Vien Iligan at Junnie Boy hindi pa daw handang magkaroon ng 3rd baby. Pero si Vien may hirit kay Junnie Boy na sinabing wala pa sa plano ang bagong baby dahil sa hirap ng buhay.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Vien Iligan at Junnie Boy sa pagkakaroon ng third baby.
- Pagpapalaki ni Vien at Junnie Boy sa kanilang mga anak.
Vien Iligan at Junnie Boy sa pagkakaroon ng third baby
Sa kanilang second wedding anniversary ay nagpunta sa Davao ang mag-asawang sina Vien Iligan at Junnie Boy kasama ang kanilang pamilya. Dahil sa ito ay kanilang bakasyon, si Vien natanong si Junnie Boy kung ready na ba itong magkaroon sila ng third baby. Ito ang nakakatuwang pag-uusap ng dalawa.
“Hindi. Mahirap ang buhay.”
Ito ang sagot ni Junnie Boy sa kaniyang misis na agad rin namang sumagot.
“Huwag kang ganyan. Huwag kang mahirap hirap ang buhay ang hilig mo namang mangalabit. Kung mahirap ang buhay bakit mo kinakalabit bawat gabi?”
Ito ang hirit ni Vien kay Junnie Boy.
Pero seryosong sagot ni Junnie Boy sa kaniyang misis, hindi naman daw sa hindi siya ready. Inuuna niya lang ang kapakanan ng misis na na-CS sa pangalawa nilang anak.
Larawan mula sa Facebook account ni Vien Iligan-Velasquez
Pagpapalaki ni Vien at Junnie Boy sa kanilang mga anak
Pagkukuwento pa ng mag-asawa, maganda ang agwat ng edad ng kanilang dalawang anak. Si Mavi limang taong gulang na ngayon. Habang ang bunso nilang si Viela ay isang taong gulang na.
“Ang ganda ng edad nina Mavi at Viela. Caring talaga sila. Doon mo makikita na kuya si Mavi at bunso talaga si Viela. Pero kahit na magkalayo yung edad nila may pagtatalo pa din. Pero mas lamang yung pag-aalaga nila sa isa’t’-isa.”
Ito ang pagbabahagi ni Vien na ayon kay Junnie Boy ay dahil sa magandang nakikita sa kanila ng mga anak.
“Dahil kailangan mayroon kang anak na lalaki, kailangan mong ipakita bilang tatay maging example ka sa anak mong lalaki kung paano magtrato ng babae.”
Ito ang sabi pa ni Junnie Boy.
Larawan mula sa Facebook account ni Vien Iligan-Velasquez
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!