Best Pampagana Vitamins Para Sa Babies, Toddlers At Kids

Walang gana kumain si baby? Tulungan siyang maachieve ang tamang timbang sa pamamagitan ng pagpapainom ng best vitamins na pampagana kumain!

Hindi ba magana kumain ang iyong anak? Baka kailangan niya ng best vitamins na pampagana kumain.

Kapag nagawa mo na ang lahat ng techniques upang maaliw si baby para isubo ang kanyang pagkain ngunit ayaw pa rin niya itong kainin, oras na para palitan ang kanyang vitamins. Maaaring wala itong appetite boosting nutrients na makakapagbigay solusyon sa iyong problema.

Kaya naman tapusin na ang mga stressful moments kapag ayaw kumain ng iyong chikiting! Bigyan siya ng best vitamins na pampagana kumain upang maging malusog ang kanyang pangangatawan.

Tips sa pagpili ng best vitamins na pampagana kumain

Bago alamin kung ano ba ang best vitamins na pampagana kumain, mahalagang malaman muna kung paano ba pumili ng tamang bitamina para sa ating anak.

  • Kumonsulta sa pediatrician – Siguraduhing kumonsulta muna sa doktor bago bumili ng vitamins, lalo na’t may iba’t ibang pangangailangan ang bawat bata.
  •  Piliin ang ageappropriate – may partikular na vitamins para sa toddlers, kids, at babies. Tiyaking tugma sa edad ng bata ang vitamins na pipiliin para maiwasan ang overdose.
  •  Hanapin ang may key nutrients – Vitamins na may Bcomplex, iron, at zinc ang karaniwang pampagana sa pagkain. Mainam ang B vitamins para sa metabolism, iron para sa energy, at zinc para sa gana sa pagkain.
  •  Suriin ang label ng produkto – Basahin ang ingredients para maiwasan ang unnecessary additives tulad ng sugar, artificial flavors, o preservatives na maaaring hindi akma para sa bata.
  •  Piliin ang flavor at form na gustong-gusto ng bata – Mas okay ang chewable, syrup, o gummies na may masarap na flavor para tanggapin ng bata ang vitamins nang walang problema.
  • Isaalang-alang ang organic o natural ingredients – Mas mabuting pumili ng vitamins na galing sa natural o organic na sangkap kung may available, para mas ligtas at wholesome ang intake ng bata.
  • Sundin ang tamang dosage – Huwag lalampas sa recommended dosage ng doktor o ng label para sa kaligtasan ng bata.

Best Vitamins na pampagana kumain

Vitamins na Pampagana Kumain
Tiki-Tiki Syrup
Best Multivitamins
Buy Now
Propan Syrup Appetite Stimulant
Best Appetite Boosting
Buy Now
Nutrilin Drops
Packed with essential vitamins and minerals to support your baby's growth and development
Buy Now
Children's Clusivol Syrup
Best for Babies and Kids
Buy Now
Pedzinc Plus C
Best Immune Boosting
Buy Now
NUTRI 10 Plus Drops
Best Tasting
Buy Now

Best Overall Weight Gain Vitamins for Babies

Tiki-Tiki Syrup

Best Vitamins Na Pampagana Kumain Para Sa Babies, Toddlers At Kids | Tiki-Tiki

Isa sa mga expert recommended brands ng baby vitamins ay ang Tiki-Tiki. Isa itong multivitamin na ginawa para sa maayos na growth at development ng mga babies. Nagtataglay kasi ito ng iba’t ibang essential nutrients na kinakailangan nila habang lumalaki.

Tiyak na matutulungan ka ng vitamins na ito sa problema mong hindi pag kain ng iyong anak dahil sa Gana booster nutrients na taglay nito. Kabilang diyan ang Lysine at B Vitamins na nakakapagpagana sa kanila kumain nang sa ganoon ay maachieve nila ang tamang timbang. Sinamahan pa ito ng Vitamins A, C, D at E na nakakapagpalakas ng resistensya, nakakapagpatibay ng tubo at nakakapagpaganda ng kutis.

Higit pa riyan ay mayroon itong masarap na orange flavor kaya’t hindi mahirap ipainom sa bata.

Features we love sa best vitamins na pampagana kumain na ito:

  • Expert recommended
  • Multivitamins
  • Gana booster nutrients

 

Best Appetite Boosting Vitamins for Babies

Propan Syrup Appetite Stimulant

Best Vitamins Na Pampagana Kumain Para Sa Babies, Toddlers At Kids | Propan

Isa pa sa mga epektibong pampagana vitamins para sa mga bata ay ang Propan Syrup Appetite Stimulant. Naglalaman ito ng Buclizine na mabisang nakakapagboost ng appetite at nakakatulong sa pagpapataas ng timbang.

Karagdagan, bukod sa Buclizine, mayroon din itong Vitamins A, D, C, D at E na nagbibigay ng iba’t ibang health benefits sa bata gaya na lamang ng pagpapalakas ng immune system, pagpapatibay ng buto at magandang kutis.

Hindi rin naman problema ang pagpapainom nito sa iyong chikiting dahil sa manamis-namis na orange flavor nito.

Features we love sa best vitamins na pampagana kumain:

  • Appetite stimulant
  • Orange flavor
  • Ligtas para sa babies at kids

 

Best Multivitamins for Babies

Nutrilin Drops

Best Vitamins Na Pampagana Kumain Para Sa Babies, Toddlers At Kids | Nutrilin

Makakatulong din ang pagpapainom ng multivitamins sa mga bata upang magkaroon sila ng gana kumain at maging malusog. Kaya naman best choice rin ang Nutrilin para sa kanila.

Ang kombinasyon ng iba’t ibang vitamins at minerals na taglay ng Nutrilin ay maganda para sa overall health ng bata. Nakakatulong ito sa pagpapalakas ng kanilang resistensya at pampagana kumain. Bukod pa riyan ay kaya rin nitong palakasin ang buto, muscles at ngipin ng babies at kids, maging ang pagpapalinaw ng mata at pagpapanatili ng malusog na kutis.

Ginamitan pa ito ng TasteRite technology upang maging masarap ang lasa ng syrup kaya’t tiyak na magugustuhan ng mga bata.

Features we love sa best vitamins na pampagana kumain na ito:

  • Multivitamins
  • Maganda para sa overall health
  • TasteRite technology

 

Best Weight Gain Vitamins for Babies and Kids

Clusivol Syrup

Best Vitamins Na Pampagana Kumain Para Sa Babies, Toddlers At Kids | Clusivol

Para naman sa mga batang may edad 1 hanggang 13 years old ang Clusivol Syrup. Mayroon itong 20 kombinasyon ng vitamins at minerals na kinakailangan upang maging maayos ang paglaki at development ni baby.

Bukod diyan ay pinapalakas nito ang resistensya ng bata dahil sa taglay nitong Lysine, at nakakapagpagana rin kumain, kaya’t tiyak na makakatulong din sa pagdadagdag ng timbang. Pagdating naman sa lasa ng vitamins na ito ay sigurado ring magugustuhan ng bata dahil kakaiba ito at matamis din.

Features we love sa best vitamins na pampagana kumain:

  • 20 vitamins at minerals
  • Naglalaman ng Lysine
  • Sweet and unique taste

 

Best Immune Boosting Vitamins for Babies

Pedzinc Plus C

Best Vitamins Na Pampagana Kumain Para Sa Babies, Toddlers At Kids | PedZINC

Ang batang sakitin ay ang walang gana kumain. Kaya naman mahalaga rin na palakasin ang resistensya nila upang makaiwas sa sakit at maging magana sa pag kain. Malaking tulong ang pagpapainom sa kanila ng Vitamin C na may Zinc gaya ng PedZINC.

Ang kombinasyon ng Vitamin C at Zinc ay mabisa upang mapalakas ang resistensya ng bata at mas mapalusog siya. Ang araw-araw na pagpapainom ng vitamins na ito ay makakatulong upang makaiwas ang iyong anak sa iba’t ibang sakit, maging sa stress. Kaya rin nitong protektahan o mapabilis ang pag galing ng bata sa mga sakit na ubo, sipon, malaria, pneumonia at diarrhea.

Gaya ng ibang baby at kids’ vitamins, mayroon din itong orange flavor na magugustuhan ng bata.

Features we love:

  • Vitamin C at Zinc
  • Nakakapagpalakas ng resistensya
  • Orange flavor

 

Best Tasting Weight Gain Vitamins for Kids

NUTRI 10 Plus Drops

Best Vitamins Na Pampagana Kumain Para Sa Babies, Toddlers At Kids | Nutri 10

Bukod sa health benefits na maaaring maibigay ng vitamins sa iyong anak, mahalaga rin i-check kung ano ang flavor o lasa nito upang matiyak na ito’y kanilang iinumin. Kaya naman kung naghahanap ka ng masarap na pampagana vitamins for babies and toddlers, subukan ang Nutri 10 Plus drops.

Naglalaman ito ng mga essential vitamins at iba pang nutrients gaya ng Zinc, CGF, Lysine at Taurine na nakakapagpatibay ng immune system ng bata. Ito rin ay nakakapagpagana kumain at nakakatulong sa pagpapataas ng timbang.

Higit sa lahat, ang masarap nitong ponkan flavor na may matamis at maasim na lasa ay tiyak na hahanap-hanapin ng iyong chikiting.

Features we love sa best vitamins na pampagana kumain:

  • Matamis at maasim na ponkan flavor
  • Essential vitamins
  • Zinc, CGF, Lysine at Taurine

 

Price Comparison Table

Brands Pack size Price
Tiki-Tiki 120 ml Php 125.00
Propan 120 ml Php 750.00
Nutrilin 30 ml Php 137.00
Clusivol 500 ml Php 475.00
PedZINC 30 ml Php 155.00
Nutri10 30 ml Php 156.00

Note: Each item and price is up to date at the time of publication. However, an item may be sold out, or the price may be different at a later date.

Mga nutrients na kailangan ng katawan

Anu-ano nga ba ang mga nutrients na kailangan ng katawan ng bata upang ganahan sila kumain at maging malusog?

Carbohydrates

Maganda para sa mga bata kung kumakain sila ng mga pagkaing mayaman sa Carbohydrates. Magandang source kasi ito ng energy at nakakatulong para sa magandang digestive routine. 

Maaaring makuha ito sa pamamagitan ng pagkain ng:

  • Pagkaing may asukal
  • Starch
  • Pasta
  • Kanin
  • Tinapay
  • Cereals
  • Patatas

Protein

Kung gusto ng pampataba at pampaganang kumain sa bata, kailangan ding pakainin sila ng mga protein-rich foods.

Subukang bigyan sila ng mga sumusunod na pagkain:

  • Peanut butter
  • Karne
  • Yogurt
  • Dairy Products

Vitamin A

Isa ito sa best vitamins na dapat mayroon ang iyong anak. Sa toddlers, may madali itong makukuha nila dahil sa marunong na silang kumain. Ang vitamin A kasi ay matatagpuan sa halos maraming uri ng pagkain. Maganda itong pampataba sa bata dahil ang vitamins na ito ay nagpopromote ng growth and development. Bukod dito maaari rin nitong mapatibay ang immune system ng anak. 

Maaari itong matagpuan sa mga sumusunod na pagkain:

  • Karne
  • Itlog
  • Citrus na prutas
  • Carrots
  • Kamote

Vitamin B12

Isa pang kailangang hanapin sa vitamins na pampataba sa bata ay ang vitamin B12. Malaking tulong ito para sa paglaki ng iyong anak. Kailangan din ito para mapaunlad ba ang brain, blood cells at iba pang parte ng katawan. Magandang vitamins ito na pampagana kumain lalo sa baby dahil masusuportahan pa nito lalo na magfunction ang developing niyang katawan. 

Ang vitamin naman na ito ay maaaring matagpuan sa:

  • Isda
  • Itlog
  • Karne
  • Dairy products
  • Fortified cereals

Calcium at Vitamin D

Ang vitamin D din ay malaking tulong na pampaganang kumain at pampataba para kay baby. Magandang combination ang calcium at vitamin d para hindi lamang lumaki ang mga buto ni baby kundi maging healthy at strong din. Kailangan din kasi ng calcium ang vitamin D para maabsorb nang mabuti ng katawan. 

Ang dalawang ito ay maaaring makuha sa:

  • Direct sunlight
  • Egg yolks
  • Butter
  • Margarine
  • Mushrooms
  • Dairy products

Ang tamang nutrisyon at pagpapainom ng magandang vitamins sa iyong anak ang susi upang sila ay maging malusog, makaiwas sa sakit at magkaroon ng normal at maayos na growth at development. Kaya naman kung may napupusuan ka na sa mga brands na aming inilista, i-add to cart na agad ito!

Maganda ring kumonsulta sa health care expert upang malaman kung ano ang akma para sa iyong anak.

Sinulat ni

Ange Villanueva