Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”
Alamin kung paano inunti-unti ni Ryan at Juday kay Yohan na adapted siya.
Yohan Agoncillo adoption story ikinuwento ng kaniyang daddy Ryan Agoncillo.
Mababasa sa artikulong ito:
- Yohan Agoncillo adoption story.
- Reaction at feelings ni Ryan ng i-adopt ni Juday si Yohan.
Yohan Agoncillo 17th birthday
Image from Judy Ann Santos Instagram account
Nito lamang nakaraang araw, November 8, ay nagdiwang ng kaniyang 17th birthday ang adapted daughter nila Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na si Yohan.
Sa kaniyang Instagram account ay nag-post si Judy Ann ng mga larawan kasama si Yohan kalakip ang mensahe sa anak para sa birthday nito. Dito ay tinawag niyang answered prayer at twin niya si Yohan.
Pinaabot niya rin sa anak kung gaano niya ito kamahal pati na ng mister at kinikilalang daddy ni Yohan na si Ryan Agoncillo.
“17!!??? What???? No!!!! Oh my sweet baby love… my answered prayer, my twin in so many ways (Kahit ako nagugulat.) It’s amazing how we saw you grow up and mature right before our very eyes.. you’re doing great my love… Life can be tough and unforgiving.. but, don’t you worry my dear love.. mommy and daddy will be behind you all the way.. ( hanggang manabang ka!) We love you so much sweetheart.. happy birthdAy our forever baby girl. ❤️ P.S. next year.. pabaliktad na bilang natin ng edad mo ah!”
Ito ang mensahe ni Judy Ann sa anak na si Yohan sa 17th birthday nito.
View this post on Instagram
Yohan Agoncillo adoption story
Samantala, isang araw naman bago ang 17th birthday ni Yohan ay ibinahagi ni Ryan ang kuwento kung paano ina-adopt ng aktres na si Juday ang kaniyang panganay na anak. Ito ay ginawa ng TV host sa isang segment ng noon time show na Eat Bulaga.
Kuwento ni Ryan, hindi pa sila nagde-date ni Juday noon ng ampunin nito si Yohan. Pero sila ay magkaibigan na at isa siya sa unang sinabihan ni Juday na siya ay magiging isang ina na.
“Basta isang umaga, wala akong taping ng day na ‘yon, natutulog ako sa bahay, biglang nag-text si Juday. I am going to be a mom. Napabalikwas talaga ako. Napatawag ako.”
Ito ang pagkukuwento ni Ryan noon sa naging reaksyon niya ng sabihin ni Juday na siya ay magiging mommy na. Nang panahon na iyon kuwento ni Ryan ay pumoporma pa lang siya sa aktres kaya naman labis niyang ikinagulat ang ibinalita nito.
Kuwento pa ni Ryan, ang ina sana ni Juday na si Mommy Carol ang aampon kay Yohan. Pero dahil ng mga panahong iyon ay gusto na rin magkaanak ni Juday ay hindi na siya nagdalawang-isip na ampunin ang baby noong si Yohan at tumayong nanay para sa kaniya.
Kwento ni Ryan,
“Sinabihan si Mommy Carol na meron pong bata na kung gusto ninyong i-adopt dadalhin ko sa inyo. Dinala na ng umaga noong araw na iyon.
Right noong nahawakan ni Juday si Yohan, ayun na. Mommy, ako na po mag-aadapt. Doon siya nagtext sakin na I am going to be a mom.”
Image from Ryan Agoncillo’s Instagram account
BASAHIN:
Judy Ann Santos on Yohan: “Hindi ka basta saling kit-kit dito, you started this family”
Judy Ann Santos-Agoncillo shares her secrets in keeping Luna healthy and happy!
Proseso ng pag-aampon sa Pilipinas: Mga hakbang at kwalipikasyon
Ryan umaming hindi komportable noon kay Yohan
Sa pagdaan ng panahon ay nagkaroon ng relasyon si Ryan at Juday. Pero pag-amin ni Ryan noong una ay nag-aalinlangan siya na mapalapit ang loob niya sa baby pa noong si Yohan. Dahil hindi pa naman sigurado noon na sila ni Juday ang magkakatuluyan bilang mag-asawa.
“Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig dun sa bata o mahulog ‘yong loob namin sa isa’t isa dahil hindi pa kami sure.”
Kuwento pa nga ni Ryan, dahil sa hindi pa nga komportable ang feelings niya noon kay Yohan ay hindi ito umaattend sa binyag nito kung saan kinuha siya ni Juday bilang ninong.
Pero hindi raw napigilan ni Ryan na mahulog at ma-inlove siya sa baby pa noong si Yohan. Lalo na noong tinawag siyang daddy nito at mommy naman si Juday ng makita ni Yohan ang picture nilang magkasama sa isang magazine.
Mula noon ay mas napalapit daw si Ryan kay Yohan. Pati nga daw ang pamilya niya ay unti-unti na ring naging parte ng paglaki ni Yohan mula noon.
“‘Yong mag-1-year-old si Yohan sinigurado ko na ‘yong pamilya ko, my mom, my dad, kapatid ko saka mga anak nila nandoon sa first birthday ni Yohan. Kasi building na kami ng relationship towards Yohan.”
Paano unti-unting sinabi ni Ryan at Juday kay Yohan na adopted siya
Image from Judy Ann Santos Instagram account
Noong una ay Santos daw ang apelyidong dinala ni Yohan dahil hindi pa sila kasal ni Juday. Napalitan lang daw ng Agoncillo ang apelyido ni Yohan matapos ang apat na taon ng ganap na silang maging mag-asawa ni Juday.
“Si Juday 26 siya noong nag-file siya ng kaniyang legal adoption papers kay Yohan tapos na-grant ‘yon mga 4 years later bago kami ikasal. Tapos bago ako makapag-formal file ng adoption nagpakasal muna kami. Noong kinasal na kami, 4 years rin bago siya naging Agoncillo na.”
Kuwento pa ni Ryan, sinimulan nilang i-introduce sa anak na si Yohan ang ideya ng adoption noong ito ay 1 ½ years old pa lang. Ginawa nila ito para hindi mabigla ang anak sa oras na ipagtapat nila ang tunay na katauhan nito.
Ito ay sa tulong ng pagbabasa sa batang Yohan ng mga libro tungkol sa adoption na laging inilalagay ni Ryan at Juday sa isip ni Yohan na isang gift na dapat niyang pasalamatan.
Ngayon ay malaki na si Yohan. Alam na rin nito ang tunay na kuwento sa katauhan niya. At kung gaano siya kamahal ng mga adoptive parents niyang si Juday at Ryan na ito ang laging bilin sa kaniya.
“Ang lagi naming bilin namin sa kaniya, to always work hard for her whatever her dreams may be.”
Ito ang sabi pa ni Ryan tungkol sa anak na si Yohan.