X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

REAL STORIES: "Hindi ako nakaramdam ng labor pain nang manganak ako"

2 min read

It's kinda funny when my water broke it's not because that I didn't feel the pain. Parang wala lang natatawa pa Ako pero mas Malala pa partner ko. Hindi na niya alam anong gagawin pero ako chill lang. At 8:00 pm ang dami na talagang tubig na tumutulo gawa nga nang pumutok ang aking panubigan

Kaya naman nagdesisyon na kaming pumunta ng lying in clinic, pero pagpunta namin doon ni-refer kami sa ospital. Thank God dahil wala namang hassle na nangyari. Pagsapit ng 11:00pm ng gabi na-admit na ako. I didn't feel any pain that time, kahit na buhos na buhos na 'yong tubig. Take note na nakalimang beses na akong palit ng diaper. 

Palakad-lakad at upo lang ako hanggang sa kinaumagahan, nakatulog pa ako ng isang oras. Pagsapit ng 2:00 am may hilab na akong naramdaman pero tolerated naman ito. Para akong nadudumi na hindi ko maintindihan. Pero pagsapit ng 3:00 am ay nadumi talaga ako. Hindi ko talaga ramdam na manganganak na ako dahil wala akong nararamdamang sakit o pain. 

Pero kinalaunan ay hindi na ako makatayo, tila nakukuryente ang puwerta ko, at buti na lang tinignan ng nurse ang kalagayan ko, at nagulat siya na makita na fully dilated na ako. 

Natakot ako bigla dahil baka maire ko agad nang hindi pa handa ang mga nurse at ang doktor. Tumawag pa ang nurse sa delivery room para ihanda ito. 

Sa awa naman ng Diyos, 'di nya kami pinahirapan ni baby ko, pagsapit ng 3:30 am ipinanganak ko ang aking baby boy na may bigat na 3300 grams, nga pala 2nd time mom na ako.

REAL STORIES: Hindi ako nakaramdam ng labor pain nang manganak ako

Pagkatapos kong manganak, mas natakot pa ako sa paglilinis ng mga nurse sa aking matres, para sa akin traumatic ang experiene na iyon. Mas masakit pa iyon kaysa sa labor. Hindi ko na kinaya at sinabi ko ito sa nurse. Habang nililinis ang aking matres hawak-hawak at yakap ko pa rin ang aking baby. 

Pagkatapos akong linisan ng mga nurse ay kinuha naman si baby para siya naman ang linisan at paliguan. Naawa ako sa aking baby kasi iyak ng iyak si baby. 

Tinahi rin ako, dahil may 3rd degree laceration ako. Opo natakot ako sa hiwa na mayroon ako, masyado kasi itong mahaba. Sabi naman ng nurse kaunting kimbot na lang ay hanggang puwetan na. Kinaya ko nama ang pasakit sa delivery room. Kayo mga moms, anong experience niyo sa panganganak? 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

amy antiola

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Mga Tunay na Kuwento
  • /
  • REAL STORIES: "Hindi ako nakaramdam ng labor pain nang manganak ako"
Share:
  • REAL STORIES: "My daughter Sachiko arrived with an extra chromosome."

    REAL STORIES: "My daughter Sachiko arrived with an extra chromosome."

  • REAL STORIES: "Paralyze na ang partner ko, pero hinding-hindi ako aalis sa tabi niya."

    REAL STORIES: "Paralyze na ang partner ko, pero hinding-hindi ako aalis sa tabi niya."

  • REAL STORIES: "Ayaw maghanap ng trabaho at puro laro ang inaatupag ng partner ko."

    REAL STORIES: "Ayaw maghanap ng trabaho at puro laro ang inaatupag ng partner ko."

  • REAL STORIES: "My daughter Sachiko arrived with an extra chromosome."

    REAL STORIES: "My daughter Sachiko arrived with an extra chromosome."

  • REAL STORIES: "Paralyze na ang partner ko, pero hinding-hindi ako aalis sa tabi niya."

    REAL STORIES: "Paralyze na ang partner ko, pero hinding-hindi ako aalis sa tabi niya."

  • REAL STORIES: "Ayaw maghanap ng trabaho at puro laro ang inaatupag ng partner ko."

    REAL STORIES: "Ayaw maghanap ng trabaho at puro laro ang inaatupag ng partner ko."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.