Mga family activities na pwedeng gawin ngayong Chinese New Year

Mga family activities na pwedeng gawin ngayong Chinese New Year

Where to celebrate Chinese New Year in Philippines ngayong Year of the Rat? Tiyak na ma-eexcite ka at ang iyong buong pamilya  sa mga lugar na ito!

 

Nakagawian na ng mga Pilipino taon-taon ang pagcecelebrate ng Chinese New Year. Sa araw na ito nagtitipon-tipon ang mga kamag-anak upang magkita-kita, kumain ng masasarap na Chinese foods, uminom at i-celebrate ang panibagong taong paparating sa kanila.

 

Ngunit karamihan sa atin ay hindi makapag desisyon o makahanap ng magandang lugar para mag celebrate ng Chinese New Year. Ito ang ilan sa mga lugar na talagang swak na swak sa iyong taste!

 

Where to celebrate Chinese New Year in Philippines?

I’M Hotel

Kung pag-uusapan ang masarap na kainan ngayong Chinese New Year, taas-noo kong sasabihin na sulit ang ibabayad niyo dito sa isang hotel sa Makati na may special Chinese New Year feast! Ang kanilang reunion dinner fest ay nagkakahalaga ng Php 1,688 kada isang tao, kasama na dito ang 6 na mga putahe. Php 1,988 naman kapag pinili mo ang walong putahe.

Nasa likod ng Chinese New Year feast na ito ay ang Singaporean-Chinese chef na si Alfie Seah.

Address: 7862 Makati Ave, Makati, 1210 Metro Manila

Chinese New Year

Image Courtesy from I’M Hotel

 

Sofitel

Iba naman ang pakulo ng Sofitel sa kanilang Chinese New Year treat. Naghahanda sila ng ’12 Dishes of Prosperity’ na inihanda ng tanyag na cuisine chef na si Yui So Chan. Ang halaga nito ay Php 2,850 per person kapag lunch.  Php 3,888 per person naman sa oras ng dinner.

Bukod dito mayroon ding Chinese Hawker Style Barbecue Buffet silang ini-ooffer. Sa halagang Php 3,488 ay makakanood ka ng live band, fire dancers at fireworks display. Kasama na rin dito ang mga unli na inumin!

Address: CCP Complex, Roxas Blvd, Pasay, 1300 Metro Manila

chinese new year

Recipes to Prosperity: Chinese New Year highlights

 

Eastwood City

Mamangha naman sa iba’t-ibang Chinese performances sa Eastwood City! Sikat ding dinarayo ito dahil sa Dragon Dance parade, Astrological Readings at Fireworks Display taon-taon.

Address: 116 Eastwood Ave, Bagumbayan, Quezon City, 1110 Metro Manila

where to celebrate chinese new year in philippines

Screenshot from Eastwood City Chinese New Year page

 

Marco Polo Ortigas

Harapin ang iyong taon sa tulong ng Feng Shui Master na si Joseph Chau. Nagsasagawa siya tuwing Chinese New Year ng isang Taoism Ritual Blessing Ceremony na susundan ulit ng dragon at lion dance. Ang performances na ito ay upang maibigay ang kanilang hinihingi na prosperity.

Address: Meralco Avenue and Sapphire Street Ortigas Centre, San Antonio, Pasig, 1600 Metro Manila

 

where to celebrate chinese new year in philippines

Feng Shui Master na si  Joseph Chau na magsasagawa Taoist Ritual Blessing

 

New World Makati

Isa pang sulit na Chinese New Year deal ay ang sa New World Makati. Ang kanilang exclusive room ay nagkakahalaga lamang ng Php 6,488, kasama na dito ang breakfast spread para sa dalawang tao sa Cafe 1228. Isa rin sa makukuha mo sa kanilang special deal ay ang Chinese New Year kit na naglalaman ng Feng Shui diary at Ang Pao na may voucher worth Php 888 para sa New World’s The Shop.

Address: Esperanza Street corner Makati Avenue, Ayala Center, Makati, 1228 Metro Manila

where-to-celebrate-chinese-new-year-in-philippines

Photo from New World Manila

 

Sources: Rappler

 

BASAHIN: Listahan ng mga airlines na mayroong Chinese New Year #SeatSale6 Chinese New Year practices that bring in “suwerte”Traditional Chinese massage for babies: All you need to know

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

Mach Marciano

app info
get app banner