What is a good age difference in a relationship?
Pinatunayan ng 23 years old na babae ang kasabihang ‘age doesn’t matter’ nang ikasal ito sa isang 63-year old.
Screenshot image from KMJS
63 years old na lalaki ang na-in love sa 23 years old
Kahit na maraming pagkakaiba ang 23 years old na si Venus Usman at ang dating Barangay Captain na si Bapa Maxx, 63 years old, pinatunayan pa rin nila ang kasabihang ‘age doesn’t matter’ nang sila ay mag-isang dibdib noong nakaraang February 14.
Sa Buluan, Maguindanao makikilala ang kakaibang pag-iibigan nina Venus Usman at Bapa Max. Hindi hadlang ang kanilang 40 years age gap para sila’y ikasal.
Image from KMJS
Paano nagsimula ang kanilang pag-iibigan?
Si Bapa Maxx ay 63 years old at dating Barangay Captain ng kanilang lugar. Siya rin ay may unang asawa. Ngunit nang ito ay na-stroke at paralyze, nagdesisyon si Bapa Maxx na maghanap ng ibang pang makakasama.
Maaaring makapag-asawa pa si Bapa Maxx dahil siya ay Muslim.
Nagsimula ang kanilang pag-iibigan nang magsimulang tumulong si Bapa Maxx sa pamilya ni Venus Usman tuwing dumadaan sila sa krisis. Sa panahong ito, nakita ni Venus si Bapa bilang isang mabuting tatay.
Maraming babae ang dumaan kay Bapa ngunit hindi rin ito nagtagal. Ngunit nang dumating si Venus, tila nagbago na ang kanyang pananaw at naramadaman na si Venus na ang para sa kanya.
Sa interview ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS), inilarawan ni Bapa Maxx ang kanyang pagmamahal sa dalaga.
“Wala na akong kagustuhan na babae, basta si Venus na lang,”
Ngunit sa simula, hindi pareho ng nararamdaman sa isa’t isa sina Bapa at Venus. Ayon kay Venus, noong nalaman niya ang feelings ni Bapa sa kanya, siya ay nalito at mismong pamilya nito ay tutol sa kanila. Nabanggit din ng dalaga na halos isang buwan siyang hindi umuwi sa kanilang bahay dahil ayaw nitong makita si Bapa.
“Matanda siya. Parang hindi kami magka-level ng edad. Parang lolo ko na siya,”
Dagdag ng dalaga.
Ngunit kahit na hindi lahat sang-ayon sa ganitong tagpo, naging matyaga si Bapa at hindi sinukuan si Venus. Dumaan din ang ilang buwan bago marinig ni Bapa ang matamis na oo ni Venus.
Ayon kay Venus isa sa dahilan kung bakit niya sinagot si Bapa ay dahil nagpakita ito ng kabaitan sa kanyang pamilya. Hindi rin niya nalilimutang tumulong kapag nagkakaroon ng problema si Venus at ang pamilya niya. Ganun rin ang dahilan kung bakit tuluyang tinanggap ng pamilya ni Venus bilang magiging asawa ng kanilang anak si Bapa.
Inamin ni Venus na noong nililigawan siya ni Bapa ay mayroon siyang nobyo. Kaya bago ang kanilang kasal, siya ay nagdalawang isip sa kanyang nagawang desisyon kung tuluyan na ba niyang papakasalan si Bapa.
Ngunit pagtading ng araw ng kanilang kasal, napagkasunduan niyang siputin si Bapa at ikasal rito.
Nagpasalamat si Venus sa unang asawa ni Bapa sa tulong nito sa kanilang kasal.
Nais rin ng dalaga na makapagbalik rin sa kanyang pag-aaral.
Aminado ang dalawa na sobrang magkasalungat ang kanilang mga interes sa buhay. Si Venus ay mahilig sa selfies samantalang si Bapa naman ay aminadong hindi marunong gumamit ng cellphone.
Mahilig rin mag-makeup ang dalaga at magsuot ng mga mamahaling damit ngunit si Bapa ay mas tipo ang babaeng simple manamit.
Ngunit hindi ito naging dahilan upang itigil ni Bapa ang panliligaw kay Venus.
Screenshot image from KMJS
What is a good age difference in a relationship? Age gap dating advice:
Narito ang ilang advice sa malaking age gap niyo ng iyong partner.
-
Alamin ang bawat interes ng isa’t-isa
Mahalagang patibayin ng bawat isa ang kanilang samahan sa tulong ng pag-alam ng bawat interes o kagustuhan ng isa’t-isa. Alamin ang paboritong pagkain, lugar, movie o kulay. Kung pareho kayong mahilig sa isang bagay, ito na ang pagkakataon upang mabigyan niyo ng oras ang isa’t-isa. Bakit hindi niyo gawin ang partikular na bagay na ito na magkasama? Magbibigay ito ng daan upang magkapit kayo ng lubusan.
Bilang isang kabiyak, resposibilidad mo rin ang pag-aalaga sa iyong asawa. Dahil hindi na maiiwasan kapag tumatanda na dapuan ng mga sakit.
-
‘Wag intindihin ang mga batikos
Hindi maiiwasan sa isang relasyon ang panghuhusga lalo na kung malaki ang age gap niyo ng partner niyo. Ngunit laging tatandaan na lahat ng mga ito ay maaaring makasira lamang sa inyong relasyon kung kayo ay magpapaapekto. Sa ganitong scenarion, mas magfocus na lamang sa pagpapatibay ng samahan ng inyong asawa kaysa sa pagpansin sa mga batikos ng mga taong walang alam sa inyo. Mas magiging healthy ang relasyon niyo kung tuluyan niyon tatanggaling ang lahat ng bagay na hindi naman kailangan at maaaring makasira sa inyo.
Source: GMA News
BASAHIN: How to deal when your age gap is causing problems in your marriage
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!