Vitamins para sa bata: Ano ang mga kailangan ng iyong anak?

Vitamins para sa bata: Ano ang mga kailangan ng iyong anak?

Nagbabalak bumili ng vitamins para sa iyong anak? Narito ang mga brand of vitamins na maari mong pagpilian.

Vitamins para sa bata: Narito ang mga vitamins at minerals na kailangan ng iyong anak para sa malusog na pangangatawan. At ang mga brand ng vitamins for kids na maari mong pagpilian.

Vitamins para sa bata

Ayon sa mga eksperto, ang mga kinakailangang vitamins at minerals ng isang bata ay makukuha naman sa balanse at masusustansyang pagkain. Tulad ng prutas, gulay, karne, gatas at whole grains at marami pang iba. Ngunit hindi lahat ng bata ay mapapakain ng nabanggit. Dahilan upang hindi rin nila makuha ang mga bitamina na kailangan ng kanilang katawan.

Vitamins para sa bata

Image from Freepik

Dito ipinapayo ng mga pediatricians na painumin ng vitamins ang bata. Lalo na ang mga vitamins na nagtataglay ng 6 na mahahalagang nutrients na kailangan nila.

Mahahalagang vitamins na kailangan ng mga bata

Calcium

Ayon sa dietician na si Andrea Giancoli, habang lumalaki ang isang bata ay kinakailangan niya ng calcium sa kaniyang katawan. Dahil sa ito ay nakakatulong sa pagkakaroon niya ng matitibay na ngipin at mga buto. At ang mga pagkain na good source ng calcium na maari niyang kainin ay ang gatas, cheese, yogurt, tofu at calcium-fortified orange juice.

Vitamins para sa bata

Image from Freepik

Vitamin A

Para naman sa normal growth and development ng katawan ay kailangan ng mga bata ang vitamin A. Nakakatulong rin ito para magkaroon sila ng malusog na balat, malinaw na mata at malakas na resistensya laban sa sakit. Ang mga pagkaing good source ng vitamin A ay ang carrots, kalabasa at iba pang kulay dilaw o orange na mga gulay.

Vitamin Bs

Mahalaga naman para sa metabolism, energy production at malusog na circulatory at nervous system ang family ng B vitamins. Ito ay ang vitamin B2, B3, B6 at B12. Ang mga vitamins na ito ay nag-propromote ng healthy muscles, strong bones at tooth formation. Ang mga pagkaing good source ng B vitamins ay ang mga karne, isda, itlog, gatas, beans at soybeans.

Vitamin C

Ang vitamin C ay nakakatulong rin upang magkaroon na malulusog na muscles, connective tissue at skin ang mga bata. Nakakatulong rin ito upang palakasin ang kanilang resistensya laban sa sakit. Ang mga pagkaing good source ng vitamin C ay mga citrus fruits, strawberries, tomatoes at green vegetables tulad ng broccoli.

Vitamins para sa bata

Image from Freepik

Iron

Dapat din ay may sapat na iron sa katawan ang mga bata. Dahil sa ito ay nakakatulong at mahalaga sa pagkakaroon nila ng healthy red blood cells. Ang mga pagkaing good source ng iron na maari nilang kainin ay red meat, spinach, beans at prunes.

Megavitamins

Ang mga megavitamins na A, D, E at K ay mahalaga rin sa development at malusog na pangangatawan ng mga bata, Bagamat hindi dapat ito sumobra sapagkat maari rin itong makasama sa kanila.

Available brand of vitamins for kids in the Philippines

Samantala, dito sa Pilipinas ang mga brand of vitamins for kids na nagtataglay ng mga nabanggit na nutrients na kanilang kailangan ay ang sumusunod:

Nutroplex

Ang Nutroplex ay isang nutritional supplement na nagtataglay ng mga nabanggit na vitamins at minerals at iba pang nakakatulong para sa healthy development ng utak ng isang bata.

Scotts Multivitamins and Supplements

Isa rin sa brand ng vitamins for kids na mabibili dito sa Pilipinas ay ang Scotts Multivitamins. Mayroong emulsion, DHA gummies at vitamin C pastilles nito na siguradong magugustuhan ng mga bata. At nagtataglay ito ng mga nutrients na kanilang kailangan hindi lang upang maproteksyunan sila laban sa sakit kung hindi upang patalasin rin ang kanilang isip.

Propan TLC

Ang Propan-TLC ay isa ring uri ng multivitamins para sa mga bata na available dito sa Pilipinas. Ito ay orange-flavored syrup na nagtataglay ng mga kinakailangang nutrients ng isang bata sa kaniyang paglaki.

Cherifer

Isa pa sa brand of vitamins for kids na available dito sa Pilipinas ay ang Cherifer. Maliban sa taglay nitong essential vitamins ay mayroon rin itong Chlorella Growth Factor o CGF na nakakatulong sa pagpapatangkad ng isang bata.

Ceelin

Para naman sa dagdag na immunity laban sa sakit, ang Ceelin vitamins ang isa sa pinagkakatiwalaan ng nakakararaming magulang.

Growee

Tulad ng Cherifer, ang Growee ay nagtataglay rin ng Chlorella Growth Factor o GCF na kailangan ng mga bata para sa mabilis na paglaki. Habang sinisigurado na mayroon rin silang healthy at strong muscles and bones.

Appebon

Para naman sa mga batang walang ganang kumain ang Appebon ay nakakatulong para maibalik ang kanilang healthy appetite. Habang sinisigurado na nakukuha rin nila ang vitamin B complex at iron na kailangan ng kanilang katawan.

Nutrilin

Ang Nutrilin ay isa ring all-in-one multivitamins para sa mga bata. Nagtataglay rin ito ng mga vitamins at minerals na kailangan para sa kanilang immunity laban sa sakit, clear eyesight, strong bones at healthy body.

Ilan lamang ang mga nabanggit sa mga vitamins para sa bata na mabibili sa mga botika o drug stores dito sa Pilipinas. Marami pang uri ng vitamins for kids ang maaring pagpilian ang nagtataglay ng nutrients na kakailanganin ng iyong anak.

Pero bago bigyan ng kahit anong vitamins o gamot ang iyong anak, tandaan na mas mainam kung magpapakokonsulta muna sa isang doktor. Ito ay upang makasigurado na ang vitamins o gamot na ibibigay ay angkop at ligtas para sa kaniya.

 

Source:

WebMD, Healthline, Watsons

BASAHIN:

#AskDok: Kailangan bang painumin ng vitamins ang mga newborn?

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.


May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner