TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Vilma Santos sa pinagdadaanan ng anak na si Luis: "I know my son, ang anak ko tumutulong hindi nanloloko"

4 min read
Vilma Santos sa pinagdadaanan ng anak na si Luis: "I know my son, ang anak ko tumutulong hindi nanloloko"

Alam ng mga tao 'yan, tumutulong ka hindi ka nanloloko and I love you, I love you Lucky!"

Vilma Santos nagbigay ng komento at mensahe sa anak na si Luis Manzano sa pinagdadaanan nitong kontrobersiya. 

Mababasa sa artikulong ito: 

  • Vilma Santos sa pinagdadaanan ng anak na si Luis Manzano
  • Kontrobersiya na kinakaharap ni Luis Manzano

Vilma Santos sa pinagdadaanan ng anak na si Luis Manzano

Sa panayam ni Boy Abunda kay Vilma Santos sa kaniyang talk show na “Fast talk with Boy Abunda” ibinahagi ni Ate V ang kaniyang mga saloobin patungkol sa nararanasang kontrobesiya ng kaniyang panganay na anak na si Luis Manzano. 

Hindi napigilan ni Ate V na maiyak nang matanong siya ni Tito Boy patungkol rito, 

vilma santos

Larawan mula sa Instagram account ni Vilma Santos

“I know my son, ang anak ko tumutulong hindi nanloloko. Kaya yung mga nagsasalita at nanghuhusga sa kaniya dahan-dahan lang kayo walang ibang nakakakilala sa anak ko kung hindi ako. Ang I know he’s such a good person.”

Pagbabahagi pa ni Ate V, 

“Hindi ko talaga ito ine-entertain but I’m always in touch with my son.”

vilma santos

Larawan mula sa Instagram account ni Vilma Santos

Pag-aamin ni Vilma Santos, hindi umano madali ang pinagdadaanan nilang pamilya, pero alam niya na magiging maayos din ang lahat sapagkat marami ang nagdadasal para kay Luis. 

“You will be fine anak, maraming nagdarasal (para) sa ‘yo and the truth will prevail. Alam ng mga tao ‘yan, tumutulong ka hindi ka nanloloko and I love you, I love you Lucky!”

Kontrobersiya na kinakaharap ni Luis Manzano

luis manzano at vilma santos

Larawan mula sa Instagram account ni Luis Manzano

Kamakailan lamang ay nasangkot si Luis Manzano sa isang investment scam ng isang gasoline company na naging bahagi siya. Maraming mga investors ang nagsampa ng reklamo sa gasoline company na ito at sinampahan din ng kaso ang actor/tv host na si Luis Manzano. 

Subalit pahayag ng kampo ni Luis ay wala umano siyang kinalaman sa mga panloloko na ito sapagkat siya rin umano ay naloko ng kaniyang kaibigan na bahagi rin ng kumpanya na ito. 

Noong nakaraang taon pa raw nagbitiw sa puwesto si Luis Manzano sa kumpanyang ito at naghain din siya ng reklamo sa NBI patungkol rito sapagkat siya rin umano ay naloko. 

Sa kasalukuyan, marami pa ring mga investor ang lumalabas at naghahain ng reklamo laban sa actor at tv host na si Luis Manzano. 

Anong maaaring kapag may kinaharap na problema ang anak? 

Hindi maiiwasan na may mga problemang kahaharapin ang ating mga anak sa hinaharap lalo na kapag sila’y lumalaki at independent na. Ito ang ilang tips para matulungan ang anak sa kanilang mga problema. 

1. Huwag tulungan ang anak kung hindi naman niya ito hinihingi sa ‘yo

Alam ko na bilang magulang na kapag may problema ang ating mga anak ay gusto natin na matulungan sila agad-agad. Subalit huwag itong gagawin lalo na kapag malaki na ang iyong anak at hindi niya ito hinihingi sa ‘yo. 

Mainam na gawin ay makinig sa ‘yong anak kapag kinausap ka niya patungkol rito. Iparamdam sa kaniya na nariyan ka para sa kaniya kahit anong mangyari. Ipakita na ikaw ay may tiwala sa kaniyang kakayahan na maresolba ang kaniyang sariling problema. 

Tulungan lamang ang iyong anak kapag humingi na siya ng tulong sa ‘yo para rin hindi niya maramdaman na hindi niya kayang tumayo sa sarili niyang mga paa. 

2. Pakinggan siya

Mahalaga na maging tagapakinig ka niya. Minsan ang kinakailangan lamang ng ating mga anak kapag sila’y may pinagdadaanan ay pakinggan natin sila. Sa ganitong paraan mapaparamdam at maipaparating mo sa iyong anak na hindi mo ipinagsasawalang-bahala ang kaniyang nararamdaman at mga nararanasan. 

Maipaparating mo rin sa kaniya sa iyong pakikinig na pinapahalagahan mo siya. 

3. Intindihin ang iyong anak

Mahalaga na intindihin ang iyong anak lalo na kapag siya’y nakagawa ng mali sa mga problemang kinakaharap niya, o kaya naman sa mga desisyong ginawa niya hindi ka sang-ayon. 

Pilitin intindihin ang iyong anak at huwag nang magbigay pa ng mga masasakit na komento sa kaniya. Sa ganitong paraan maipapakita mo ang iyong suporta sa iyong anak.

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

 

YouTube

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Marhiel Garrote

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Vilma Santos sa pinagdadaanan ng anak na si Luis: "I know my son, ang anak ko tumutulong hindi nanloloko"
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2026. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko