REAL STORIES: "Hindi ako nakaramdam ng labor pain nang manganak ako"

Iba-iba tayo ng karanasan sa panganganak at ito ang aking delivery experience sa aking 2nd baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

It’s kinda funny when my water broke it’s not because that I didn’t feel the pain. Parang wala lang natatawa pa Ako pero mas Malala pa partner ko. Hindi na niya alam anong gagawin pero ako chill lang. At 8:00 pm ang dami na talagang tubig na tumutulo gawa nga nang pumutok ang aking panubigan

Kaya naman nagdesisyon na kaming pumunta ng lying in clinic, pero pagpunta namin doon ni-refer kami sa ospital. Thank God dahil wala namang hassle na nangyari. Pagsapit ng 11:00pm ng gabi na-admit na ako. I didn’t feel any pain that time, kahit na buhos na buhos na ‘yong tubig. Take note na nakalimang beses na akong palit ng diaper. 

Palakad-lakad at upo lang ako hanggang sa kinaumagahan, nakatulog pa ako ng isang oras. Pagsapit ng 2:00 am may hilab na akong naramdaman pero tolerated naman ito. Para akong nadudumi na hindi ko maintindihan. Pero pagsapit ng 3:00 am ay nadumi talaga ako. Hindi ko talaga ramdam na manganganak na ako dahil wala akong nararamdamang sakit o pain. 

Pero kinalaunan ay hindi na ako makatayo, tila nakukuryente ang puwerta ko, at buti na lang tinignan ng nurse ang kalagayan ko, at nagulat siya na makita na fully dilated na ako. 

Natakot ako bigla dahil baka maire ko agad nang hindi pa handa ang mga nurse at ang doktor. Tumawag pa ang nurse sa delivery room para ihanda ito. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa awa naman ng Diyos, ‘di nya kami pinahirapan ni baby ko, pagsapit ng 3:30 am ipinanganak ko ang aking baby boy na may bigat na 3300 grams, nga pala 2nd time mom na ako.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagkatapos kong manganak, mas natakot pa ako sa paglilinis ng mga nurse sa aking matres, para sa akin traumatic ang experiene na iyon. Mas masakit pa iyon kaysa sa labor. Hindi ko na kinaya at sinabi ko ito sa nurse. Habang nililinis ang aking matres hawak-hawak at yakap ko pa rin ang aking baby. 

Pagkatapos akong linisan ng mga nurse ay kinuha naman si baby para siya naman ang linisan at paliguan. Naawa ako sa aking baby kasi iyak ng iyak si baby. 

Tinahi rin ako, dahil may 3rd degree laceration ako. Opo natakot ako sa hiwa na mayroon ako, masyado kasi itong mahaba. Sabi naman ng nurse kaunting kimbot na lang ay hanggang puwetan na. Kinaya ko nama ang pasakit sa delivery room. Kayo mga moms, anong experience niyo sa panganganak? 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

amy antiola