Natanong mo na kung ano ang vitamins na pampagana kumain sa mga bata? Kung problema mo kung paano patabain ang iyong anak, narito ang maipapayo ni Doc Richard Mata!
Mababasa sa artikulong ito ang:
- Dahilan kungbakit nagiging mapili sa pagkain ang bata
- Vitamins na pampagana kumain
- Paraan para hindi maging mapili ang bata
Bakit mapili sa pagkain ang mga bata?
Parte na ng pagpapalaki sa anak ang magkaroon ng problema sa pagkain. Nandyan na sinisigurado mong hindi sila nawawalan ng stock ng pagkain sa bahay. Pero mas pinipili nila ang mga junkfoods at iniiwasan ang mga pagkain na makakapagpabusog at magpapalusog sa kanilang katawan. Kaya naman, ‘wag susuko moms! Maraming ways ang pwede mong gawin para lumusog at gumanang kumain ang iyong anak.
Sa tulong ni Dr. Willie Ong at Dr. Richard Mata, nagbigay sila ng payo sa mga namomroblemang mommies sa pagpapakain ng kanilang anak.
Ayon kay Dr. Richard Mata, marami ang nagiging dahilan kung bakit mapili sa pagkain ang isang bata. Isa narito’y maaaring namana ng bata ang pagiging mapili ng pagkain sa nanay noong bata pa lang ito. Katulad na lang kapag madaling maanghangan ang bata sa pagkain, maaaring ito ay namana niya sa’yo. “Sometimes, we judge our children eh ganun naman tayo noong bata pa tayo.”
Dagdag pa niya na,
“Sometimes, we need to understand.”
Sumunod pang dahilan ay ang pagkakaroon ng matinding pressure sa mga bata. Lalo na kung mahilig silang uminom ng gatas ngunit nagkakaroon ng problema sa mga solid foods. At ang tanging solusyon mo para kumain si baby, ay kurutin ito o paluin.
Paliwanag ni Doc Mata,
“‘Wag niyong pilitin. ‘Wag niyong kurutin at paluin. Akala ng bata kapag solid foods ay may palaman na palo at kurot. Kaya ang mindset ng bata “Uy tanghali na. Ay kukurutin ako. Ayokong magpakita.” Kaya ang ending, hindi niya ma-develop ang normal na adaptation to solid foods.”
Importanteng tandaan sa pagpapakain ng bata ay ‘wag silang i-pressure. Para hindi sila matakot o mangamba kapag meal time at maiwasang isipin na “walang kurot” na matatanggap.
Vitamins na pampagana kumain: Solusyon sa batang mapayat
Kung nais mo namang subukang painumin ng vitamins na pampagana kumain ang iyong anak, rekomendasyon ni Doc Mata na piliin ang mga vitamins na may buclizine.
‘Wag din mangamba kung hindi pa rin kinakain ng bata ang pagkain ngunit dumami naman ang pag-inom ng gatas.
“‘Yung likes and dislikes ng pasyente, hindi nababago by vitamins. Likes and dislikes will just go through the months, through the years na “..dati ako hindi kumakain ng gulay, ngayon kumakain na ako ng gulay.”
Paliwanag ni Doc Mata na iba-iba ang mga taong nag a-adapt o gumagana ang pagkain nila.
Paraan para hindi maging mapili ang bata
Maliban sa pagbibigay ng vitamins na pampagana kumain, may ibang hakbang ka ring maaring gawin para hindi maging mapili sa pagkain ang iyong anak. Ang mga ito ay ang sumusunod:
1. Liitan ang pagkakahati sa pagkain
Kung nais mong kumain ng gulay ang iyong anak, gaya ng payo ni Doc Mata, iwasan ang pagkurot o pag-pressure sa bata. Ang gagawin mo lang ay liitan ang bawat pagkakahati sa pagkain na gusto mong ibigay sa iyong anak. “Gawin nating medyo maliliit ‘yung gulay. Hindi masyadong napapansin—parang china-chop mo para mahalo na siya sa kanina. So hindi niya masyadong nalalasahan.”
2. Maging creative
Mahilig ang mga batang lumalaki sa makukulay na bagay. Mapalaruan man ito o damit. Kaya naman isang trick para kumain ng gulay o prutas ang iyong anak ay maging creative sa pagbibigay ng pagkain. Gawing makulay ang kaniyang plato at maglagay ng iba’t-ibang hugis ng pagkain. Animal shape o colored shapes!
3. Isama ang iyong anak sa paghahanda ng kaniyang pagkain.
Isa sa paraan para ma-encourage ang iyong anak na kumain ng masusustansyang pagkain ay ang isama siya sa paghahanda nito. Ipakita sa kaniya kung paano mo ginagawa ang pagkain niya. O kaya naman ay hayaan mo siyang mamili ng pagkain na gusto niya. Hayaan mo siya ang maghanda o mag-decorate ng pagkain niya. Ito ay para ma-encourage siyang kainin ang pagkaing pinaghirapan niya.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.