Isang 12-anyos na batang lalaki ang di umano’y ginahasa ang kaniyang nakababatang kapatid na babae. Dahil raw ito sa video game violence na nakita ng bata sa game na nilalaro niya. Ayon sa mga ulat, ilang beses pa raw naulit ang insidente, at mayroon pa raw nangyari noong Pasko ng nakaraang taon.
Video game violence, malaki ang panganib sa mga bata
Hindi lubos makapaniwala ang ina ng 12-anyos na bata habang siya ay sinesentensyahan sa korte sa UK dahil sa panggagahasa ng kaniyang kapatid. Ayon sa ilang mga statements, ilang beses raw naulit ang panggagahasa. At ang isang insidente ay nangyari pa raw sa harap mismo ng isa pa nilang kapatid.
Sinabi ng 12-anyos na suspek na ginagaya raw niya ang nakita niya na sex scene sa video game na Grand Theft Auto. Bukod dito, ilang beses pa raw naulit ang pang-aabuso niya sa kapatid.
Hinatulan ng korte ng 3 bilang ng rape, at isang kaso ng “inciting a girl to engage in sexual activity.” Ngunit kung sumailalim siya sa therapy ng isang taon, posible raw na tanggalin ang mga kaso sa record niya.
Nahuli raw siya matapos magkwento ang kapatid niya sa isang guro. Nang tanungin ng mga pulis, hindi siya agad umamin, pero pagtagal ay sinabi rin niya ang totoo.
Ayon pa sa kaniyang ina, sinisisi raw ng kapatid niya ang sarili tungkol sa nangyari. Ngunit sinabi ng ina na hindi raw ito kasalanan ng biktima.
Sa ngayon, gusto lang raw ng ina na maisaayos ang kanilang pamilya. Sana raw ay bumuti na ang kaniyang anak, at malampasan nila ang pagsubok na ito.
Dapat strikto ang mga magulang pagdating sa video games
Sa panahon ngayon, madali na ang paglalaro ng video games para sa mga bata. At kahit na laro ang mga ito, mayroong ilang mga video games na hindi angkop para sa mga bata.
Kaya mahalagang maging maingat ang mga magulang, at huwag hayaan na basta-bastang makapaglaro ng kung anu-anongn games ang kanilang mga anak. Dapat basahin ng mga magulang ang age restriction sa ilang mga video games, dahil mayroong mga laro na bayolente, at para lamang sa mga edad 18 pataas.
Heto ang ilang tips para sa mga magulang pagdating sa video games:
- Alaming mabuti ang mga games na nilalaro ng iyong anak. Maganda kung mag-research muna tungkol dito upang malaman kung angkop ba ito sa mga bata.
- Orasan ang kanilang paglalaro ng games. Huwag silang hayaan na sumobra o kaya ay masyadong maadik sa video games.
- Kung maaari, sabayan sila sa kanilang paglalaro upang gabayan sila at bantayan ang kanilang mga napapanood at nakikita.
- Maglaan ng oras para sa physical activity, o kaya para sa paglalaro sa labas. Hindi maganda ang masyadong nakatutok sa games palagi.
- Kung maglalaro naman ng online games, siguraduhin na pambata nga ang kanilang nilalaro, at safe itong laruin.
- Hindi maganda sa mga bata ang makakita ng video game violence dahil naaapektuhan nito ang kanilang paglaki.
Sana ay makatulong ang mga tips na ito para sa mga magulang na nais bigyan at palaruin ng video games ang kanilang mga anak.
Source: The Sun
Basahin: Mother starved 1-year-old son to death, to save money for video games