Kadalasang tanong ng mga moms “Where to buy plants online?”
In na in ang pag-aalaga ng mga halaman ngayon dahil halos lahat sa atin ay nasa loob lang ng bahay. Sino ba naman kasing hindi mawiwili sa pag-aalaga ng plants? Bukod sa aesthetic view nitong naibibigay sa inyong bahay, makakatulong rin itong mawala ang stress ni mommy!
Dahil karamihan sa atin ay stuck sa bahay at iniiwasang lumabas muna para sa ating kaligtasan, alam niyo bang maaari na rin kayong makabili ng plants online? Narito ang mga online plant shop sa Philippines!
5 online stores kung saan pwedeng bumili ng halaman
1. Shopleaf
“Healthy potted greens for every space.”
Siguradong magniningning ang iyong mata kapag binisita mo ang online shop ng Shopleaf! Nagbebenta sila ng iba’t-ibang klase ng halaman at mga accessories para rito katulad ng Peperomia Hope, Mikado, Bacularis at marami pang iba.
Bisitahin ang Shopleaf.
2. Plantaholics PH
“Your partner in finding the perfect plant for your home.”
Maaaring makita ang Plantaholics PH sa kanilang Instagram account. Dito sila nagbebenta ng iba’t-ibang klase ng halaman na maaari mong maging palamuti sa loob ng inyong bahay. Katulad ng Lush peace lily, Monstera deliciosa, Palm bundle at marani pang iba!
3. Two P’s in a Pod
Where to buy plants online? | Image from pp.inapod
Maaari ring bumili online ng plants sa Two P’s in a Pod thru their Instagram o Facebook account. Maaaring mamili sa kanilang plants katulad ng Alocasia Yucatan Princess, Fittonia, Aglaonema at marami pang iba.
Maaaring i-deliver ang iyong plants thru Grab, Lalamove o pick-up.
BASAHIN:
11 indoor plants na puwedeng pangontra sa dengue at lamok
14 mosquito repellent plants na maaari mong itanim sa bahay
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!