TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Libreng check-up at iba pa, alay sa mga kababaihan ngayong Women’s Month

4 min read
Libreng check-up at iba pa, alay sa mga kababaihan ngayong Women’s Month

Ngayong buwan, binibigyang pagkilala ang mga kababaihan sa ating lipunan. Kaya naman, narito ang ilang libreng serbisyo para sa mga babae ngayong Women's Month.

Womens Month Freebies: Tuwing buwan ng March, ipinagdiriwang ang Buwan ng Kababaihan o Women’s Month. Ito ay bilang pag-alala sa mga ambag ng mga kababaihan sa lipunan. Sa Pilipinas, ang month-long celebration na ito ay bilang pagkilala sa mga tagumpay ng mga babae. Habang itinataas din ang usapin sa gender equality at empowerment.

Bilang pagbibigay pugay sa lakas at pagiging maaruga ng mga babae, maraming iba’t ibang serbisyo na maaaring makuha nang libre ng kababaihan ngayong buwan. Nariyan ang libreng checkup, free admission sa mga museum, at marami pang iba.

Womens Month Freebies: Libreng checkup at bakuna ngayong Buwan ng Kababaihan

Libreng bakuna kontra HPV, measles at rubella

Free vaccine para sa mga babaeng edad 8 hanggang 14 na taon ang handog ng Marcelo Green Health Center. Noong March 8 ay nagkaroon ang ospital na ito libreng cervical cancer screening para sa mga babaeng edad 20-49.

Sa darating naman na March 15 at March 22 ay free vaccine naman upang maiwasan ang human papillomavirus, common infection na nakukuha mula sa pakikipagtalik na nagdudulot ng warts at nakapagtataas ng risk na magkaroon ng cancer. Bukod sa HPV vaccine, libre ding ibibigay hindi lang sa mga batang babae kundi maging sa mga batang lalaki ang measles-rubella vaccine.

Matatagpuan ang Marcelo Green Health Center sa Paranaque City. Para sa iba pang detalye, maaaring mag-mensahe sa Facebook Page ng Marcelo Green.

womens month freebies

Larawan mula sa Facebook ng Marcelo Green Health Center

Womens Month Freebies: Free prenatal checkup para sa mga buntis

Libreng checkup naman para sa mga babaeng buntis ang handog ng Global Care Medical Center of Canlubang. Ka-partner ng ospital ang Philippine Obstetrical and Gynecological Society sa proyektong ito.

Bukod sa libreng checkup ay mayroon pang pa-raffle at games na may exciting prizes sa nasabing programa.

Magaganap ito sa March 19, 9:00 am hanggang 12:00 pm. Gaganapin ang programa sa Roderick Mujer Hall sa Muntinlupa City.

womens month freebies

Larawan mula sa Facebook ng Global Care Medical Center of Canlubang

Hormone management para sa mga transwomen

Syempre, hindi lang para sa mga biological women ang Women’s Month. Para din ito sa kapwa natin babae na transgender.

Dahil diyan, mula March 10 ay may free hormone management assessment and counselling ang Trans Health Philippines. Para ito sa pre-gender-affirming surgery (GAS) for Trans Health. Makatutulong ito para ma-check kung mayroong hormonal imbalance.

Para sa mga interesado sa libreng hormone management, maaari mag-rehistro dito.

womens month freebies

Larawan mula sa Trans Health Philippines

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

Iba pang freebies ngayong Women’s Month

Libreng sakay

  • March 6, 13, at 20 – mayroong libreng bus ride ang Philippine Coast Guard para sa mga commuter na bumabyahe mula sa PITX hanggang Cubao at vice versa.
  • March 8 hanggang March 31 – mayroon ding libreng sakay sa Infanta Quezon. Mula sa town proper hanggang sa Infanta Quezon Water District at vice versa.

Womens Month Freebies: Libreng documents

  • FREE barangay clearance, barangay certificate, at surpirce treats para sa mga kababaihan ang offer ng  Barangay Santol, Tanza Cavite tuwing Biyernes ng buwan ng March.
  • Mula March 1 hanggang 31 – handog ng DOST-Philvolcs ang libreng processing fee ng mga women stakeholder na nagre-request ng All Hazard Assessment Reports.
  • Mula March 1 hanggang 31 – mayroon ding handog ang National Book Development Board na FREE issuance ng Certified True Copies of Registration (CoR) para sa mga kababaihan, senior citizen, at persons with disability. Para sa kompletong detalye maaaring bisitahin ang NBDB Facebook.

Courtesy lane para sa mga babae

  • Sa March 16 ay magkakaroon ng courtesy lane para sa mga babae ang consular offices. Upang makapag-avail ng passport services ang kababaihan.

Tuwing Marso man ino-offer ang libreng services na ito bilang pagkilala sa galing, lakas, at ambag ng mga babae sa lipunan. Tandaan pa rin nating mga babae na hindi natatapos sa buwan na ito ang ating halaga. Araw-araw tayong mahalaga sa lipunang ating ginagalawan –bilang ina, anak, asawa, career woman, business woman, kaibigan, at ano mang katayuan natin sa buhay. Babae tayo at mahalaga tayo.

Philstar, Good News Pilipinas

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jobelle Macayan

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Libreng check-up at iba pa, alay sa mga kababaihan ngayong Women’s Month
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2026. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko