Ipinagdiriwang ang women’s month tuwing buwan ng Marso. Isang buwan ng pagbibigay pugay sa mga kababaihan sa iba’t ibang larangan. Kinalap namin ang ilan sa mga activities ngayong women’s month na maaari mong daluhan.
Women’s month 2024 list of activities
Quezon City Gender And Development Council and QC Tourism
Women’s Month FREE legal consultation, photography exhibit, crafts fair, at ted talks
Sa magkasamang effort ng Gender and Development Council ng Quezon City at ng Quezon City Tourism Department, magkakaroon ng FREE consultation on Gender Based Violence sa Trinoma, Ayala Mall, Activity Center.
Mamimigay din sila ng mga information flyer hinggil sa gender-based violence. Bukod pa rito, mayroon ding photography exhibition ng mga Iconic Women ng Quezon City. Isa itong exhibition ng framed images ng mga piling babaeng achievers, trendsetters, at goal-getters na residente ng Quezon City.
Larawan mula sa Facebook ng QC Tourism and Promotions
Magaganap ang nasabing event nang anim na araw mula March 1, 2024 hanggang March 6, 2024.
Hindi pa diyan natatapos ang mga inihanda ng Quezon City government para sa Buwan ng Kababaihan. Sa nasabing event, magkakaroon din ng crafts fair. Kung saan ay magtitinda ang mga small businesses sa QC. Makikiisa rin dito ang QC-BJMP kung saan ay magtitinda sila ng mga locally made handicrafts na ginawa mismo ng mga babaeng bilanggo. Bahagi ito ng programang No Women Left Behind ni Mayor Joy Belmonte sa ilalim ng GAD Council.
Dagdag pa rito, magkakaroon din ng serye ng ted talks ang Women’s Business Council of the Philippines tungkol sa mga topic tulad ng kalusugan, teknolohiya, investment management, at business opportunities para sa mga kababaihan.
BLOOM: A Women’s Month Celebration of Resilience and Mental Well-being
Isa pang event sa Quezon City ang magbibigay pugay sa mga kababaihan. Ang event na Bloom na hosted by Burnout Festival ay magaganap mula March 11 hanggang March 15, 2024.
Iba’t ibang activities ang handog ng Bloom para sa mga kababaihan. Sa March 11 ay mayroong Zumba dance at cooking workshop.
Mula March 12 hanggang March 14 naman ay manicure, pedicure, facial, eyebrow shaping, dental checkup, hair cutting and styling, at massage.
Samantala, sa March 15 naman ay magkakaroon ng cook-off challenge at cooking workshop by LekumKee & Clara Ole. Mayroon ding Mental Health Talks, Mini Concert Performances, at raffles.
Location: QC City Hall Risen Garden, Quezon City Hall, Q.C, 1100 Quezon City, Philippines,Quezon City, Philippines
Commission on Human Rights Care Fair 2024
Bilang pakikiisa sa Buwan ng Kababaihan, isang araw ng iba’t ibang event naman ang handog ng Commission on Human Rights. Layon ng programa ang empowerment at connection para sa mga kababaihan. Magkakaroon ng bazaar na tinatawag na Commission on Human Rights of the Philippines’s Purple Bazaar sa naturang event.
Self-care, gender justice, and human rights naman ang focus ng Lunas Collective at CHR Gender Equality and Women’s Human Rights Center sa Care Fair.
Mayroong Arts-based creative group activity, exploratory discussion on consent and pleasure, at sunset yoga.
Magaganap ang Care Fair 2024 sa March 1, 2024, ganap na 1:30 hanggang 5:30 ng hapon sa Commission on Human Rights, Diliman, Quezon City.
Larawan mula sa Facebook ng Commission on Human Rights
Cultural Center of the Philippines Women’s Month activities
Ballet Philippines’ “Limang Daan”
Isang orihinal at full-length na pagtatanghal naman ang hatid ng Ballet Philippines bilang pagbibigay tribute sa beauty, wisdom, at fortitude ng mga babaeng Pilipina.
Mapapanood ang performance ng Ballet Philippines sa March 8 hanggang March 10, 2024, ganap na alas-8 ng gabi sa The Theater at Solaire: Aseana Avenue Entertainment City, Parañaque, 1701 Metro Manila.
COMELEC Gender and Development Focal Point System
Nag-anunsyo rin ang Gender and Development Focal Point System ng Commission on Elections ng kanilang Women’s Month activities.
Magkakaroon ng film showing ng mga pelikulang may kinalaman sa karapatan ng mga kababaihan sa March 1, 2024 sa BTR Convention Hall, 3rd Floor, Palacio del Gobernador Bldg.
Samantala, magkakaroon din ng spoken word poetry event na may temang “Empowering Women” sa March 15, 2024 sa Chairman’s Hall, Ground Floor, Palacio del Gobernador Bldg. ng COMELEC.
National Historical Commission of the Philippines – Museo ni Ramon Magsaysay
Bilang pakikiisa sa Women’s Month, isang exhibit naman ang isasagawa ng NHCP-Museo ni Ramon Magsaysay sa Zambales.
Magsisimula ang art exhibit na pinamagatang CONTRAST: The Life and Legacy of Anita Magsaysay-Ho sa March 2 hanggang March 16 sa Museo ni Ramon Magsaysay, Castillejos, Zambales.
Tampok sa nasabing art exhibit ang mga likhang-sining ng mga artist mula sa Casa San Miguel, CREATE, at Subic National High School Young Artists. Kung saan ay itatampok ang buhay at legasiya ni Anita Magsaysay-Ho. Ang activity na ito ay kaugnay ng pagdiriwang ng National Arts Month na may temang “Ani ng Sining, Bayang Malikhain.”
Pamper yourself ngayong Women’s Month
Maraming expectations sa atin bilang mga babae. Lalo na kung ikaw ay isang ina. Sa kabila ng lahat ng ginagawa natin, kailangan din natin ng panahon upang makapagpahinga at maalagaan ang sarili. Kaya naman ngayong Women’s Month, isang magandang ideya ang pagbibigay ng panahon sa ating sarili upang mas maging malakas, malusog, at maganda.
Narito ang ilang mga ideya upang i-pamper ang sarili ngayong Women’s Month:
Magpahinga at mag-relax
Ang pagpapahinga ay isang mahalagang bahagi ng pag-aalaga sa sarili. Maglaan ng oras upang makatulog nang maayos, magbasa ng magandang libro, makinig ng paboritong musika, o magmeditate. Makakatulong ito upang maibsan ang stress at maiparamdam sa sarili na mahalaga ka rin.
Mag-ehersisyo
Hindi lamang nakatutulong ang regular na ehersisyo upang mapanatili ang magandang pangangatawan, ngunit nagbibigay din ito ng mga positibong epekto sa mental health. Sa pamamagitan ng pag-eehersisyo maaaring mabawasan ang stress at magkaroon ng positive energy ang pangangatawan.
Magbahagi ng biyaya
Sa pamamagitan ng pagtulong sa iba o pagbibigay ng mga donasyon, maipapakita mo ang iyong pagmamalasakit at pakikiisa sa kapwa. Mayroon itong mga positibong epekto sa mental health. Bukod pa rito, makatutulong din ito upang magbigay pag-asa sa iba sa kabila ng mga hindi magandang nangyayari sa mundo.
Pumunta sa spa o magpaganda
Dahil sanay tayong maglaan ng oras para sa iba, minsan nakakalimutan natin na maglaan ng oras para sa sarili. Ngayong women’s month tiyaking makapaglalaan ng oras para sa iyong sarili. Ngayon ang magandang pagkakataon upang magpa-spa, magpa-manicure o pedicure. Hindi lamang ito makatutulong para mapaganda ang pisikal na itsura bagkus ay makatutulong din ito para ma-relax ang isipan.
Maaari ring bilihan ang iyong sarili ng mga produkto ng Mama’s Choice na tiyak makatutulong sa iyo. Mayroon silang mga produkto na para sa skin care at iba pa na super helpful para sa mga ina.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!