Nababahala sa iyong pagbubuntis? Hindi magamay ang pag-aalaga sa iyong bagong silang na anak? Nagdududa sa iyong kakayahan bilang isang magulang?
Bakit hindi mo isulat ‘yan! Sapagkat baka may iba ring mga magulang ang nakakaranas ng iyong pinagdadaanan. Sa ganitong pagkakataon maaaring mayroon kayong matutunan sa bawat karanasan ng isa’t isa.
Saan mang yugto ng iyong pagiging magulang, mahalaga na masuportahan, mapahalagahan, at mahikayat ka.
Kami dito sa theAsianparent Philippines ay binibigyang-pansin ito, kaya naman nilikha namin ang VIParents Content Creators (VIPCC). Isa itong platform kung saan maaari mong ibahagi ang iyong alalahanin, pananaw, at first-hand knowledge patungkol sa karanasan mo sa iyong pagbubuntis, relasyon, at pagiging magulang.
Dagdag pa rito, sa kada kuwento na mailalathala may certain amount ng peso ka na kikitain mula sa ating parent content creator platform! Mas marami ang nagbasa ng iyong kuwento, mas malaki ang iyong kikitain.
Dito sa VIParents Content Creators (VIPCC) binibigyan naming halaga ang inyong mga boses. Sapagkat naniniwala kami, na inyong boses ay nagbibigay ng lakas sa iyo at nagbibigay rin ng lakas sa iba.
Paano ba mailalathala ang inyong mga kuwento sa VIParents Content Creators?
Mayroon lamang 5 easy steps para mailathala ang inyong kuwento sa pamamagitan ng thAsianparent App (I-download dito) at sa VIParents website (i-click dito).
Via theAsianparent App:
- Sa theAsianparent App pumunta sa VIP section at i-select lamang ang content creator job type.
- Pumili ng paksa o tema na nais mong ibahagi sa iyong kuwento.
- Pindutin lamang ang “Accept the Terms & Conditions” (isang beses lamang kada user).
- Ibahagi ang iyong kuwento, mag-attach ng picture, at i-submit!
- Kapag na-submit na ito, pumunta sa “Published” tab. Kopyahin ang published link at ibahagi ang link ng iyong kwento sa iyong mga social media acoount at sa iyong mga kaibigan para magkaroon ng mas mataas o mas maraming kita!
Via the VIParents Website:
- Pumunta sa VIParents website (https://www.parents.vip/) at mag-login.
- I-click ang content creator jobs para makita ang mga available na jobs.
- Pumili ng paksa o tema na nais mong ibahagi sa iyong kuwento.
- Pindutin lamang ang “Accept the Terms & Conditions” (isang beses lamang kada user).
- Ibahagi ang iyong kuwento, mag-attach ng picture, at i-submit!
- Kapag na-submit na ito, pumunta sa “Published” tab. Kopyahin ang published link at ibahagi ang link ng iyong kwento sa iyong mga social media acoount at sa iyong mga kaibigan para magkaroon ng mas mataas o mas maraming kita!
Paano ka mababayaran sa pamamagitan ng VIParents Content Creators
Kada kuwento o story na iyong ipapasa o isa-submit ay automatic na mayroon nang 55 VIP Credits* kung saan maaaring mapalitan ng e-vouchers o pera. Mas makakakuha ka pa ng credits kung ang iyong kuwento ay nakakuha ng readership milestones. Ito ay natutukay sa pamamagitan ng page views o kung gaano karami ang nakabasa ng iyong kuwento.
Madali lamang itong makakamit sa pamamagitan ng pag-share ng link sa iyong mga kapamilya, kaibigan, at pati na sa inyong komunidad. Sa madaling salita, marami ang nabasa, mas marami ang kikitain.
Sa bawat karanasang ibinabahagi mo, binibigyan mo nang halaga ang iyong boses. Sumali na VIParents sa theAsianparent app o web!
Payout:
- Matapos i-submit >> 55 VIP Credits
- Kapag nakakuha ng 600 page views >> 55 karagdagang VIP Credits
- Kapag nakakuha ng 1,200 page views >> 95 karagdagang VIP Credits
- Kapag nakakuha ng 2,850 page views >> 125 karagdagang VIP Credits
- Kapag nakakuha ng 7,150 page views >> 140 karagdagang VIP Credits.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!