Womens Month Freebies: Tuwing buwan ng March, ipinagdiriwang ang Buwan ng Kababaihan o Women’s Month. Ito ay bilang pag-alala sa mga ambag ng mga kababaihan sa lipunan. Sa Pilipinas, ang month-long celebration na ito ay bilang pagkilala sa mga tagumpay ng mga babae. Habang itinataas din ang usapin sa gender equality at empowerment.
Bilang pagbibigay pugay sa lakas at pagiging maaruga ng mga babae, maraming iba’t ibang serbisyo na maaaring makuha nang libre ng kababaihan ngayong buwan. Nariyan ang libreng checkup, free admission sa mga museum, at marami pang iba.
Womens Month Freebies: Libreng checkup at bakuna ngayong Buwan ng Kababaihan
Libreng bakuna kontra HPV, measles at rubella
Free vaccine para sa mga babaeng edad 8 hanggang 14 na taon ang handog ng Marcelo Green Health Center. Noong March 8 ay nagkaroon ang ospital na ito libreng cervical cancer screening para sa mga babaeng edad 20-49.
Sa darating naman na March 15 at March 22 ay free vaccine naman upang maiwasan ang human papillomavirus, common infection na nakukuha mula sa pakikipagtalik na nagdudulot ng warts at nakapagtataas ng risk na magkaroon ng cancer. Bukod sa HPV vaccine, libre ding ibibigay hindi lang sa mga batang babae kundi maging sa mga batang lalaki ang measles-rubella vaccine.
Matatagpuan ang Marcelo Green Health Center sa Paranaque City. Para sa iba pang detalye, maaaring mag-mensahe sa Facebook Page ng Marcelo Green.
Womens Month Freebies: Free prenatal checkup para sa mga buntis
Libreng checkup naman para sa mga babaeng buntis ang handog ng Global Care Medical Center of Canlubang. Ka-partner ng ospital ang Philippine Obstetrical and Gynecological Society sa proyektong ito.
Bukod sa libreng checkup ay mayroon pang pa-raffle at games na may exciting prizes sa nasabing programa.
Magaganap ito sa March 19, 9:00 am hanggang 12:00 pm. Gaganapin ang programa sa Roderick Mujer Hall sa Muntinlupa City.
Hormone management para sa mga transwomen
Syempre, hindi lang para sa mga biological women ang Women’s Month. Para din ito sa kapwa natin babae na transgender.
Dahil diyan, mula March 10 ay may free hormone management assessment and counselling ang Trans Health Philippines. Para ito sa pre-gender-affirming surgery (GAS) for Trans Health. Makatutulong ito para ma-check kung mayroong hormonal imbalance.
Para sa mga interesado sa libreng hormone management, maaari mag-rehistro dito.
Iba pang freebies ngayong Women’s Month
Libreng sakay
- March 6, 13, at 20 – mayroong libreng bus ride ang Philippine Coast Guard para sa mga commuter na bumabyahe mula sa PITX hanggang Cubao at vice versa.
- March 8 hanggang March 31 – mayroon ding libreng sakay sa Infanta Quezon. Mula sa town proper hanggang sa Infanta Quezon Water District at vice versa.
Womens Month Freebies: Libreng documents
- FREE barangay clearance, barangay certificate, at surpirce treats para sa mga kababaihan ang offer ng Barangay Santol, Tanza Cavite tuwing Biyernes ng buwan ng March.
- Mula March 1 hanggang 31 – handog ng DOST-Philvolcs ang libreng processing fee ng mga women stakeholder na nagre-request ng All Hazard Assessment Reports.
- Mula March 1 hanggang 31 – mayroon ding handog ang National Book Development Board na FREE issuance ng Certified True Copies of Registration (CoR) para sa mga kababaihan, senior citizen, at persons with disability. Para sa kompletong detalye maaaring bisitahin ang NBDB Facebook.
Courtesy lane para sa mga babae
- Sa March 16 ay magkakaroon ng courtesy lane para sa mga babae ang consular offices. Upang makapag-avail ng passport services ang kababaihan.
Tuwing Marso man ino-offer ang libreng services na ito bilang pagkilala sa galing, lakas, at ambag ng mga babae sa lipunan. Tandaan pa rin nating mga babae na hindi natatapos sa buwan na ito ang ating halaga. Araw-araw tayong mahalaga sa lipunang ating ginagalawan –bilang ina, anak, asawa, career woman, business woman, kaibigan, at ano mang katayuan natin sa buhay. Babae tayo at mahalaga tayo.