Vitamins para sa bata: Narito ang mga vitamins at minerals na kailangan ng iyong anak para sa malusog na pangangatawan. At ang mga brand ng vitamins for kids na maaari mong pagpilian.
Mababasa sa artikulong ito:
- Vitamins para sa bata
- Mahahalagang vitamins na kailangan ng mga bata
- 8 available brand ng vitamins para sa mga bata
Talaan ng Nilalaman
Vitamins para sa bata
Ayon sa mga eksperto, ang mga kinakailangang vitamins at minerals ng isang bata ay makukuha naman sa balanse at masusustansyang pagkain.
Tulad ng prutas, gulay, karne, gatas at whole grains at marami pang iba. Ngunit hindi lahat ng bata ay mapapakain ng nabanggit. Dahilan upang hindi rin nila makuha ang mga bitamina na kailangan ng kanilang katawan.
Dito ipinapayo ng mga pediatricians na painumin ng vitamins ang bata. Lalo na ang mga vitamins na nagtataglay ng 6 na mahahalagang nutrients na kailangan nila.
Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng vitamins ng mga bata?
Mahalaga ang pagpapa-inom ng vitamins sa mga bata para matulungan silang lumakas ang pangangatawan o ang kanilang immune system. Tinutulungan din sila nito sa kanilang overall development.
Bukod sa mga pagkain na kinakain nila, maaari rin silang matulungan ng vitamins para ma-provide ang mga nutrients na kailangan nila sa kanilang paglaki at sa kanilang immune system.
Kaya ipaalam din natin sa ating mga anak ang kahalagahan ng pag-inom ng vitamins araw-araw. Sabihin sa kanila na malaki ang role nito para maging malakas at maging healthy sila everyday at para hindi sila magkaroon ng sakit.
Pagpili ng vitamins para sa inyong anak
Kung ang inyong anak ay may restricitve diet, hindi agad nakakapag-absorb ng nutrients, o kaya naman siya ay isang picky eater o maselang kumain, mabibigyan sila ng tulong ng mga vitamins.
Laging i-discuss sa mga eksperto o doktor ang mga supplements at vitamins na pwede niyong maibigay sa inyong anak.
Sa pagpili naman ng vitamins para sa inyong anak, tumingin ng mga brands na tested na at siyempre FDA approved. Maaari ring huminga ng payo mula sa doktor ng inyong anak kung ano ang akmang vitamins para sa kaniya.
6 mahahalagang vitamins na kailangan ng mga bata
1. Calcium
Ayon sa dietician na si Andrea Giancoli, habang lumalaki ang isang bata ay kinakailangan niya ng calcium sa kaniyang katawan. Dahil sa ito ay nakakatulong sa pagkakaroon niya ng matitibay na ngipin at mga buto. Ito ay vitamins sa buto na kailangan ng ating mga anak para sa matibay na buto at ngipin.
At ang mga pagkain na good source ng calcium na maaari niyang kainin ay ang gatas, cheese, yogurt, tofu at calcium-fortified orange juice.
2. Vitamin A
Para naman sa normal growth and development ng katawan ay kailangan ng mga bata ang vitamin A. Nakakatulong rin ito para magkaroon sila ng malusog na balat, malinaw na mata at malakas na resistensya laban sa sakit. Ang mga pagkaing good source ng vitamin A ay ang carrots, kalabasa at iba pang kulay dilaw o orange na mga gulay.
3. Vitamin Bs
Mahalaga naman para sa metabolism, energy production at malusog na circulatory at nervous system ang family ng B vitamins. Ito ay ang vitamin B2, B3, B6 at B12. Ang mga vitamins na ito ay nag-propromote ng healthy muscles, strong bones at tooth formation. Ang mga pagkaing good source ng B vitamins ay ang mga karne, isda, itlog, gatas, beans at soybeans.
4. Vitamin C
Ang vitamin C ay nakakatulong rin upang magkaroon na malulusog na muscles, connective tissue at skin ang mga bata. Nakakatulong rin ito upang palakasin ang kanilang resistensya laban sa sakit. Ang mga pagkaing good source ng vitamin C ay mga citrus fruits, strawberries, tomatoes at green vegetables tulad ng broccoli.
5. Iron
Dapat din ay may sapat na iron sa katawan ang mga bata. Dahil sa ito ay nakakatulong at mahalaga sa pagkakaroon nila ng healthy red blood cells. Ang mga pagkaing good source ng iron na maari nilang kainin ay red meat, spinach, beans at prunes.
6. Megavitamins
Ang mga megavitamins na A, D, E at K ay mahalaga rin sa development at malusog na pangangatawan ng mga bata, Bagamat hindi dapat ito sumobra sapagkat maari rin itong makasama sa kanila.
BASAHIN:
Anong magandang vitamins para sa baby at bakit ito kailangan?
8 available brand ng vitamins para sa mga bata
Samantala, dito sa Pilipinas ang mga brand of vitamins for kids na nagtataglay ng mga nabanggit na nutrients na kanilang kailangan ay ang sumusunod:
1. Nutroplex
Ang Nutroplex ay isang nutritional supplement na nagtataglay ng mga nabanggit na vitamins at minerals at iba pang nakakatulong para sa healthy development ng utak ng isang bata.
Ingredients
- Vit A, B1, B2, B12
- nicotinamide
- vit D3 200 IU
- Ca glycerophophate
- Fe sulate
- Mg gluconate
- L-lysine HCl
2. Scotts Multivitamins and Supplements
Isa rin sa brand ng vitamins for kids na mabibili dito sa Pilipinas ay ang Scotts Multivitamins. Mayroong emulsion, DHA gummies at vitamin C pastilles nito na siguradong magugustuhan ng mga bata.
At nagtataglay ito ng mga nutrients na kanilang kailangan hindi lang upang maproteksyunan sila laban sa sakit kung hindi upang patalasin rin ang kanilang isip.
Ingredients
- Glucose, Sucrose
- Water
- Dextrose
- Gelatine (Bovine Source)
- Vitamin C
- Blackcurrant Juice
- Acidity Regulator (Citric Acid)
- Mixed Berries Flavour
- Natural Colour (Grape Skin Red)
3. Propan TLC
Ang Propan-TLC ay isa ring uri ng multivitamins para sa mga bata na available dito sa Pilipinas. Ito ay orange-flavored syrup na nagtataglay ng mga kinakailangang nutrients ng isang bata sa kaniyang paglaki.
Ingredients
- Vitamin A, B1, B2, B3, B5, B6, B121, C, D3, E
- CHLORELLA 50 MG
- LYSINE 30 MG
- TAURINE 50 MG.
4. Cherifer
Isa pa sa brand of vitamins for kids na available dito sa Pilipinas ay ang Cherifer. Maliban sa taglay nitong essential vitamins ay mayroon rin itong Chlorella Growth Factor o CGF na nakakatulong sa pagpapatangkad ng isang bata.
Ingredients
- Chlorella Growth Factor (100% pure CGF) 50 mg
- Taurine 30 mg
- Zinc 6.8 mg
- L-lysine HCl 200 mg
- Vitamin A (equivalent to 420 mcg RE) 1400 IU
- Thiamine HCl (vitamin B1) 1 mg
- Pyridoxine HCl (vitamin B6) 1.5 mg
- Cyanocobalamin (vitamin B12) 1.67 mcg
- Niacinamide (vitamin B3) 18 mg.
5. Ceelin
Para naman sa dagdag na immunity laban sa sakit, ang Ceelin vitamins ang isa sa pinagkakatiwalaan ng nakakararaming magulang.
Ingredients
- Ascorbic acid (Vitamin C)
- Zinc Sulfate Monohydrate (equivalent to 10 mg elemental zinc)
- Each mL syrup (oral drops)
- Ascorbic acid (Vitamin C)
- Zinc Sulfate Monohydrate (equivalent to 5 mg elemental Zinc)
6. Growee
Tulad ng Cherifer, ang Growee ay nagtataglay rin ng Chlorella Growth Factor o GCF na kailangan ng mga bata para sa mabilis na paglaki. Habang sinisigurado na mayroon rin silang healthy at strong muscles and bones.
Ingredients
- Vitamin A (as Palmitate), D3, E, B1, B2, B6
- Vitamin B12
- Niacinamide
- Taurine
- Lysine
- Choline
- Chlorella Growth Factor
7. Appebon
Para naman sa mga batang walang ganang kumain ang Appebon ay nakakatulong para maibalik ang kanilang healthy appetite. Habang sinisigurado na nakukuha rin nila ang vitamin B complex at iron na kailangan ng kanilang katawan.
Ingredients
- Sorbitol Solution (Sweetening Agent)
- Glycerin (Vehicle)
- Lysine Hydrochloride
- Elemental Iron as Ferric Pyrophosphate
- Citric Acid Anhydrous (Buffer)
- Sodium Citrate Hydrous (Buffer)
- Xanthan Gum (Thickener)
- Sodium Benzoate (Preservative)
- Grenadine Flavor (Flavor)
- Sucralose (Sweetener)
- Vitamin B1 as Thiamine HCl
- FD&C Red #40
- 87-95% CFR (Color)
- Vitamin B6 as Pyridoxine HCl
- Edetate Disodium (Antioxidant)
- Vitamin B12 as Cyanocobalamin
- Purified Water (Vehicle).
8. Nutrilin
Ang Nutrilin ay isa ring all-in-one multivitamins para sa mga bata. Nagtataglay rin ito ng mga vitamins at minerals na kailangan para sa kanilang immunity laban sa sakit, clear eyesight, strong bones at healthy body.
Ingredients
- Zinc
- Vitamin B-Complex
- Vitamin D
- Manganese
- Magnesium
- Iron
- Iodine
- Choline
- Vitamin A
- Taurine
Ilan lamang ang mga nabanggit sa mga vitamins para sa bata na mabibili sa mga botika o drug stores dito sa Pilipinas. Marami pang uri ng vitamins for kids ang maaring pagpilian ang nagtataglay ng nutrients na kakailanganin ng iyong anak.
Pero bago bigyan ng kahit anong vitamins o gamot ang iyong anak, tandaan na mas mainam kung magpapakokonsulta muna sa isang doktor. Ito ay upang makasigurado na ang vitamins o gamot na ibibigay ay angkop at ligtas para sa kaniya.
Source:
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.