Vic Sotto Maghahain ng Reklamo Laban kay Darryl Yap: Mga Aral sa Pagtatakda ng Hangganan at Pagtatanggol sa Pamilya

undefined

Paano mapoprotektahan ang iyong pamilya sa mga isyu at pagsubok na tulad nito?

Isang mainit na balita ang pagsampa ni Vic Sotto ng reklamo laban sa direktor na si Darryl Yap. Ang hidwaan ay nag-ugat sa kontrobersyal na pelikulang Martyr or Murderer. Dito ay muling binuhay ang mga sensitibong usapin sa kasaysayan, kabilang na ang kaso ni Pepsi Paloma.

Vic Sotto vs Darryl Yap

vic sotto vs darryl yap

Image from Pauleen Luna Sotto’s Facebook account

Si Paloma, isang dating aktres, ay inakusahan sina Vic Sotto, Joey de Leon, at Richie D’Horsie ng sexual assault noong 1980s. Isang kaso na kalaunan ay binawi matapos magkaroon ng umano’y kasunduan. Gayunpaman, nananatiling buhay sa kamalayan ng publiko ang insidenteng ito. At patuloy na nagpapalutang ng mga tanong tungkol sa karakter ni Sotto.

Ang pelikula ni Yap ay tila muling binubuksan ang mga lumang akusasyon. Dahilan upang muling mapabilang si Sotto sa usap-usapan ng publiko. Ito ay may direktang epekto hindi lamang sa kanyang reputasyon kundi pati na rin sa kanyang pamilya. Guilty man o hindi, ang hakbang ni Sotto na dumulog sa legal na proseso ay nagsusulong ng diskusyon tungkol sa kung paano hinaharap ng mga personalidad—at ng mga magulang sa pangkalahatan—ang mga isyu na sumusubok sa kanilang paninindigan at personal na hangganan.

Pagtatakda ng Hangganan: Bakit Mahalaga Ito?

Hindi man tayo mga sikat na personalidad, may mga pagkakataong kailangan nating ipaglaban ang ating katahimikan at prinsipyo. Bagamat nananatiling kontrobersyal ang Pepsi Paloma case, ipinapakita ng kasalukuyang hakbang ni Sotto na hindi madaling balansehin ang paninindigan habang pinangangalagaan ang emosyonal na kalagayan ng mga mahal sa buhay.

Para sa maraming magulang, ang hamong ito ay pamilyar: Paano mo haharapin ang isang problema nang may respeto at paninindigan? Nang hindi ito lalong lumalala?

vic sotto with pauleen

Image from Pauleen Luna Sotto’s Facebook account

Mga Aral para sa mga Nanay at Tatay

1. Tukuyin ang Iyong Prinsipyo: Sa trabaho man, sa loob ng pamilya, o sa inyong komunidad, ang pagkakaroon ng malinaw na mga prinsipyo at hangganan ay nakakatulong sa pamilya na maunawaan kung ano ang katanggap-tanggap at kung saan dapat tumigil.

2. Harapin ang Problema sa Tamang Paraan: Ang pag-iwas sa problema ay maaaring mukhang mas madali. Pero posibleng magdulot ng mas malalaking isyu sa hinaharap. Ipakita sa mga anak na kayang lutasin ang mga problema nang mahinahon at may layunin upang matutunan nila ang kahalagahan ng katatagan at pagiging responsable.

3. Maging Makatarungan at Maunawain: Kapag may alitan, magpokus sa mga katotohanan at patas na pagtingin, kaysa sa damdamin. Makakatulong ito sa mga bata na maunawaan na ang pagiging matatag ay hindi nangangahulugang pagiging mahigpit o mapanakit. At maaari pa ring manatili ang respeto sa gitna ng di-pagkakasundo.

Balanseng Lakas at Sensitibong Paninindigan

 

Anuman ang kahinatnan ng isyung ito, paalala sa atin na bilang mga magulang, madalas nating kailangang maglakad sa linya sa pagitan ng pagtatanggol sa ating mga prinsipyo at pagpapanatili ng ating kalmado.

Sa huli, ang pagtindig ay hindi tungkol sa “panalo” sa opinyon ng iba. Kundi sa pagbibigay ng magandang halimbawa ng respeto, responsibilidad, at katarungan—para sa media, para sa ating mga kaibigan at kakilala, at para sa mga batang umaasa sa ating gabay.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!