Anong mangyayari kapag umabot ng 1 year ang lockdown sa Pilipinas?

COVID-19: What happens if the lockdown exceeds up to a year? Will it lessen the positive cases of the virus o make the situation worse?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

What happens in a lockdown?

Base sa tala ngayong araw, March 20, muling umakyat ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 dito sa bansa. Ang dating 202 noong Wednesday, ngayon ay nadagdagan pa. Sa ngayon, mayroon ng 230 katao ang positibo sa COVID-19 dito sa Pilipinas.

8 naman ang naka-recover at 17 katao ang naitalang namatay. Habang ang 506 ay masasabing ‘Persons under investigation’ pa rin. Kung saan ito ay titignan kung sila ba ay negatibo o may dadagdag pang positibo sa nasabing virus.

COVID-19 in Philippines

Nakataas pa rin ang Code RED, Sublevel 2 sa buong Luzon at state of calamity sa buong Pilipinas.

Ayon sa Department of Health, suportado nila ang pagtataas ng Code Red Level 2 dito sa bansa sa kabila ng patulay na pagtaas ng bilang ng positibong kaso ng COVID-19 dito sa bansa.

Dagdag naman ni Secretary Duque, malapit at delikado sa virus ang mga matatandang may edad na nasa 66 years old. Kasama na din ang mga taong may present na sakit katulad ng cardiovascular disease, diabetes, cancer o chronic lung disease. Kung maaari, ang mga taong tinutukoy ay maging mas maingat at iwasan muna ang matataong lugar.

Ang mga taong maaaring positibo sa COVID-19 ay nakakaranas ng sintomas na pag-ubo, lagnat, panghihina at hirap sa paghinga. Lumalabas ang mga sintomas na ito ilang araw matapos ang exposure. Minsan naman, asymtomatic ang isang pasyente. Ibig  sabihin, wala kang makikitang mga sintomas at malalaman mo na lamang na positibo ka pala.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

What happens in a lockdown? | Image from Freepik

What happens in a lockdown in Metro Manila

Noong March 16, official nang inanunsyo ni Pangulong Duterte ang ‘Total Lock down’ sa buong Luzon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi na maaaring makalabas o makapasok ng bansa; land, local air travel at local sea travel. Ito ay nagsimula noong March 15 habang ang buong Metro Manila ay nasa ilalim ng Community Quarantine. Ang lockdown na ito ay hanggang sa April 14.

Mahigpit na ipinatupad ang Total Lockdown dahil sa patuloy na pagtaas ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa. Hindi maaaring makalabas ng lungsod ang mga tao. Utos ng pangulo, sa kani-kanilang bahay na lang sila manatili hanggang matapos ang total lockdown.

Ipinatigil rin muna ang lahat ng land transportation sa buong Luzon. Katulad ng mga byahe ng jeep, bus, tricycle at iba pang uri ng public transportation. Sinisita rin ang mga nakikitang naglalakad sa labas at ang mga private cars na patuloy na bumabyahe.

Sa kabila ng Total Lockdown na ito, sabay na ring nagkansela ng pasok ang mga private companies. Base na rin sa pag-sunod sa protocol.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

What happens in a lockdown? | Image from Freepik

What happens in a lockdown in other countries

Naitala ang unang kaso ng COVID-19 sa probinsya ng China sa Wuhan noong November 2019. Pagkatapos nito, mabilis ang pagkalat ng naturang virus sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. Noong mga nakaraang buwan, sumusunod sa tala na may pinakamaraming nag positibo sa coronavirus ang South Korea. Ngunit sa paglipat ng mga araw, gumawa na sila ng mga matinding hakbang upang matigil ang pagdami ng virus sa kanilang bansa.

As of March 20, nangunguna pa rin sa pinakamaraming nagpositibo sa virus ang epicenter ng COVID-19, ang China. Sumusunod na ang Italy.

Ayon sa pag-aaral ng World Health Organization (WHO), idineklara na nila ang COVID-19 na global pandemic matapos nitong kumitil sa halos 8,000 na tao habang nasa 209,000 ang nananatiling infected sa buong mundo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi lang ang ating bansa ang nasa ilalim ng lockdown ngayon. Sa makatuwid, marami na ding bansa ang nagpatupad ng quarantine na ito. Isa na dyan ang pangalawa sa pinakamadaming positibong kaso ng COVID-19, ang Italy.

Nagsimulang mag lockdown ang buong Italy nitong March lang din. Hindi maitatanong ng ilan pero sobrang higpit ng pagpapatakbo nila ng lockdown. Kapag ikaw ay lalabas ng bahay, kailangan mo ng matinding dahilang kung bakit ka lalabas. Kumbaga ang pinapayagan lang nila ay yung nga emergency, urgent, at health reasons lamang.

Ang mga taong nagpositibo ay hindi maaaring lumabas ng kanilang tahanan. Samantalang ang mga taong may sintomas ay inaabisong manatili na sa loob ng bahay at limitahan ang pakikipag-usap sa iba.

Nananatili pa rin namang nakabukas ang mga supermarket at pharmacy sa kanila.

Ngunit ang tanong, kaya ba ng isang buwan ang lockdown ng mga tao gayong araw-araw ay tumataas pa rin ang kaso ng COVID-19? Anong nga ba ang mangyayari kapag umabot ng 1 year ang lockdown sa Pilipinas? Posible ba ito?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

What happens in a lockdown? | Image from Freepik

What happens if the lockdown exceeds up to a year?

Ang sistema ng total lockdown natin ngayon sa Pilipinas ay masasabing mahigpit. Sa bawat boundaryng mga lugar ay may mga nakabantay na pulis o kaya sundalo. Bawal na rin ang maglabas masok sa Metro Manila at labas nito. May curfew na ring ipinapatupad.

Kaya ang iba ay nabalitang nagpanic buying at bumili ng madaming mga pagkaing iimbak nila upang hindi na lumabas ng kanilang bahay.

Ganito ang sitwasyon at epekto ng COVID-19 Lockdown natin ngayon sa bansa.

Ayon sa mga scientists, maaaring tumagal pa ang ang nangyayari ngayon ng matagal na panahon. Sa makatuwid, kailangan nating ihanda ang ating mga sarili at ugaliin ang social distancing. Dahil ito ay maaaring tumagal ng isang taon, o higit pa.

Teka, hindi ako nananakot! Ito ay base pa lamang sa pag-aaral ng mga eksperto. Kung susuriin, hindi talaga biro ang COVID-19. Matagal na pag-aaral at masusing pagsusuri ang kailangang gawin dito.

Hindi natin maaalis ang katotohanan na, delikado pa rin ang lumabas sa mga oras na ito dahil maaaring makakuha ka agad ng virus. At masasabi nating hindi ito kaya ng isang buwan.

Hindi matitigil ang isang virus outbreak kung wala pa ring nadidiskubreng gamot o antidote para matigil ito. Kaya kung lalabas tayo ng ating mga bahay ng walang gamot sa katawan, prone pa rin tayong kapitan nito.

Kung sakaling tatagal pa ang virus outbreak na ito, ito ang mga posibleng mangyari sa atin:

1. Severe panic buying

Mas lalong matataranta ang mga tao at maaaring dumoble ang panic buying nila kumpara sa una. Hindi ito maiiwasan dahil sa kanilang pangamba at takot na maubusan ng msa supply dahil sa matagal pa ang aabutin ng quarantine.

Sa ganitong pagkakataon, mas lawakan pa ang pag-iisip at intindihin ang mga kaganapan. Kung patuloy na magpapadala sa emosyon at hindi iisipin ang kapakanan ng iba, mas lalo lang magkakaroon ng panobagong problema imbes na solusyon.

2. Apektado ang trabaho

Dahil walang masakyan at naka lockdown pa rin ang mga lugar, mahihirapan ang mga workers na mag commute. Lalo na kung sila ay papasok sa kanilang mga tarabaho. Ang resulta nito, maaaring magresulta sa matinding siksikan at agawan ang mga pasahero kung may dumating na isang sasakyan. Dito pa lamang ay hindi na nila nagawa ang social distancing na isang mahalang ugaliin sa nangyayaring outbreak ngayon.

3. Apektado ang pag-aaral

Ang mga pag-aaral ng mga bata ay maaaring maapektuhan rin. Hindi sila makakapasok sa kanilang eskwelahan dahil sa naturang virus. Pero kung may pagkakataon naman, maaaring magsagawa ang mga eskwelahan ng online class sa kani-kanilang mga hinahawakang klase. Sa ganitong paraan, matututo pa rin ng mga bagong aralin ang mga bata kahit na sila ay nasa ilalim ng quarantine.

 

Kami sa theAsianparent Philippines, hangad namin ang kaligtasan ng bawat isa at mabuting kalusugan.

Tandaan, mas makakaiwas tayo sa sakit kung papanatilihin natin ang proper attitude kung paano i-handle ang sitwasyong ito. Katulad na lamang ng paghuhugas ng kamay, proper cough etiquette, pagsasanay ng social distancing at pag iwas na lumabas muna sa mga tahanan.

Prevention is better than cure, ika nga nila.

 

Written by

Mach Marciano