Team Payaman Vien Iligan ipinanganak na ang baby daughter nila ni Junnie Boy

Ayon kay Junnie Boy mabuti nalang daw at kamukha ng kanilang baby girl ang kaniyang mommy.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Vien Iligan ipinanganak na ang baby girl nila ni Junnie Boy.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Vien Iligan ipinanganak na ang baby girl nila ni Junnie Boy.
  • Mga babies ng Team Payaman.

Vien Iligan ipinanganak ang baby girl nila ni Junnie Boy

Larawan mula sa Facebook account ni Vien Iligan-Velasquez

May bagong blessing na namang dumating para sa Team Payaman. Dahil si Vien Iligan ipinanganak na ang second baby nila ni Junnie Boy na isang girl. Ito ay pinangalanan nilang Alona Viela.

Ang magandang balita agad na ibinahagi ni Junnie Boy sa kaniyang social media accounts kung saan makikitang masayang-masaya siya na makarga at makita ang anak for the first time. Sabi pa nga ng kilalang vlogger, nagpapasalamat siya na kamukha ng kanilang baby girl ang misis niyang si Vien.

“Welcome to the world little alon! Maraming salamat dahil kamuka mo si mommy mo na may konting tita venice. Mahal na mahal ka namin ni mommy at kuya mo @vonmavi @alona.viela @vivieniligan.”

Ito ang caption ng post ni Junnie Boy kung saan makikitang pati ang panganay niyang si Mavi ay very happy na makita ang kaniyang little sister sa unang pagkakataon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Habang si Vien naman sinabing early christmas gift ang pagdating ng kanilang baby girl.

"Early Christmas gift! Thank you, Lord! Kumpleto kami ngayong pasko."

Agad namang bumuhos ang pagbati ng iba pang Team Payaman members tulad ni Pat Velasquez-Gaspar. Ayon sa kaniya, sa wakas ay may baby girl na rin sa kanilang pamilya.

“I love you, Viela! Finally naki may kikay na rin kaming aayusan!!!! .”

Si Viy Cortez ay agad ring nag-react sa pagdating ng kanilang bagong pamangkin.

“Seeyouuuuuuuu alona.”

Ito naman ang komento niya sa post ni Junnie Boy.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mayo nitong taon ng i-anunsyo ni Junnie Boy at Vien na sila ay pregnant sa kanilang baby. Sumunod dito ang masaya nilang pagbabahagi na ito ay isang girl.

Samantala, ang panganay nilang si Mavi kamakailan lang ay nag-celebrate rin ng kaniyang 4th birthday. Ito naman ang naging mensahe ni Junnie Boy kay Mavi na isa ng kuya ngayon.

“Happiest birthday to you anak! Sana napapasaya ka namin ni mommy @vivieniligan. Sobrang mahal na mahal ka namin kuya @vonmavi.”

Mga babies ng Team Payaman

Larawan mula sa Facebook account ni Viy Cortez

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nitong December 5 ay ipinagdiwang rin ng Team Payaman ang 5th month birthday ni Baby Kidlat. Siya ang anak nila ni Viy Cortez at Cong TV o Lyndon Velasquez sa totoong buhay.

Samantala, ilang araw bago ang 5th month birthday ni Kidlat ay ibinahagi ni Viy ang struggle niya sa ngayon bilang isang busy mom. Ito ay ang hirap sa pagdedesisyon kung i-mimix feed na si Kidlat o i-exclusive breastfeeding pa rin sa kaniya.

Ito umano ang isa sa mga bagay na pinag-isipan nilang mabuti ni Cong. Lalo na ni Viy na super naging emosyonal sa isang TikTok video ng ibinabahagi ang isyung ito.

“Emotional lang ako ngayon kasi napagusapan namin ni Cong na mag-mix feeding na ko. Mag-formula na kami kay Kidlat so sabi ko sige kasi ang dami ko na ngang hindi nagagawa kasi exclusively breastfeeding ako.”

“Naloka ako kasi may nabasa ako ako kasi kasali ako sa group na padede moms. Tapos may nag-post na 'yong baby daw niya nagte-thank you sa kaniya. Gusto ko ma-feel 'yon na hanggang nagsasalita si Kidlat sana nagpapadede ako.”

“So 'yon naiiyak lang talaga ako kasi gusto kong magpapadede talaga kaya nga lang ang dami kong kailangang gawin. So minsan nahihirapan ako.”

Ito ang bahagi ng pahayag ng umiiyak na Viy tungkol sa pagbe-breastfeed sa anak na si Kidlat. Pero sa huli nakabuo rin siya ng desisyon. Ito ay ang magpatuloy sa pagpapasuso.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Hindi na ako magpo-formula, magpapadede nalang ako. Kakayanin kong pagsabay-sabayin lahat. Kasi gusto ko hanggang nagsasalita si Kidlat magthank you siya sa nanay niya. Para sa akin iba yung bonding na sa akin dumedede si Kidlat.”

Ito ang sabi pa ni Viy.

May paparating rin na bagong miyembro pa ng Team Payaman. Dahil si Pat Velasquez- Gaspar ay surprise na ibinahagi kay Boss Keng na magkaka-baby na sila.

Ang balita isinabay na i-annouce ni Pat at nalaman ni Boss Keng o Christian Gaspar sa unang pagkakataon sa kanilang 1st wedding anniversary.

“WE’RE PREGNANT!!!!”

“Thank you to our family and friends for praying with us! Thank you Mama Mary, thank you Papa Jesus!”

“I will embrace this journey with you, mahal ko. Ang tagal ka naming hinintay. Our hearts can’t wait to know you, anak!”

“We love you very much!”

Ito ang caption ng post ni Pat sa kaniyang Instagram account kalakip ang larawan nila ni Boss Keng na masayang ibinabandera ang magandang balita.

Larawan mula sa Facebook account ni Pat Velasquez-Gaspar

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang surprise announcement na ito ni Pat kay Boss Keng ay ginawa niya sa pamamagitan ng exchange gift vlog na kung saan nagpalitan sila ng regalo ni Boss Keng para sa kanilang anniversary.

Ito ay sari-saring regalo na may iba’t-ibang theme tulad ng something you need, something pink at something useful. Sa dulo ng pagpapalitan ng regalo ay nagulat si Boss Keng na may isa pang box na ibinigay si Pat sa kaniya.

Pagbukas niya dito ay tumambad sa kaniya ang tatlong pregnancy test kit na may nakasulat na pregnant. Si Boss Keng napatalon sa tuwa dahil ayon sa kaniya baby nalang ang kulang sa pagsasama nila ni Pat.

Congrats Team Payaman family!