Visa free Korea? Nagsimula nang i-promote ng Korea Tourism Organization (KTO) sa Manila ang mga programa para sa mga turista sa South Korea. Kabilang na rito ang visa-free entry at free transit tours programs para sa mga turistang Pilipino.
Visa Free Korea: Mga benepisyo para sa mga turistang Pilipino
Sa naganap na Korea Transit Tour Seminar noong March 15, naitampok ang usapin tungkol sa mga benepisyo na maaaring mapakinabangan ng mga Pilipinong ba-byahe patungong South Korea. Ang nasabing seminar ay isinagawa ng KTO Manila sa pakikipag-ugnayan sa Incheon International Airport Corp.
Mayroong dalawang uri ng visa free entry programs kung pupunta ng Korea. Ito ay ang mga sumusunod:
- 30-day visa-free period para sa mga pasaherong mayroong visas para sa United States, Canada, Australia, New Zealand, at 32 European Union countries.
- 3-day period para sa mga general transfer na pupunta sa mga bansa na hindi included sa unang classification.
Para sa mga pasaherong nais i-avail ang ikalawang visa free entry program patungong South Korea, kailangan nilang mag-book ng Free Transit o K-Stopover tour upang maging eligible sa Visa Free Korea program.
Ayon sa KTO Manila, ang paid K-Stopover tour ay para sa mga pasahero na may stopover nang 24 hanggang 72 oras. Habang ang Free Transit Tour naman ay para sa mga pasahero na may layovers nang mas mababa sa 24 oras.
Kung pipiliin mo ang K-Stopover tour ay included na rito ang accommodations, transportation patungong airport lounges, shopping vouchers, at courses with exposure sa iba’t ibang local tourist destinations bukod sa Seoul, Incheon, at Gyeonggi-do.
Samantala, ang mga pasaherong mag a-avail ng Free Transit tour ay pwedeng pumili ng 30-minute hanggang 5-hour tours, depende sa kanilang layovers.
Kung around 1-hour ang iyong tour, pwede mong ma-experience ang mga sumusunod:
- Makapagsuot ng Hanboks
- Mag-craft ng Hangeul souvenirs sa K-Culture Zone ng airport
Kapag higit isang oras naman ang iyong layover, bukod sa mga nabanggit sa itaas ay pwede ka ring makabisita sa Younggungsa Temple o Paradise City Art-tainment.
Kung mas mahabang layover time pa ang mayroon ka posible mo ring mabisita ang mga sumusunod na lugar sa South Korea:
- Yedanpo Trail
- Haneul Garden
- Songdo Central Park at Tri-bowl
- Incheondaegyo Bridge and Triple Street
- Hongdae Street
- Gwangmyeong Cave
- Sinpo Market
Kung five-hour tour naman, ang mga turista ay pwedeng makapunta sa mga sumusunod:
- Imjingak Pyeonghwa Nuri Park and Dokgae Bridge
- The Third Tunel and Dora Observatory
- Hyundai Motorstudio Goyang
- Yeongjongdaegyo Observatory
Ang pinakamahabang tour ay posibilidad din na matuto ng local history at tradition sa Cheongwadae at Tongin Marker, Gyeongbokjung Palace at Isadong, o sa Jeondeungsa Temple, o kaya naman ay maglaro ng golf sa Orange Dunes Golf Club o Club 72.
Kaya mommy at daddy, kung nasa bucket list niyo ang pumunta ng South Korea with your family, baka ito na ang panahon para i-check ang inyong list. At i-experience ang isang masayang South Korea tour kasama ang pamilya. Tandaan lang na dapat tiyaking handa ang inyong pamilya financially at physically sa byahe na ito. Tiyakin din ang kaligtasan ng inyong mga anak sa inyong pagbyahe!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!