Winwyn Marquez, ibinahagi ang kanilang COVID journey ng kaniyang non-showbiz boyfriend habang siya ay nagbubuntis.
Mababasa sa aritkulong ito:
- Winwyn Marquez COVID journey
- Mga dapat gawin kapag nagpositive sa COVID habang buntis
Hindi biro ang pagharap ng bawat tayo sa pandemyang ilang taon na ang nakakalipas mula nang ito ay magsimula. Marami na ang nabiktima, may ilang namatay, kasalukuyang dumaranas, at ang karamihan naman ay gumaling na.
Sa pagpasok ng taong 2022, marami sa ating mga celebrity actors and actresses ang nabiktima nito maging ang kanilang pamilya. Kasama na rito ang Kapuso actress na si Winwyn Marquez na anak ng kilala ring aktor na si Joey Marquez at Alma Moreno.
Wynwyn Marquez COVID journey
Isa ang aktres sa milyon-milyong tao na nabiktima ng sakit ng COVID. Hindi naging madali ang kaniyang naging karanasan ilang linggo pa lamang ang nakakalipas. Sapagkat nangyari ito habang siya’y nagbubuntis.
“I just found out that I’m positive, and medyo scary..” pagbabahagi niya.
Bago pa man niya malamang siya ay nagpositibo na sa sakit ay nakakaramdam na siya ng ilang mga sintomas. Ayon sa kaniya, mild lamang ang sintomas na kaniyang naranasan noon. Gaya na lamang ng pananakit ng kasu-kasuan at pananakit ng ulo.
Dahil sa mga sintomas na nabanggit ay napagdesisyunan niyang mag self-test, bilang initial na hakbang upang malaman niya kuya siya ba positibo o hindi.
Pareho sila ng kaniyang kasintahan ang nag-test. Subalit laking gulat niya nang siya ay magpositibo samantalang ang kaniyang boyfriend ay hindi.
Ayon pa sa kaniya,
“I didn’t really think na makukuha ko siya because.. You know, I followed protocols..”
Pagpapaalala pa niya, mahirap umano talagang tukuyin kung magkakaroon ka ba o hindi o saan mo ito makukuha dahil tayo ay kasalukuyan pa ring nasa surge ng COVID.
Larawan mula sa Instagram account ni Winwyn Marquez
Samantala, nang malaman niyang siya ay nagpositibo na sa sakit, doon lumabas ang sari-sari emosyon. Kasabay na rin nito ang pagdagdag at paglala ng mga sintomas na kaniyang nararamdaman.
Bukod sa pananakit ng ulo at kasu-kasuan, nadagdagan ang kaniyang nararamdaman sa kaniyang katawan. Naging barado na ang kaniyang ilong, nahirapan na siyang kumilos, huminga, at tila magpa-palpitate na siya.
Dagdag pa niya, ang paglala ng kaniyang nararamdaman ay marahil bunsod na rin ng takot. Hindi na lamang para sa kaniya, kundi para na rin sa baby na nasa sinapupunan niya.
Pagbabahagi pa ni Winwyn,
“Hindi ko masyado inisip ‘yong sarili ko, ang inisip ko siyempre.. my baby cause I’m pregnant.”
Dahil alam niyang siya ay kasalukuyang nagdadalang-tao, hindi niya mapigilan ang matakot. Nagsimula na siyang kahaban at mag-panic dahil hindi niya alam kung ano ang dapat gawin.
Kaya naman kahit na nag-negative sa test ang ama ng kaniyang anak ay pinili pa rin nito na hindi mahiwalay sa aktres.
Larawan mula sa Instagram account ni Winwyn Marquez
BASAHIN:
LOOK: Winwyn Marquez’s gender reveal party para sa kaniyang first baby
Iya Villana sa pagkakaroon ng COVID ngayong buntis: “The doctor never ever made me feel na dapat mag-alala ako.”
Buntis Guide: 6 important things to know about the COVID vaccine and pregnancy
“He decided na he wanted to stay with me inside the room,” sambit ni Winwyn.
Hindi siya naiwan nito dahil bukod sa buntis, nahihirapan na siya kumilos at bahagyang lumalala na rin ang kaniyang naunang sintomas. Nanatili ito upang mayroong kumilos at magalaga para sa kaniya.
Subalit matapos lamang ang ilang araw ay nagpositibo na rin ang kaniyang partner na sakit. Sa pagkakataon ito, mayroon na silang kakilalang doktor na parating nagmo-monitor sa kalagayan nila.
Ginawa nilang dalawa ang lahat ng maaari nilang gawin na ipinayo sa kanila ng doktor upang mas maging mabilis ang kanilang paggaling. Nagpahinga at kumain sila ng masusustansiyang pagkain, dahil iyon lamang daw ang choice nila nung panahon ‘yon.
Larawan mula sa Instagram account ni Winwyn Marquez
“We wanted to be sure before we go out,” pagsasaad ng aktres.
Sinagad ‘di umano nila ang 14-day quarantine at inantay ang negative result ng kanilang test upang makasigurado bago pa man muling lumabas.
Agad silang nagpa-check up upangg makita ang kalagayan ng kanilang baby matapos ang pagkakasakit. Labis ang kaniyang pasasalamat dahil normal naman daw lahat.
Sa pagkakataong ito ay higit na nagkaroon na ng takot ang aktres. Ayon pa sa kaniya,
“But now I’m a little bit praning, I’m a little bit scared na talaga.”
Dagdag pa niya,
“It was a scary experience and I never want to go through that again especially now that I’m pregnant.”
Mga dapat gawin kapag nagpositive sa COVID habang buntis
Kung ikaw ay kabilang sa ilang mga soon-to-be mom at nagpositibo ka COVID, narito ang ilang mga bagay na maaari mong gawin.
Tumawag at kumonsulta sa iyong doktor upang iyong malaman kung ano ang eksaktong bagay na kakailanganin ng iyong katawan.
Upang hindi masyadong maapektuhan ang iyong pagbubuntis, mahalaga na ikaw ay mag-focus sa bagay na maaari mong gawin upang mapawi ang sintomas at hindi ito lumala.
Importante ang sapat na pamamahinga, at tubig upang maiwasan ang pagka-dehydrate at mabawi ang iyong lakas.
Maaari ka ring uminom ng gamot, subalit tanungin muna ang iyong doktor, upang mabawasan ang lagnat, sakit, at ubo.
Kung iyo naman nararamdaman na ang sintomas ay patuloy lamang sa paglala, mas mabuting ikaw ay magpagamot na lamang sa ospital.
Huwag masyadong matakot at kabahan. Dahil ayon sa pag-aaral, ang overall risk ng COVID sa mga buntis ay mababa lamang.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!