William Gucong o mas kilala ng lahat sa tawag na Yamyam Gucong, ipinakilala na buong mundo ang first baby nila ng kaniyang fiance.
Mababasa sa artikulong ito:
- PBB winner Yamyam Gucong 1st baby
- Yamyam Gucong engagement
- Best advice para sa mga new parent
PBB winner Yamyam Gucong 1st baby
Isa ng ganap na ama at haligi ng tahanan ang kilala bilang PBB winner na si Yamyam Gucong sa kaniyang non-showbiz partner na si Elaine Toradio.
Sa isa sa kaniyang mga Instagram post ay ibinahagi niya ang litrato ng kaniyang first at newborn baby. Pinangalanan niya ito bilang si baby Aliah Kaye at may nickname na “Ali.”
“Welcome to the outside world baby ALIAH KAYE (baby ALI),” ang nakakatuwang caption ni Yamyam sa litrato ng kaniyang anak.
Larawan mula sa Instagram account ni Yamyam Gucong
Matatandaang ‘outside world’ ang terminong ginagamit paglabas ng Bahay ni Kuya o ng PBB house. Ito ang lugar at programa kung saan siya nanggaling at nagsimulang makilala ng mga tao.
Pagpasok pa lamang ng taong 2022 ay nalaman na niya ang gender ng bata. Ayon pa nga kay Yamyam, padating na ang itinuturing niyang “Princess” dahil proud siyang i-share sa mga tao na mayroon na siyang baby girl.
Samantala, kasabay ng pagdiriwang ng kaniyang ikaw-28 na kaaarawan ay ang pagbabahagi niya sa mga tao ng tungkol sa pagdadalang-tao ng kaniyang fiance. Matatagpuan sa kaniya Instagram account ang Tiktok video nilang dalawa.
Dito ay kapansin-pansin ang lumalaki nang baby bump ng kaniyang partner na si Elaine. Ayon kay Yamyam,
“I don’t need more money I need happiness that wash all my sadness happy birthday to me.”
Dahil rito, sunod-sunod na pagbati mula sa kaniyang mga kaibigan, followers, at supporters ang kaniyang natanggap. Subalit sa pagkakataong ito, hindi na lamang pagbati ng ‘Happy birthday’ ang kaniyang natanggap na pagbati kundi ‘Congratulations’ sa pagiging soon-to-be dad noong panahong iyon.
Larawan mula sa Instagram account ni Yamyam Gucong
Iskulit Bai ng Bohol kung siya at tawagin. Maganda ang ipinakita ni Yamyam Gucong sa loob ng bahay, kaya naman napagtagumpayan niya ang mga hamon sa loob at nabihag ang puso ng mga tao sa labas.
Dahil dito, nakamit niya ang titulo bilang Pinoy Big Brother Otso winner noong taong 2022. Mula noon, nagsimula na siyang mag-guest sa iba’t ibang show sa ABS-CBN. Naging bahagi na rin siya ng ilang mga programa at kilala siya bilang Filipino comedian at aktor.
Larawan mula sa Instagram account ni Yamyam Gucong
Yamyam Gucong engagement
Oktubre noong taong 2021 nang mag-propose si Yamyam Gucong sa kaniyang non-showbiz girlfriend na si Elaine Toradio.
Sinong magaakala na luluhod at magpo-propose na pala ng kasal si Yamyam noon sa kaniyang girlfriend sa loob ng jewelry store.
Pagabahagi ni Yamyam,
“Alam kung immune ka na sa mga surprises ko sa ‘yo dati at gusto kung maiba naman kaya dinala kita mismo sa store kung saan tatanungin kita ng ‘papayag ka ba na maging asawa ko?'”
Bilang natural na komedyante, nagawa pa niyang patawanin ang kaniyang mga follower at supporter nang muli siyang mag-share ng video nang siya ay mag-propose.
“Kung sinabi mong “NO” andali ko lang isauli singsing na binili ko,” pagbibiro at pagpapatawa ni Yamyam sa caption at gumamit pa ng mga nakakatawang emoji.
Umani naman ng libo-libong views, likes, at comments ang post ni Yamyam ukol sa kaniyang naging wedding proposal. Marami sa kaniyang mga kaibigan, artista, at supporter ang bumati at nagpaabot ng congratulatory message.
BASAHIN:
10 baby care tips to get your little one sleeping longer
Parent’s Guide: How to clean and take care of your Baby Girl’s genitals
6 parenting mistakes kung bakit hindi na-iengganyo si baby na magsalita
Best advice para sa mga new parent
Marami sa mga first-time parent ang bahagyang nagiging emosyonal matapos ipanganak ang kanilang first baby. Ito ang pinaka-unang pagkakataon na makakahawak at makakapag-alaga ka ng sarili mong anak.
Normal lamang na ikaw ay mag-alala, maging masaya, o makaramdam ng iba’t iba pang emosyon. Huwag kang matakot kung magagawa mo ba ng maayos o hindi ang iyong responsibilidad bilang magulang.
Ang iyong kailangan ay tapang at lakas ng loob para sa iyong anak. Magtiwala ka sa iyong sarili at sa kakayanan mong iparamdam o ipamalas sa iyong anak ang pagmamahal at pagaaruga ng isang magulang.
- Matulong sa twing may pagkakataon
Hindi madali ang magbuntis, subalit higit na hindi madali ang pag-aalaga ng baby oras na ito ay lumabas sa sinapupunan ng ina. Dahil sa patuloy ka pa ring nag-aadjust sa bagong buhay mo bilang magulang, madalas kang makakaramdam ng pagkapagod.
May ilang pagkakataon kung saan nakukuha ng isang magulang maluha sa pagod dahil hindi sapat ang kaniyang pahinga na nakukuha. Isang mahalagang payo para sa mga new parent ay sulitin ang mga pagkakataon na kayo ay maaaring matulog at mamahinga.
- Tanggapin ang lahat ng tulong na maaari mong makuha
Maraming mga taong handang magbigay ng kanilang tulong lalo na mula sa iyong pamilya, katulad na lamang ng iyong magulang, tita at tito, at mga kapatid. Hindi madali para sa isang first-time parent ang mag-isa.
Kaya naman kung kinakailangan, huwag matakot o mahiyang humingi ng tulong sa mga taong malalapit sa’yo. Hindi masamang sumandal sa mga taong iyong pinagkakatiwalaan kung kinakailangan.
- Alagaan ninyo ang isa’t isa
Hindi ka lamang isang ina, isa ka na ring asawa o katuwang sa iyong partner. Upang mas maalagaan niyo pa ang iyong anak, kailangang magsilbi din kayong lakas ng isa’t isa.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!