“How to work from home with kids?” Ito ang bungad na tanong sa akin ng kaibigan ko over the phone. And yes, we’re practicing social distancing! Bago ko sagutin ng tanong niya, may pahabol pa ulit siya. “How do you do it?” naririnig ko pa sa background ang malalakas na tunog. Ang mga tunog na ito ay galing sa kanyang anak na may edad na 9 at 7.
Pansamantalang naka ‘on break’ ang buong mundo ngayon dahil sa COVID-19 pandemic. Bilang resulta, nagkakasama ng kumpleto ang mga tao sa kani-kanilang mga pamilya sa bahay. Natututunan nila ang madaming bahay katulad ng social distancing, self-quarantine at work from home. Ito ang mga bagay na kailangang gawin upang matigil angtuluyan pagkalat ng virus. Pero sa iba, isang challenge talaga ang mag work from home lalo na kung may mga anak ka.
Paano nga ba magpatuloy sa isang conference call kung makikisali ang iyong anak na nanglalaro ng kanyang toy drum sa background? Isa pa dyan ang pagkawala ng focus mo dahil pilit na nanghihingi ang iyong anak ng breakfast (remember “BBC dad”?). Paano ka makakpagfocus sa urgent report na pinapagawa ng manager mo kung every 2 hours, nanghihingi ng pagkain ang anak mo?
Ito ang ilang mga issue sa work-at-home-mums katulad ko na kailangan talaga nating harapin sa ngayon. For sure makakatulong sa’yo ‘to dahil nabahagi ko na din ito sa stress kong kaibigan.
How to work from home with kids
1. Explain what’s going on
Hindi ko sinasabi na bigyan mo ng full lecture ang anak mo tungkol sa COVID-19. Pero i-try mo pa ring ipaliwanag na pasok sa kanilang edad. Sa ganito, maiintindihan ng iyong anak na pansamantala munang hindi sila makakapaglaro at makakapagtakbuhan sa loob ng inyong bahay. Pwede mo ring lagyan ng superhero angle ang iyong paliwanag! “To save the world, we all need to stay at home together so we don’t spread (or catch) the nasty COVID germ.”
2. Create a routine for your child
Gumawa ng regular ng routine sa mga bata. Katulad ng paggising sa kanila ng maaga katulad kapag papasok sila sa school. Bigyan ng healthy breakfast ang iyong mga anak at paliguan na rin ang mga ito. Tandaan, ang mga ito ay kailangan mong gawin bago ka magtrabaho.
Once na matapos mo na ang pag-aalaga sa iyong anak, pwede ka nang magtabaho. Pero bagot ito, bakit hindi ka gumawa ng listahan ng kanilang mga task habang busy ka? Ito ang mga example:
- 9-10am: Art and crafts, play-doh
- 10-11am: Imaginary play (dress up, role play)
- 11am-noon: Lego and puzzle time
- Noon-1pm: Lunch
- 1-2pm: Sand play, colouring/painting
- 2-3pm: Rest time (if your child still naps)
- 4-5.30pm: Favourite movie
Pero paano ang ibang bata? Ang ibang school ay nagkansela muna ng kanilang mga pasok para maiwasan ang pagkalat ng virus. marami sa kanila ang nagbigay ng mga assignment at online classes. Pwede ka rin namang magdownload ng free lesson at learning games. Makakatulong ito sa kanila para pansamantalang maging busy habang nagtatrabaho ka.
Narito ang listahan ng gma free at fun learning resources:
Online resources:
– BrainPop
– Curiosity Stream
– Tynker
– Outschool
– Beast Academy (Math)
– Khan Academy
– Creative Bug
– Discovery Education
YouTube Channels:
– Crash Course Kids
– Science Channel
– SciShow Kids
– National Geographic Kids
– Geography Focus
– TheBrainScoop
– SciShow
– Kids Learning Tube
– Geeek Gurl Diaries
– Mike Likes Science
3. Divide and conquer
For sure, hindi lang ikaw at ang mga anak mo ang nasa bahay. Kasama mo rin ang iyong asawa dito. Subukan niyong magtulungan parehas para masiguradong magagawa niyo ng maayos at smooth ang inyong mga task.
For example, kung ikaw ay magtatrabaho na, pwede mong sabihin sa iyong asawa na dalhin muna sa malayo ang mga anak mo para maiwasan ang pag-iingay. Kung sakaling ang asawa mo naman ang magkaroon ng important call o video conference sa trabaho, ikaw naman ang tutulong sa kanya.
4. Create a routine for yourself
Mahalaga ito habang ginagawa mo ang routine para sa anak mo. Hindi madami ang mag work from home. Mas mahirap ito kumpara sa pagtatrabaho sa office. Ang pagtatrabaho sa bahay ay kailangan ng self-discipline, focus at paraan para magawa mo ang task mo.
Umpisahan ang iyong araw ng maaga. ‘Wag kang matutulog sa inyong sala na suot pa ang pajama. Magising ka bago ang mga bata. Kumain ng breakfast, mag exercise at maligo! Siguraduhin din na nakahanda ang mga task, activities at routine ng iyong mga anak.
Mahalaga rin na ‘wag magdadagdag ng mga gawaing bahay sa iyong routine. Gawin ito sa weekend o kaya naman bago o pagkatapos ng iyong trabaho. Kung matatanda nama nang mga anak mo, pwede mo sa kanilang ibigay ang ibang household chores katulad ng paghuhugas ng plato.
5. Create a workspace for yourself
Mahalaga na makahanap ka ng magandang spot na pwede kang magtrabaho sa inyo. Kung wala, pwede naman sa inyong living room, bedroom o dining room. Panatilihin itong malinis. Siguraduhin na may headseat ka at magandang wi-fi connection.
Mahalaga ding maisip na kailangan mo ng isang kwarto kung saan pwede mo itong ma-lock! Again, remember the “BBC dad”?
Kung hindi mo naman malolock ang kwarto, sabihan ang mga katrabaho mo na may mga bata sa bahay.
6. Set boundaries for yourself and your children
Aminado akong night owl ako at nagiging mas creativer ako kapag napatulog ko na ang mga bata sa gabi. Kung sakaling ginabi na ako ng todo kakatabaho, sisiguraduhin kong mababalance ko ang oras ko kinabukasan. Make sure lang na isara mo rin ang laptop at cellphone mo kapag hindi mo na ito ginagamit. Ito ay para hindi ka maging puro work na lamang ang iyong araw. Madali lang talaga na magtrabaho sa umaga at gabi. Kailangan mo lang sanayin ang sarili mo.
7. Be organized
Kailangan mong maihanda ang mga gamit at activities ng iyong anak na kailangan niya araw-araw. Ito ay para maging busy sya habang ikaw ay ay nagtatrabaho. ‘Wag kang mag last minute na magplano. Maging organized at planuhin ito bago matapos ang araw.
8. Be realistic and “let it go”
Maging realistic sa pagbibigay ng routine sa iyong mga anak. ‘Wag silang ipressure. Lalo na kung bago ito para sa inyong pamilya. May times na bigla na lamang itatapon ng anak mo ang puzzle na kanyang ginagawa dahil gusto kang makasama. Be there for your child at tandaan na ang kagandahan sa work at home ay nakaksama mo pa rin ang iyong mga anak kahit ikwa ay nagtatrabaho.
Okay rin naman na hindi ka maging strikto sa paggamit ng anak mo sa mga electronics. Kung kailangan mo talagang magtabaho at ang panonood ng Frozen ang kailangan ng anak mo, gawin ito para mapanatili na tahimik siya.
Moms and dads, sa nangyayaring COVID-19 ngayon sa buong mundo, panatilihin lamang ang pagiging positive sa lahat. may mabuting dulot din naman ang panantili natin sa bahay. Mababawasan ang pollution and spending a lots of time with family! Opss, remember, laging maghugas ng kamay at iwasan muna ang paghawak s mukha. Iwasan rin ang lumabas at mas maganda kung
Translated with permission from theAsianparent Singapore
BASAHIN: The struggle to work from home with a toddler; Hilarious!