Work from set-up maaaring maging sanhi ng mas matinding stress, ayon sa mga eksperto

Mas matindi nga ba ang stress na dulot ng work from home?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Work from home stress — lahat tayo ay maaring nakararanas nito ngayon. Bakit nga ba mas mahirap itong set up na ito kaysa sa normal working set up?

Work from home stress

Ayon sa isang report mula sa United Nations International Labour Organization, malaking dahilan kung bakit stressed ang karamihan ngayon ay dahil sa kanilang dependence sa gadgets. Wala kasing choice sa ngayon kundi mag-rely lang sa laptops at cellphone dahil nga lahat ng tasks ay based dito.

Dahil dito, nagkakaroon ng habit ang mga tao na palaging nagche-check ng gadgets. Isa pang dahilan ay ang pagkakawala ng boundary pagdating sa oras. Dahil kung sa normal work set up, may oras ng pasok at uwi. Kapag work from home, minsan ay kahit gabing-gabi na, nagtatrabaho ka pa rin.

Ayon pa nga kay Department of Labor and Employment’s Employment Cluster Assistant Secretary Nikki Tutay:

“It could be stressful kasi sometimes hindi na natin na-rerealize yung boundaries natin between work and family setup or household setup. So hindi mo alam na napo-prolong mo ’yung time mo for working or dahil nasa bahay ka anytime accessible ka.”

Maaring dahilan din ang hindi conducive na workplace dahil nga nasa bahay lang tayo. Sa tuwing nare-realize ito ng mga employees, dito na nagbi-build up ang stress at anxiety.

Kaya naman sa tuwing nakakaramdam ka ng pagod o pressure dahil sa mga deadlines, abiso pa rin ng mga eksperto ay magpahinga kahit saglit. Hindi rin naman makaka-contribute sa iyong productivity ang pag-o-overwork.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tips para mabalanse ang iyong oras sa work from home set up

Masyadong suntok sa buwan na sabihin na kaya mong galingan sa lahat ng ito. Mayroon at mayroon talagang maco-compromise para ma-achieve ang sinasabing balance. Huwag ka ring masyadong maging hard sa iyong sarili. I-acknowledge mo rin ang mga nagagawa mo kahit pa mahirap.

Walang magic spell para rito. Iba-iba tayo ng mga sitwasyon at mga anak na iba-iba rin ang age groups. Gayunpaman, mayroon pa ring mga bagay na maaring makatulong sa iyo.

  • Matuto kang mag-prioritize. Hindi mo puwedeng gawin lahat ng sabay. Ang iyong role ay dapat nagbabago sa buong araw.
  • Hindi ka iju-judge ng iyong mga katrabaho kung sa mga video team meeting niyo ay nakikita ang kaguluhan ng iyong mga anak. Normal lamang ito.
  • Ayos lang na isara ang laptop mo para bigyang-pansin ang anak mong nagta-tantrums. Bumalik ka na lang sa pagtatrabaho kapag kumalma na sila. Sa paraang iyon, magkakaroon ka na ng peace of mind at matutulungan ka pa nitong maging productive.

  • Hayaan ang lahat sa iyong pamilya na tumulong. Ang partner mo at mga anak, dapat kayong magtulungan. Sa ganitong paraan, maari rin silang maging busy. Maging creative lang sa pagbibigay ng tasks sa kanila.
  • Kailangan mo rin ng schedule at dapat na sundan mo ito. Habang nasa lockdown, kailangang nakaplano na kahit ang mga ulam na lulutuin mo. Ito ay para magkaroon ka pa ng oras na mag-focus sa ibang bagay. Ang weekend mo ay puwede mong gamitin para mag-meal prep. Malaking tulong ito at dagdag sa oras mo.
  • Importante rin na magkaroon ng kahit kaunting alone time. Magpahinga ka at kahit papaano ay mag-relax. Mahalaga ito para sa peace of mind mo at productivity.

Paano mag-manage ng stress

Delikado ang labis labis na stress sa isang tao. Kapag hindi maagapan ito, ang stress na nararanasan mo ay maaaring maging isang seryosong mental condition. Maaaring ito ay maging anxiety o depression.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya naman narito ang mga dapat gawin sa oras na maranasan mo ang stress. Mahalagang malaman kung ano ang stress management. Ito ay makakatulong upang bawasan o tuluyang mawala ang iyong stress na nararanasan. Narito ang sampung paraan kung paano bawasan ang stress.

1. Alamin ang pinagmumulan ng iyong stress

Unang dapat mong gawin para mawala ang iyong stress ay ang pag-alam kung ano ang pinagmumulan nito. Kadalasang pinagmumulan ng stress ay pamilya, pressure, society, problems o work.

2. Ugaliing maging positibo

Isa sa mga epektibong gawin ay maging positibo lagi kahit na nakakaramdam ka ng stress. Sa paraan kasing ito, kasalukuyan kang naghahanap ng solution at pag-asa kapag patuloy mong pinapagaan ang sarili mo.

Hindi rin kasi nakakatulong ang pagiging negatibo sa lahat ng pagkakataon. Kapag inisip mong hindi mo kaya ang isang bagay, malaki ang tyansa na madadala mo ito at tuluyang hindi talaga makakayanan ang pangyayari.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

3. Pahalagahan ang sarili

Kadalasan, sarili natin ang mas makakatulong sa ating mga sarili. Kung bibigyang importansya ang sarili, mabilis na mawawala ang iyong stress na nararanasan. Gawing priority ang sarili para na rin sa iyong kapakanan. Kung hindi ka komportable sa isang bagay o desisyong gagawin, ‘wag sumugal at ituloy ito dahil sarili mo lang ang mag-s-suffer.

Selfish mang pakinggan na iuna ang sarili sa lahat pero malaki ang maitutulong nito sa iyong mental health. Ugaliin ang magkaroon ng sapat na tulog, healthy foods o ibang pangangailangan.

4. ‘Wag pilitin ang sarili kung hindi kaya

Malaki ang maitutulong sa iyong mental health kung hindi mo isasagad ang iyong sarili sa dulo. Kung hindi mo kaya ang isang bagay at alam mong naaapektuhan kana nito ng negatibo, pakawalan na ito para sa iyong kapakanan.

5. Tanggapin ang mga bagay

Parte ng buhay ang mag fail at hindi pagkasunduan ng lahat. May mga oras talaga na hindi umaayon sa atin ang pagkakataon at oras. Okay lang na maging malungkot o umiyak sa una. Parte ito ng emosyon ng isang tao at alam nating hindi madaling tanggapin ang bagay na malaki ang epekto sa atin.

Sa ganitong pagkakataon, siguraduhin na iiyak ka ngayon pero tatayo at lalaban ka kinabukasan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

6. Humingi ng tulong at suporta

Malaki ang nagiging parte ng mga taong malapit sa’yo kapag ikaw ay nasa down times. Kung nakakaramdam ng stress, ‘wag mahihiyang humingi ng tulong sa iyong pamilya o kaibigan. Lapitan sila upang humingi ng suporta.

7. Bigyan ng break ang sarili

Sa buhay, hindi lagi ay kailangan nating mag trabaho. Kailangan rin nating mag break o ipahinga ang sarili mula sa iba’t-ibang bagay. Kung alam mong pagod kana sa iyong trabaho, bakit hindi mo ipahinga ang iyong sarili? Magbakasyon kasama ang pamilya o kaya naman ilayo muna ang sarili sa mga bagay na alam mong pinagmumulan ng stress mo.

8. Magkaroon ng healthy lifestyle

Malaki rin ang tulong sa iyong stress ng pagpapanatili ng tamang diet, pagkain ng healthy foods at regular na exercise. Ugaliin rin ang pagkakaroon ng sapat na tulog dahil makakatulong ito para magkaroon ng sapat na energy sa araw.

Hindi rin nakakatulong ang bisyo sa pagpapawala ng stress. Ito ay dahil nadadagdagan lang nito ang iyong problema. Maaari mong madevelop ang health condition lalo na kung mahilig kang manigarilyo, uminom ng alak o mag droga.

9. Matutong tumanggi

Kung hindi ka komportable sa isang bagay na hinihingi ng iyong kaibigan o kasamahan sa trabaho, pwede namang tanggihan ito o magsabi ng ‘hindi’. Ang pagtanggi sa isang bahay ay hindi nangangahulugan na ikaw ay selfish. Gawing priority ang sarili lalo na kung hindi nakakatulong ang mga bagay na ito sa’yo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

10. Professional help

Kung sa tingin mo ay kailangan mo na talaga ng iba pang tulong, ‘wag magdalawang isip na humingi ng professional help sa mga taong mapagkakatiwalaan mo. Malaki ang maitutulong nila sa’yo para mabigyan ka ng professional help o mga dapat mong gawin para tuluyang mawala ang iyong stress.

 

Source:

GMA Lifestyle

Basahin:

8 effective work from home tips para sa mga parents

Sinulat ni

mayie