngayong si North Orillan. Si Venus hindi masyadong nagbabahagi ng impormasyon tungkol sa kaniyang mister, pero sa pinakabago niyang vlog episode ay ikinuwento niya kung paano nagsimula ang love story nila.

Ayon kay Venus, 2018 ng una silang magkakilala ni North sa Mindanao. Ito ay dahil sa church o religion na pareho nilang kinabibilangan. Si Venus noon ay nagpunta ng Mindanao para mag-serve sa kanilang youth ministry habang si North ay may girlfriend pang iba.

Taong 2022, makalipas ang apat na taon ay doon palang nagsimulang magkaroon ng spark sa pagitan nila. Nang panahong iyon ay single na si North kaya naman nagsimula na ang love story nila. Ito rin umano ang pagkakataon na mas nakilala nila ang isa’t-isa. Ito ay noong si Venus ang nag-host ng kasal ng kapatid ni North. Habang si North ang tumayong best man ng kasal at naatasang mag-asikaso kay Venus bilang kanilang bisita.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I think it was during that time when we started having deeper conversations. And hanggang after the wedding, nag-continue yung communication na iyon.”

Ito ang pagkukuwento ni Venus.

Makalipas ang dalawang buwan ay naging magboyfriend-girlfriend si North at Venus. Hanggang sa ma-engage matapos ang pitong buwan at maikasal na nga nitong December. Si Venus aminadong mabilis ang naging timeline ng love story nila ni North. Pero minsan niya naring sinabi na walong taon siyang naging single, para mahintay ang right man para sa kaniya. At ngayon nga sa katauhan ng mister na si North ay nakilala niya ang tamang lalaki para sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Venus Raj

Married life nina Venus at North

Ngayong kasal na, sina Venus at North ay nagbahagi rin ng kanilang buhay mag-asawa. Bagamat nagsisimula palang, ay may mga bagay narin silang unti-unting narerealize. Ito rin ang mensahe niya sa mga bagong kasal na couple na tulad nila.

“When we started, we would always hear people say na masaya pa ‘yan kasi bago pa lang kayo.”

I’m not an expert, but for newly married couples out there, I would tell you not to allow people to dictate where your relationship will go, or allow people to be the one to define the kind of dynamics that you will have as a couple. Because it’s both of you that will work in the relationship.

So kung hahayaan natin na ang sinasabi ng ibang tao ang magdidikta sa relationship natin, hindi siya maganda.”

Ito ang sabi pa ni Venus Raj.

Pagdating naman sa pagbuo ng pamilya, isa daw ito sa target na gawin agad ng mag-asawa. Ito naman ang pagbabahagi ng mister ni Venus na si North.

“To have a baby, that’s the number one thing that popped in my mind. We’ve been praying about this, even until now, and that’s definitely something I look forward to.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Venus Raj

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement