Mas marami pang batang Pilipino ang makakapanood ng kanilang paboritong animated at Kapamilya kiddie shows dahil nasa TV na muli ang YeY simula Nobyembre 6 (Sabado) sa pamamagitan ng Jeepney TV at Kapamilya Channel.
Buong linggo na mapapanood ng mga chikiting ang mga kinagigiliwang YeY kiddie shows sa “YeY Weekend” at “YeY Weekdays” blocks sa Jeepney TV.
Tuwing Sabado, makakasama ng mga bata sina Kongsuni at ang magical owl na si Seyo sa masayang adventures na kapupulutan din ng aral sa “Kongsuni and Friends” ng 8 AM, kasunod ang Team YeY at kanilang nakaaaliw na bonding activities sa ganap na 9 AM at ang tawanan to-the-max kasama ang stars ng iconic kiddie gag show na “Goin’ Bulilit” ng 9:30 AM.
Sa Linggo naman, mas sisigla ang araw sa panonood ng mga patok na pambatang blockbusters sa “KidSine Presents” mula 8 hanggang 10 ng umaga.
Tuloy rin ang saya mula Lunes hanggang Biyernes sa “YeY Weekdays” block, tampok ang mga back-to-back episode ng science-fantasy cartoon series na “Johnny Test” ng 8 AM at ang action-packed adventures ni “Max Steel” ng 9 AM.
Sa Kapamilya Channel naman, pwede rin makisali ang mga chikiting sa sayang hatid ng “YeY Weekend” tuwing Sabado, mula 6 hanggang 7:40 AM. Tampok din dito ang back-to-back episodes ng “Max Steel,” pati ang mga Kapamilya kiddie show na “Team YeY” (6:45 AM) at “Goin’ Bulilit” (7:10 AM).
Available na rin sa free TV ang mga programang ipinakilala ng YeY tulad ng “Peppa Pig” at “Rob the Robot,” na mapapanood tuwing Sabado, 8 to 9am, pati na rin ang “Team YeY” at “Goin’ Bulilit” na mapapanood tuwing Sabado at Linggo, 9 to 10am sa “Kidz Weekend” ng A2Z, simula Nobyembre 6.
Nawala man ito sa digital TV noong nakaraang taon, patuloy ang YeY sa paghahatid ng saya online sa mga kabataang Pinoy kahit ngayong pandemya. Nasa Kumu app din ang “Team YeY Live” na may bagong episodes tuwing Sabado ng 11 am.
Mahigit 1 milyon na ang subscribers ng YeY YouTube channel at may 970,000 followers na rin ito sa Facebook, kung saan ito rin ang number 1 Philippine kids page pagdating sa video content ayon sa website na Tubular. Sa pagbabalik nito sa TV, layunin ng YeY na makapagbigay saya at aral sa mas marami pang mga bata at sa kanilang pamilya.
Para sa updates, bisitahin lamang ang YeY sa Facebook (fb.com/yeychannel), Instagram (@yeychannel), TikTok (@yey.channel), at YouTube account nito (youtube.com/yeychannel). Mapapanood din ng mga bata ang mga paborito nilang YeY show sa Just Love Kids website ng ABS-CBN Entertainment sa ent.abs-cbn.com/justlovekids.
Para sa iba pang balita sa ABS-CBN, sundan ang ABS-CBN PR sa Facebook, Twitter at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.
This is a press release distributed by YEY
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!