When parents say hurtful things
Hindi natin maaalis ang katotohanan na, iba-iba ang istilo ng mga magulang sa pagpapalaki at pagdidisiplina sa kanilang mga anak. Nariyan ang ibang magulang na sobrang luwag sa kanilang mga anak. Tiwala sa bawat galaw ng kanilang anak kaya naman hindi nagdadalawang isip kung sakaling ito ay magpapaalam na lumbas. Meron din naman na mga magulang na strikto sa kanilang anak. Yung tipong kailangan mo pang maglatag ng maraming ebidensya para masabing ‘may gagawin kayong project sa bahay ng classmate mo’
Ngunit kahit na ano pa ang istilo ng pagpapalaki mo sa iyong anak, marapat lang na malaman na sensitibo pa rin ang kanilang mga damdamin. Dahil bata at kailangan ng gabay, pang-unawa at pagiging pasensyoso ang kailangan mong gawin habang siya ay lumalaki.
Ang mga salitang hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak
Iwasan rin ang pagbibitaw ng mga salitang maaaring makaapekto sa kanyang emosyon. Narito ang dapat iwasang salita sa iyong anak:
1. “Mataas ang grades mo pero bakit hindi mo ‘yon ma-apply sa lahat ng bagay?”
Marapat na tandaan ng mga magulang na hindi lahat ng gusto mo sa iyong anak ay masusunod. Katulad na lamang ng pagiging magaling sa lahat ng bagay. Maaaring siya ay magaling ang performance sa school ngunit hindi ibig sa bihin ‘non ay magaling na rin siya sa larangan ng sports. Lahat ng tao ay may kalakasan ganun na rin ang kahinaan.
Kung ang isang papuri ay dinugtungan ng pagpuna sa kanilang gawain, ito ay maaarig makapagdulot ng negativity sa isang bata.
“When a compliment is immediately followed by a ‘but’, it places the focus on the negative instead of the positive. All the positive reinforcement, self-esteem boost, and motivation gained from the compliment are lost as soon as ‘but’ is uttered,”
-Adelle Cadieux, Helen DeVos Children’s Hospital
2. “Tumigil ka sa pag-iyak!”
When parents say hurtful things | Image from Shutterstock
Dapat maintindihan ng mga magulang na okay lang umiyak ang isang bata. Ang pag-iyak ay hindi isang senyales ng kahinaan. Sa makatuwid ito ang nagtuturo sa’yo upang maging mas malakas. Hayaang ilabas ng inyong anak ang kanilang emosyon sa pamamagitan ng pag-iyak, pagkagalit o kasiyahan.
3. “Alam mo mas mabuti pa yung classmate mo!”
When parents say hurtful things | Image from Dreamstime
Walang sinuman ang gustong makumpara sa ibang tao. Mahalagang malaman ng mga magulang na kahit kailan ay hindi makakatulong ang pagsasabi ng ganitong mga salita sa kanilang mga anak. Mas lalo lang silang magkakaroon ng pagdududa sa kanilang mga sarili dahil ipinapakita na may mas higit sa kanila. At hindi sapat ang kanilang kakayahan.
Hindi dapat ipagkumpara ang bawat bata sa kapwa nila dahil may kanya-kanyang taglay silang kakayahan.
4. “Nakatira ka sa bahay ko kaya sumunod ka sa akin!”
When parents say hurtful things | Image from Shutterstock
Ayon kay Poncher, isang maling ideya ang pagpapamukha sa iyong anak na nakatira siya sa iyong bahay. Maaari nitong labis na maapektuhan ang emotional status ng iyong anak. At magkaroon ng pagdududa sa kanyang sarili kung ano ba ang mali o kulang sa kanya.
“Parents are essentially abdicating their responsibility when they say things like that. And in my experience, this statement is often an empty threat that parents are rarely willing to follow through on – so why say something like that to begin with?”
Ang pagbabato sa kanya ng insultong katulad nito ay maaaring magkaroon ng matinding epekto sa pagkatao ng iyong anak. Bababa ang kanyang confidence at maaaring umiwas sa mga tao dahil nahihiya ito sa kanyang pisikal na anyo.