Magkakasakit ka ba kapag kumain ng hilaw na isda? Ayon sa isang medical report, pagkatapos lamang ng 12 oras pagkakain ng hilaw na seafood, nilagnat ang isang lalaki at nakaramdam ng matinding sakit sa kaniyang kaliwang kamay. Ang napag-alamang dahilan: ang vibrio vulnificus bacteria!
Magkakasakit Ka ba sa Pagkain ng Hilaw na Isda?
Ang aksidenteng ito ay nangyari sa South Korea, at nai-publish sa The New England Journal of Medicine.
Matapos na maramdaman ang mga unang sintomas, lumala ang kalagayan ng 71-anyos na lalaki. Pagkalipas ng dalawang araw, isinugod siya sa emergency room ng isang ospital dahil lumobo na ang kaniyang palad sa kaliwang kamay at nagkulay ube na ito. Ganoon din ang nangyari sa kabilang side ng kaniyang kamay.
Ang dahilan: na-infect ito ng vibrio vulnificus bacteria matapos kumain ng kontaminadong hilaw na seafood. Isa itong flesh-eating bacteria!
Upang mailigtas ang kaniyang buhay, kinailangang pagsagawa ng emergency surgery para alisin ang tubig sa paltos. Naging delikado ang pag-gamot sa kaniya dahil mayroon siyang history ng diabetes, hypertension at sakit sa bato.
Pagkatapos ng surery, binigyan siya ng antibiotics, ngunit ang kaniyang mga sugat sa balat ay naging malalalim na necrotic ulcers. Pagkalipas ng 25 araw, kinailangang putulin ng mga doktor ang kaniyang kaliwang kamay.
Mga Panganib ng Vibrio Vulnificus Bacteria
Ang Vibrio Vulnificus bacteria na tinutukoy ay uri ng bacteria na kumakain ng laman. Nakakapasok ito sa katawan sa pamamagitan ng pagkonsumo ng hilaw or hindi lutong seafood, o di kaya’s pagka-expose ng bukas na sugat sa kontaminadong tubig dagat.
Maari itong magdulot nng impeksiyon sa balat at septicemia (lason sa dugo).
Ang mga pasyenteng may immuno-compromising na kundisyon, kasama na ang chronic na sakit sa atay at cancer, ay nagpapadagdag sa panganib ng impeksiyon at mga komplikasyon.
Mga sintomas ng impeksiyon na dulot ng vibrio vulnificus bacteria ay ang mga sumusunod:
- Matinding pagkakasakit, mabilis na pagbaba ng kalusugan
- Matubig na pagtatae na may kasamang pagsakit ng tiyan, pagkahilo, pagsusuka at lagnat
- Impeksiyon sa balat pagkatapos ma-expose sa tubig-alat ang sugat
- Impeksyon ng dumadaloy na dugo na may kasamang lagnat, panginginig, delikadong pagbaba ng blood pressure, at pagpapaltos ng sugat sa balat
Iwasan ang panganib na dulot ng Vibrio Vulnificus bacteria sa tulong ng sumusunod na hakbang:
- Iluto ang mga seafood na may shell bago kainin katulad ng talaba.
- Kumain ng sushi mula sa mga kilalang malinis at maingat na restaurant.
- Maayos na palamigin ang mga pagkaing mula sa dagat. Huwag silang iwan sa labas ng higit sa dalawang oras.
- Kapag may sugat, iwasang pumunta sa tubig-alat. Takpan ng hindi nababasang bandage kung hindi maiwasan na pumunta sa tubig-alat o humawak ng seafood.
- Hugasang mabuti ang iyong sugat gamit ang sabon at tubig pagkatapos ma-expose sa tubig-alat, hilaw na seafood o sabaw nito.
- Kapag nagkaraoon ng impeksyon sa balat, sabihin agad sa doktor kapag ang ikaw ay na-expose sa tubig-alat o hilaw na seafood.
Isinalin mula sa wikang Ingles ni Criselle Nunag.
Source: The New England Journal of Medicine, CDC
Basahin: Baby gets food poisoning from sushi rice, mum warns other parents