Masayang ibinahagi ni Yam Concepcion sa social media ang ginawang event ng kaniyang mother-in-law para sa kanila ng kaniyang asawang si Miguel Cuunjieng.
Mababasa sa artikulong ito:
- Yam Concepcion labis ang pasasalamat sa suporta ng mother-in-law
- Tips kung paano maging matibay ang relasyon sa in-laws
Yam Concepcion labis ang pasasalamat sa kaniyang mother-in-law
Isang espesyal na baby shower ang inihanda ng mother-in-law ni Yam Concepcion para sa kanila ng asawang si Miguel Cuunjieng.
Sa isang Instagram post, ibinahagi ng aktres ang kaniyang pasasalamat sa kaniyang biyenan.
Larawan mula sa Instagram ni Yam Concepcion
Aniya sa kaniyang caption, “Just when I thought my mom in law couldn’t get any more amazing, she throws the sweetest and most thoughtful baby shower for us. Sooooo overwhelming to see all of the effort going into both this weekend and all of the handmade gifts and goodies that made it to New York!!!”
Nagpasalamat din ang aktres sa lahat ng kapamilya at kaibigan na naging dahilan umano upang lalong maging espesyal ang nasabing event.
Larawan mula sa Instagram ni Yam Concepcion
Paano ba maging maganda ang relasyon sa mga biyenan?
Alam natin na maraming mga kwentong in-laws na hindi maganda ang kinahinatnan. Kaya naman para sa mas maayos na relasyon sa inyong biyenan, narito ang ilang tips na posibleng makatulong!
Larawan mula sa Instagram ni Yam Concepcion
Narito ang tips para tumibay ang relasyon sa mga biyenan:
- Maging magalang at mapagbigay ng respeto – Igalang ang kanilang opinyon at tradisyon. Ipakita ang pagpapahalaga sa kanilang mga karanasan.
- Makipag-usap ng maayos – Maglaan ng oras para makipag-usap. Maging bukas sa kanilang mga saloobin at damdamin.
- Iwasan ang hindi pagkakaintindihan – Kung may hindi pagkakasundo, subukang lutasin ito sa maayos at tahimik na paraan.
- Magpakita ng suporta – Suportahan ang kanilang mga hilig at interes, kahit na iba ang pananaw mo.
- Maglaan ng oras kasama sila – Mag-organisa ng mga aktibidad na magkasama, tulad ng pagkain o paglilibang, upang mapalalim ang koneksyon.
Sa pamamagitan ng pagpapakita ng respeto at pagmamahal, mas magiging matibay ang inyong relasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!