Winwyn Marquez ibinahaging ang mga parents niya na sina Joey Marquez at Alma Moreno ay obsessed sa apo nilang si Luna.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Winwyn Marquez parents na sina Joey Marquez at Alma Moreno bilang obsessed grandparents sa apo na si Luna.
- Mga pagbabago sa buhay ni Winwyn ng siya ay maging isang ina na.
Winwyn Marquez parents na sina Joey Marquez at Alma Moreno bilang obsessed grandparents sa apo na si Luna
Hanggang ngayon daw ay parang hindi pa makapaniwala ang mga batikang aktor at aktres na sina Joey Marquez at Alma Moreno na may anak na ang beauty queen daughter nilang si Winwyn.
Dahil ang dalawa lalo na si Joey Marquez ay very emotional sa tuwing nakikita ang apo niya. “Tuwing nakikita niya si Luna, parang maiiyak.” Ito nga ang kuwento ni Winwyn sa panayam sa kaniya ng Philippine Entertainment Portal tungkol sa amang si Joey Marquez.
Pagpapatuloy pa ni Winwyn, very obsessed ang ama pati na ang inang si Alma Moreno kay Baby Luna.
“Obsessed na obsessed sila sobra, lalo na si Daddy!”, ito ang sabi pa ng first-time mom.
Sa sobrang pagka-obsessed pa nga raw ni Joey Marquez sa kaniyang apo ay ito pa ng nag-volunteer na mag-alaga dito sa tuwing nagtratrabaho siya.
Matatandaang nang sabihin ni Winwyn sa ama na siya ay buntis noong Disyembre ng nakaraang taon ay naluha ito sa gulat at tuwa.
Mga pagbabago sa buhay ni Winwyn ng siya ay maging isang ina na
Pagpapatuloy pa ni Winwyn, bagamat nagbo-volunteer ang ama na alagaan ang anak niya para makapagtrabaho siya ay parang hindi pa kayang iwan ni Winwyn si Luna ng matagal.
Kahit nga raw ang fiancée niya na ama ni Luna ay ini-encourage rin siyang bumalik agad sa pag-aartista para hindi siya makaranas ng postpartum stress at makabalik sa normal niyang buhay. Pero si Winwyn, tila mas gusto raw ang alagaan ang anak na si Luna.
“Kahit may yaya kami, ako pa rin ‘yong nag-aalaga. Iba ‘yong feeling ‘pag ako. Minsan nga kahit ‘yong daddy niya ‘yong… gusto kong agawin sa daddy niya, gusto ko ako!”
Ito ang kuwento pa ni Winwyn sa panayam.
Dagdag pa niya, napakasuwerte niya sa kaniyang partner na all-out ang support sa kaniya. Kahit ito ay nag-aadjust para lang masigurado na magawa parin ni Winwyn ang hilig at pangarap niya kahit siya ngayon ay mommy na.
“Ang nangyari lang kasi ‘yong partner ko, he’s very supportive na, ‘You have to go back to have a sense of normalcy, hindi ‘yong parang nasa bahay ka lang.’”
“Mas mahirap bumalik. Mentally, it was hard also for me, the first few months. So siya ‘yong nagpu-push sa akin, ‘Sige I’ll stay home, mag-work ka kahit paunti-unti.’”
Ito ang kuwento pa ni Winwyn.
Binyag ni Luna
Kamakailan lang, sa naging binyag ni Luna ay ipinakita na ni Winwyn ang mukha ng kaniyang partner. Matatandaang noong una, mula sa pregnancy announcement hanggang sa gender reveal ng kaniyang baby ay itinatago niya ang mukha nito. Dahil ayon kay Winwyn, very private person ang ama ni Luna.
Sa naging binyag pa nga ni Luna ay pinasalamatan rin ni Winwyn ang mga tao sa paligid nila. Ayon sa aktres, maswerte ang anak na mapalibutan ng mga taong tunay na nagmamahal sa kaniya. Lalo na ang mga ninong at ninang ni Luna na tinanggap ang responsibilidad na maging pangalawang magulang ng kaniyang anak.
“Our little family is truly thankful for everyone who took the time out of their busy schedules, who made an effort to be present, even taking the extra step of having themselves tested prior to the event and those who were kind enough to accept the responsibility of being our little Luna’s God parents. To our family and friends thank you.”
“Luna isn’t only blessed to be surrounded by people close to her parents heart but to also be surrounded by good and kind human beings who already seem to genuinely love her so much.”
Ito ang sabi ni Winwyn sa Instagram post niya tungkol sa binyag ng anak.
Samantala, sa iba pang Instagram post ni Winwyn ay makikitang enjoy na enjoy talaga niya ang pagiging ina sa anak na si Luna. Sa naging binyag nga nito ay nag-share si Winwyn ng larawan niya karga ang anak at ito ang nasabi niya.
“My beautiful baby, My heart may burst with love and pride for you.”
View this post on Instagram
Tulad nga ng maraming magulang, si Winwyn gustong-gusto rin na makikita at maririnig na tumatawa ang anak. Kaya naman lahat ay gagawin niya para magawa ito.
“Kahit mag mukha akong ewan, mapatawa lang kita anak,” sabi pa ni Winwyn.