X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Mga tips para maging ligtas sa pagsabog ng bulkan

5 min read
Mga tips para maging ligtas sa pagsabog ng bulkan

Narito ang mga tips para maging ligtas bago, habang at pagkatapos makaranas ng pagsabog ng bulkan.

Volcano safety tips, mga dapat gawin bago, habang at pagkatapos ng pagsabog ng bulkan.

Pagputok ng bulkang Taal

Sa kasalukuyan ay nahaharap na naman sa isang pagsubok ang mga Pilipino. Ito ay ang pagputok ng bulkang Taal na nagdulot ng pag-ulan ng putik at abo sa probinsya ng Batangas at iba pang kalapit na lugar nito.

Kaya naman, paalaala ng mga kinauukulan sa lahat ng mga nakatira sa apektadong lugar na mag-ingat. At lumikas na papunta sa lugar na ligtas at makakaiwas sila sa panganib na dulot ng pagputok ng bulkan.

volcano-safety-tips

Image from Unsplash

Volcano safety tips

Ang pagputok ng bulkan ay isa lamang sa mga natural disaster na nararanasan ng daigdig. Normal itong nangyayari taon-taon sa higit kumulang 50-60 na active volcanoes sa buong mundo. Ito ay maaring magdulot ng kapahamakan at banta sa buhay ng tao na maari namang mapaghandaan.

Para maging handa at ligtas sa pagsabog ng bulkan, narito ang volcano safety tips na dapat isaisip at tandaan.

Bago ang pagsabog ng bulkan

  • Kung nakatira malapit sa isang aktibong bulkan, mabuting pag-usapan ng inyong pamilya ang dapat gawin sa oras ng pagsabog nito. Ito ay para maihanda ang bawat isa sa maaring mangyari at maturuan sila ng kanilang dapat gawin. Ganoon din ang mabawasan ang takot na maidudulot nito lalo na sa mga bata.
  • Makinig at sumubaybay sa mga balita at anunsiyo tungkol sa pagsabog ng bulkan. Makakatulong ang pagkakaroon ng battery operated radio na magagamit na source ng balita at impormasyon kahit mawalan ng kuryente.
  • Bumili at maghanda na ng googles at N95 mask para sa bawat miyembro ng inyong pamilya. Ang N95 mask ang pinapayong gamitin kumpara sa surgical mask na maari paring pasukin ng abo na mula sa bulkan.
  • Para sa mga alagang hayop mabuti ring maghanda ng emergency kit para sa kanila. O lugar na kung saan maari silang mamalagi na hindi sila makakalanghap ng abo mula sa pagsabog ng bulkan.
  • Makakatulong din na mag-imbak na ng pagkain at tubig na maiinom para sa inyong pamilya.
volcano-safety-tips

Image from Unsplash

Sa oras ng pagsabog ng bulkan

  • Makinig sa mga panawagan at anunsiyo sa inyong lugar. Sa oras na kailangan ng lumikas ay makipag-ugayan sa local government upang kayo ay matulungan.
  • Kung hindi nangangailangang lumikas, manatili sa loob ng inyong bahay. At siguraduhing nakasara ang inyong bintana at pinto. Ito ay upang hindi makapasok sa loob ng inyong bahay ang abo mula sa pagsabog ng bulkan.
  • Ipasok din ang mga sasakyan o mga equipment sa loob ng inyong bahay. O kaya naman ay takpan ito ng malaking trapal upang ito ay hindi malagyan ng volcanic ash na maaring makasira sa makina nito.
  • Kung lalabas ng bahay ay magsuot ng N95 mask. Sa oras na walang N95 mask ay maaring magbasa ng bimpo at saka ito ang itakip sa inyong ilog at bibig. Ito ay upang hindi makalanghap na abo na maaring pumasok sa baga at magdulot ng mapanganib na epekto sa kalusugan.
  • Iwasan din magpunta sa mga mabababang lugar. Dahil dito naiipon ang mga abo at iba pang debris mula sa pagputok ng bulkan.
  • Umiwas din sa mga ilog at iba pang daluyan ng tubig. Dahil sa oras ng biglaan pagsabog ng bulkan ay magsisilbing daluyan ito ng napainit na lava mula sa bulkan o lahar.
  • Makinig sa mga paalaala ng mga kinauukulan at umiwas sa mga restricted zones o lugar na naka-heightened alert sa oras ng volcanic eruption.
volcano-safety-tips

Image from Unsplash

Pagkatapos ng pagsabog ng bulkan

  • Pagkatapos ng pagsabog ng bulkan ay makinig parin sa mga anunsyo at panawagan. Ito ay upang malaman kung ligtas na bang bumalik sa inyong tahanan. Huwag basta aalis sa ligtas na lugar na kinaroroonan kung wala pang go signal mula sa awtoridad.
  • Kung maari ng bumalik sa inyong tahanan, iwasang mag-drive sa mga lugar na nakaranas ng matinding ashfall. Dahil maari itong bumara sa inyong sasakyan at maging dahilan ng pagkasira nito.
  • Sa paglilinis ng inyong bahay pagtapos ng pagsabog ng bulkan, ay magsuot ng tamang kasuotan. Ito ay ang mahahabang damit na poprotekta sa iyong balat tulad ng pantalon at long-sleeved shirt. Kailangan ring magsuot ng medyas at sapatos bilang proteksyon sa inyong mga paa.
  • Simulan ang paglilinis mula sa bubong at alulod ng inyong bahay. Saka na sunod na alisin ang mga abo sa bintana at pinto ng bahay pati na sa inyong sasakyan.
  • Para sa mga gamit sa loob ng bahay ay gumamit ng vacuum cleaner upang maaalis ang mga abo rito.
  • Ang mga naipong abo itapon malayo sa lugar na daluyan ng tubig upang hindi magdulot ng pagbara dito.
  • Dahan-dahanin ang paglilinis ng inyong bahay. Kung masyadong makapal ang bumalot na abo ay humingi ng tulong sa paglilinis nito.
  • Pakuluan muna ang inuming tubig na maaring nalagyan ng abo bago inumin.
  • At labhan ang mga damit na nalagyan ng abo.

Bago pa man pumutok ang isang bulkan ay magbibigay muna ito ng palatandaan. Kaya naman kung naninirahan sa lugar na may active na bulkan ay mabuting laging nakasubaybay sa balita. Ito ay upang alam mo alam ang dapat gawin para masiguro ang kaligtasan ng sarili at pamilya mo.

 

Source: American Red Cross

Photo: ABS-CBN News

Basahin: Mga netizens nagrereklamo sa halos tripleng pagtaas ng mga protective masks

Partner Stories
H&M’s Newborn and Baby Ranges are Here — For Every Step of Your Parenting Journey
H&M’s Newborn and Baby Ranges are Here — For Every Step of Your Parenting Journey
Meet the doughnut of your dreams - the Dreamy Valentine’s Collection from Krispy Kreme
Meet the doughnut of your dreams - the Dreamy Valentine’s Collection from Krispy Kreme
BakuNation! Isang taong pagbibigay ng confidence sa mga magulang sa bakuna para sa isang healthy family
BakuNation! Isang taong pagbibigay ng confidence sa mga magulang sa bakuna para sa isang healthy family
Love, Bonito Introduces Coleen Garcia as its First Filipino Ambassador at the Launch of Love, Bonito on Wheels
Love, Bonito Introduces Coleen Garcia as its First Filipino Ambassador at the Launch of Love, Bonito on Wheels

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • Mga tips para maging ligtas sa pagsabog ng bulkan
Share:
  • 2-anyos namatay matapos mahulugan ng tukador

    2-anyos namatay matapos mahulugan ng tukador

  • LIST: Mga shampoo para sa naglalagas na buhok pagkatapos manganak

    LIST: Mga shampoo para sa naglalagas na buhok pagkatapos manganak

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • 2-anyos namatay matapos mahulugan ng tukador

    2-anyos namatay matapos mahulugan ng tukador

  • LIST: Mga shampoo para sa naglalagas na buhok pagkatapos manganak

    LIST: Mga shampoo para sa naglalagas na buhok pagkatapos manganak

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.