Vilma Santos sa pagkakaroon ng apo: "I will definitely take care of her... she'll definitely be very special to me."

Si Vilma ay may payo at paalala na kay Jessy at Luis pagdating sa pagpapalaki ng magiging anak nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang aktres na si Vilma Santos ay super excited sa pagkakaroon ng apo for the first time.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Reaksyon ni Vilma Santos sa pagkakaroon ng apo sa anak na si Luis Manzano at misis niyang si Jessy Mendiola.
  • Mga aral na ituturo ni Vilma Santos sa kaniyang apo.

Reaksyon ni Vilma Santos sa pagkakaroon ng apo sa anak na si Luis Manzano at misis niyang si Jessy Mendiola

Larawan mula sa YouTube video

Nitong mga nakaraang araw ay kitang-kita ang saya ng pamilya nila Luis Manzano at Jessy Mendiola sa bagong blessing na dumating sa kanilang buhay. Ito ang ipinagbubuntis na sanggol ni Jessy. Isa nga sa super excited ay ang soon-to-be lola na si Vilma Santos na trending ang naging reaksyon ng malamang buntis si Jessy. Lalo na ng mai-reveal ang gender ng baby nito na isang girl.

Sa kaniyang latest vlog episode ay ibinahagi ng soon-to-be lola ang nararamdaman niya sa ngayon. Ayon sa aktres ay very excited siya sa pagkakaroon ng apo. Una na nga niyang ibinahagi noon kung paano niya kinausap si Jessy at Luis na magkakaanak na sila kahit noong hindi pa sila naikakasal. Ngayong naisakatuparan na ito ay walang mapaglagyan ng saya ang beteranang aktres.

“This is the first time I am having an apo. Ang alam ko I will definitely take care of her. Sa capacity ko she'll definitely be very, very special to me. Kasi ang tagal kong hininitay si Peanut tapos girl pa.”

“Ang OA ko ata pero talagang natutuwa po talaga ako. Kasi ever since gusto ko na talaga magkaapo.”

Ito ang sabi ni Vilma sa nararamdaman niya ngayon.

Pagbibiro pa nga ng excited lola kung pupuwede ay masundan agad ang una niyang apo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Kung maari kailangan masundan agad, sana baby boy!”

Ito ang natatawa niyang sabi kay Jessy at Luis.

Kinakausap niya na rin ang anak na si Luis at manugang na si Jessy sa kung gaano katagal nito maipapahiram sa kaniya ang apo. Dahil pagpapatuloy ni Vilma, base sa mga naririnig niyang kuwento ay mas doble daw ang pagmamahal ng mga lola sa apo nila kumpara sa kanilang anak. Ngayon pa nga lang daw ay mapapatunayan niyang totoo ito.

“I understand I am also mom. It’s just, gusto lang talaga ng mga lola na may time sila sa apo. Because they were saying na, na kung inaalagaan mo, minahal mo anak mo mas doble daw na mamahalin mo at aalagaan mo ang apo. If you’re worried para sa education, health, safety ng anak mo, doble daw sa apo mo,” sabi pa ni Vilma.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga aral na ituturo ni Vilma Santos sa kaniyang apo

Larawan mula sa Instagram account ni Jessy Mendiola

Alam na nga rin daw ng soon-to-be lola ang mga mahahalagang traits at aral na ituturo niya sa kaniyang apo habang lumalaki ito.

“As a lola, as Momsie V, I just want Peanut to have a good life, a productive life, a God-fearing person. We will try to give everything para sa kaniya. But the thing is kailangan at the end of the day naka-guide lang tayo din. The most important thing is kailangan marunong rumespeto sa lahat ng klaseng tao because 'yun ang buhay.”

Hirit pa ng lola, sana makuha ng apo niya ang kaniyang skin at legs. At kung pupuwede sana pati ang talent niya sa pag-aartista.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

May mahalagang bilin rin si Vilma Santos para kay Luis at Jessy sa gagawing pag-aalaga at pagpapalaki sa magiging anak nila. Ito ay ang hayaan ang apo sa mga gusto niyang gawin habang sila ay nasa likod lang nito at umaalalay.

“Basta with your guidance as parents, let her enjoy life.”

Ito ang sabi ng aktres na isa rin daw sa natutunan niya ng siya ay maging isang magulang na.

Larawan mula sa Instagram account ni Vilma Santos

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Samantala, sa nauna ng vlog ni Luis at Jessy ay ibinahagi rin ng TV host at soon-to-be dad na tulad ng kaniyang ina ang pinakamahagalang bagay na gusto niyang matutunan ng anak.

“Gusto ko ma-appreciate niya ang lahat ng tao from all walks of life.”

“Kapag nagkaedad na tayo and then we meet mga taong nakahalubilo ni Peanut they can easily say na si Peanut ay isa sa mga blessings sa buhay nila. Gusto ko lang kapag napag-usapan 'yong anak natin, 'yong tao automatic nangingiti. Kahit paano dun tayo makakakuha din ng fulfillment na we did a job well done sa pagpapalaki kay Peanut.”

Ito ang sabi pa ni Luis.

At kung may characteristics naman daw ang ina na si Vilma Santos na nais ni Luis na makuha ng anak ay ang pagiging malambing nito. Ito ang paliwanag niya kung bakit.

“Si Mommy hindi mo pagdududahan na mahal ka niya. Because in every aspect ipaparamdam niya sayo kung gaano ka ka-appreciated.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement