Wala na atang mas sasakit pa kung mabalitaan mo isang araw na wala nang buhay ang iyong nanay. Lalo na kung nasa malayo ka at wala kang ibang magawa sa nangyayari. Lakas loob na ibinahagi ni Liza Paqueo, anak ng isang nag positibo sa COVID-19 ng kanyang matinding saloobin sa pagpanaw ng kanyang inang si Nida Paqueo.
Noong March 11, sa edad na 67 taon, pumanaw si Nida Paqueo ilang oras lamang pagkatapos ng kanyang kaarawan. Siya ang Patient 35 na nagpositibo sa COVID-19 na virus galing sa Wuhan, China. Nakitaan siya ng mga sintomas ng nasabing virus noong February 29 at na-admit sa Manila Doctors’ Hospital noong March 5 lamang.
Ikinamatay ni Nida ang severe pneumonia na kanyang natamo. Samantala, nakitaan rin ng sintomas ang kanyang asawa (PH34) na si Dr. Paqueo at nagpositibo sa COVID-19. Kasalukuyan pa rin naman itong under medication sa nasabing ospital.
Anak ng COVID patient share “She died alone without her loving family”
Naglabas ng kanyang saloibin ang anak ni Nida Paqueo at Dr. Paqueo na si Liza Paqueo sa isang Facebook post.
Ayon kay Liza, gustuhin man niyang kumilos para sa burol ng kanyang ina, wala siyang magawa dahil nasa United States sila ng kanyang mga kapatid. Pagkatapos mamatay ng kanyang ina ilang oras lamang ng kanyang kaarawan, agad rin itong sininailalim sa cremation ng walang ceremony o tribute.
Naglabas ng open letter si Liza sa kanyang Facebook account:
Dearest family and friends:
A few hours ago, my beautiful mother, Nida, was cremated. She died alone without her loving family and friends around her. She was cremated, alone, without ceremony or tribute. My father is alone as well. He is at a Manila hospital, in stable condition and in quarantine. But he is in deep grief over the loss of his wife of 47 years–the love of his life. My brothers and I are together here in the United States. But we are not allowed to visit my dad, we are not allowed to manage and advocate for him.
Bukod sa pagdadalamhati niya at ng kanyang buong pamilya, kumalat rin ang iba’t-ibang rumors at malicious misinformation sa social media tungkol sa kanyang mga magulang.
It has been painful not just for my nuclear family but for all our extended relatives and friends who love my parents and cherished my mom. To compound the grief and pain, rumors and malicious misinformation have circulated on social media about my parents. This has all resulted in panic, violence, threats and stigmatization of our family and loved ones. Disclosure of private information has circulated as well.
Dagdag pa niya, ang ibang mga kamag anak at kaibigan niya na napag-alamang nagkaroon ng contact sa kanyang magulang ay kasalukuyang naka quarantine. Hindi rin nagtravel sa loob at labas ng bansa ang kanyang mga magulang kaya hindi nila alam kung saan nanggaling ang nasabing virus. Wala ring patunay na pumunta sila sa Siargao, Singapore o Australia.
Matagal na ang huling bisita ng kanyang mga magulang sa kanilang hometown sa Surigao City.
Ang kanyang tatay na si Dr. Paqueo, na kasalukuyang under medication dahil sa COVID-19 ang resource person sa hearing ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture noong nakaraang March 5.
Ito ay dinaluhan nina Senator Sherwin Gatchalian, Senator Bong Revilla Jr. at Senator Nancy Binay. Ang tatlong senador ay napag-alamang kasalukuyang naka self-quarantine.
Image from mrsiraphol on Freepik
Ayon kay Liza, upang ‘wag mas lalong lumala ang kalagayan, ang lahat ng nakihalubilo sa kanyang mga magulang ay marapat lang na mag self-quarentine sa loob ng 14 days. At kung nakakaramdam naman ng lagnat, ubo at sipon o iba pang sintomas ng COVID-19, agarang magpakonsulta agad sa doktor.
Dagdag pa niya,
“Our family has been in constant communication with infectious disease specialist, medical professionals and with each other to be socially and medically responsible. If you have any questions or fears, please do not hesitate to ask us questions. HOWEVER, please do respect our family during this extremely painful time. We want to concentrate our energy and our prayers on our father’s recovery (sadly from afar) and not on quelling damaging and dangerous rumors and threats.”
Basahin ang buong liham ni Liza Paqueo sa kanyang Facebook post:
https://www.facebook.com/liza.paqueo/posts/10157301429610369?_rdc=1&_rdr
BASAHIN: Libre ba ang COVID testing kit; at iba pang impormasyon na dapat malaman
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!