Ito ang epekto kapag nilalagyan mo ng asukal ang pagkain ni baby

"Why sugar is not good for babies?" Ito ang karaniwang katanungan na dapat masagot para maging healthy ang paglaki ng iyong anak. | Lead image from Unsplash

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Why sugar is not good for babies?

Sa unang mga buwan ni baby, ang pinaka kailangan nito ay ang gatas ng kanyang ina. Naglalaman kasi ng iba’t-ibang nutrients at mahahalagang ingredients ang breastmilk na tanging ina lamang angkayang magbigay sa kanyang anak. Pagsapit ng 6 months ni baby, maaari na itong kumain ng mga solid foods na alternatibo bukod sa gatas ng ina.

Ngunit para sa mga first time mom o kahit na mga huwarang ina na nasa stage na papakainin na ng solid foods ang kanilang mga anak, alam niyo bang may epekto ang asukal sa pagkain ni baby? Kasama na rin dito ang mga 2 years old na bata at kasalukuyang nahihilig sa iba’t-ibang pagkain na matataas ang sugar levels.

Asukal sa pagkain ni baby | Image from Unsplash

 

Ano nga ba ang partikular na na epekto ng asukal sa health ng iyong anak?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Why sugar is not good for babies?

Ayon sa isinagawang guidelines para sa mga infant at toodler ng 2020 Dietary Guidelines Advisory Committee, ipinakita nila kung paano nakaka-apekto ang diet ng isang tao sa kanilang kalusugan.

Kabilang sa report na ito ang mga batang nasa edad 2 years old pataas. Ipinapakita rito ang mga epekto ng appropriate nutrition habang lumalaki ang bata. Dagdag pa nila na ang mga kinakain ng isang bata sa unang 1,000 days nito ay nakakaapekto sa pagdevelop ng kanilang taste preference at food choices.

“Nutritional exposures during the first 1,000 days of life not only contribute to long-term health but also help shape taste preferences and food choices.”

Why sugar is not good for babies? | Image from Unsplash

Nakalagay rin sa report na hindi nakabubuti ang paglalagay ng sugar sa diet o pagkain ng isang bata. Advice nila, ‘wag munang bibigyan ng sugary foods and beverages ang mga bata sa loob ng kanilang unang 2 years.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“The energy in such products is likely to displace energy from nutrient-dense foods, increasing the risk of nutrient inadequacies.”

Malaki ang nagiging epekto ng sugar sa katawan at health ng bata. Kapag sinanay bigyan ng maraming sugar ang iyong anak, napapataas nito ang tyansa na maging overweight at obesity sila.

Samantala, ang mga prutas katulad ng apple at orange ay sagana sa sugar ngunit nagbibigay rin ng fiber at overall nutrition. Maski gatas ng ina ay mayroon ding sugar. Ngunit ang sugar na ito ay malaki ang naitutulong sa development ni baby. Perfect combination kasi nito ang fats, proteins, carbohydrates at vitamins na mahalaga sa paglaki ng isang bata.

Sa usapang prutas naman, ito ay masustansya talaga sa kalusugan ng isang tao. Marami ditong nutrients na makakatulong sa health ngunit sa reality, ito ay hindi masyadong reliable, ito ang sinabi ng AAP.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Asukal sa pagkain ni baby | Image from Unsplash

Ang mga fuit juice na ibinibigay sa mga bata ay naglalaman ng sugar ngunit walang benepisyo para sa kanila.

“Fruit juice, especially for kids in the first year of life, is a source of sugar without many nutrient benefits.”

Payo nila, sa unang mga taon ng iyong anak (aged 1-3 years), mahalagang ugaliin na ‘wag munang bigyan ng sugar foods and drinks ang isang bata. Maaari naman din itong uminom pero dapat ay hindi sosobra sa 4 ounces per day.

Kadalasan, ang mga pagkaing may mataas na sugar ay ang pagkain na paborito ng lahat. Ito ang mga sweetened beverages, desserts, matatamis na snack, kape, tea, candy at breakfast cereals.

Nirerekomenda ng mga eksperto na ang isang infant ay dapat nasa teaspoon lang sa isang araw ang kanyang makukuha. Habang 6 teaspoon naman sa isang araw ang mga toddler.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Source:

CNN Health

BASAHIN:

The sweet (and bitter) truth about what sugar does to your body

Teenager na-comatose matapos uminom ng milk tea dalawang beses sa isang araw

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Mach Marciano