X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Judy Ann Santos sa anak na si Yohan sa 18th birthday celebration nito: “Family is permanent, wherever you wanna go, whatever you want to be, we will be here for you”

5 min read
Judy Ann Santos sa anak na si Yohan sa 18th birthday celebration nito: “Family is permanent, wherever you wanna go, whatever you want to be, we will be here for you”

Judy Ann at Ryan spotted na nag-kiss sa birthday ni Yohan sa sobrang saya sa naging debut celebration ng anak. | Image from Nice Print Photography & Exige Weddings

Yohan Agoncillo nag-celebrate ng kaniyang debut. Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo masaya sa kinalabasan ng birthday celebration ng kanilang panganay na anak.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Yohan Agoncillo debut celebration.
  • Mensahe ni Judy the Ann Santos sa bitrhday ng adopted daughter niyang si Yohan.

Yohan Agoncillo debut celebration

yohan agoncillo debut celebration

Larawan mula sa Nice Print Photo

Hindi maikakaila ang saya ni Yohan Agoncillo sa kaniyang naging debut celebration. Sa kaniyang 18th birthday party na may themed na euphoria ay makikitang hindi lang si Yohan ang nag-enjoy sa party niya kung hindi pati narin ang mga imbitado sa big event na ito sa buhay niya.

Advertisement

Si Yohan ay nag-18 nitong November 7, bagamat ang kaniyang naging big celebration ay ginanap nito lamang November 19 sa isang hotel sa Makati.

Sa Instagram stories ay labis ang pasasalamat ni Judy Ann Santos sa mga taong naging daan para maging posible at memorable ang birthday celebration na ito ng panganay niyang si Yohan.

Nangunguna na nga sa pinasalamatan niya ay ang event designer na si Gideon Hermosa. Ito ang nag-transform sa napili nilang venue sa themed ng celebration na gusto nila.

Ito ay napuno ng mga bulaklak, balloons at neon lights na talaga nga namang nagbigay ng kakaibang party vibes sa lugar.

“Still amazed of how beautifully you turned the place as magical and as posh as this. Thank you so much @gideonhermosa.”

Ito ang sabi ni Judy Ann sa isa kaniyang IG stories.

Samantala, mas naging masaya naman ang birthday party ni Yohan dahil sa mga dance number na inihanda niya para sa kaniyang mga guest. Sa entrance ni Yohan ay ginulat niya ang lahat sa husay niya sa pagsayaw kasama ang mga back-up dancers niya mula sa dance group na G-Force.

Mayroon ring bahagi ng party na hinamon ni Yohan ang kaniyang inang si Judy Ann sa isang TikTok dance video challenge. Ito ay hindi naman inurungan ni Judy Ann at hindi nagpatalo sa galing ng anak na si Yohan sa pag-giling.

Si Juday habang sumasayaw kasama ang anak ay makikitang napakasaya. Niyakap at hinalikan niya pa ang anak na si Yohan matapos ang kanilang dance number.

Nakipagsabayan rin ng galing sa paghataw ang anak nila Judy Ann at Ryan na si Lucho. Syempre ang TV host na si Ryan Agoncillo ay may dance number hataw rin kasama ang birthday girl.

Ilan sa mga dumalo sa debut ni Yohan ay ang mga malalapit na celebrity friends ng kaniyang mga magulang na sina Ryan at Judy Ann. Isa na nga rito ay ang megastar na si Sharon Cuneta at pamilya nito.

yohan agoncillo debut celebration

Larawan mula sa Facebook account ni Sharon Cuneta

Judy Ann at Ryan happy sa naging debut celebration ng anak niyang si Yohan

Samantala, sa gitna ng kasiyahan ay makikitang hindi nakapagpigil sina Judy Ann at Ryan na mahalikan ang isa’t-isa. Si Judy Ann ni-repost ang larawan sa kaniyang IG stories.

Pagbibiro ng aktres ay sa mga pagkakataon na labis ang kasiyahan nilang mag-asawa ay pakiramdam nila walang tao sa paligid nila. Binati rin ni Judy Ann ang mister sa naging successful na birthday celebration na hinanda nila para sa panganay na si Yohan.

“Ayieeee!! We did a good job my love.. what a wonderful night! I love you @ryan_agoncillo”

Ito ang sabi pa ni Judy Ann.

yohan agoncillo debut celebration

Larawan mula sa Instagram account ni Judy Ann Santos-Agoncillo

Mensahe ni Judy Ann sa anak na si Yohan sa birthday celebration nito

Sa kaniyang Instagram parin ay nagbigay ng birthday message si Judy Ann sa anak niyang si Yohan. Kalakip nito ang ilang throwback photos nila noong baby pa si Yohan.

Ang aktres sinabing hindi siya makapaniwala na 18 years old na ang first baby niya. Binalikan niya rin ang mga panahong dumating sa buhay niya si Yohan. Ayon sa aktres si Yohan ay blessing na bigay ng Diyos sa kaniya.

“18 years, just like that, time does really fly fast my love. 24 years ago I started praying for a baby when I turn 26. In the same year that I turned 26, God gave me you. and how lucky I am to have you.”

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
    A post shared by Judy Ann Agoncillo (@officialjuday)

Sabi pa ng aktres, maraming itinuro sa kaniya si Yohan na literal na lumaki at nag-grow kasabay niya. Hanggang ngayon daw ay marami pa siyang natutunan kasama ito at nagpapasalamat siya sa mga experience na ito ay kasama nila ang mister niyang si Ryan Agoncillo na nakagabay sa kanila.

“You taught me a lot.. and up until now mommy’s still learning. We grew up together literally and we are both blessed to have dad to guide and experience life and love with all our imperfections.”

Sa huli ay may pangako si Judy Ann sa anak na si Yohan. Ito ay ang kahit anuman ang mangyari ay mananatili silang pamilya niya na gagabay at susuportahan siya sa lahat ng oras.

“This we promise you, life is tough my love. Friends come and go but, family is permanent. Wherever you wanna go, whatever you want to be, we will be here for you always and forever. Happy 18th our big buding. We love you, with all of our hearts. ❤❤😘😘😘.”

Ito ang mensahe ni Judy Ann sa panganay na anak na si Yohan Agoncillo sa debut celebration nito.

Nice Print Photo

Partner Stories
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
Acts of Love Poured into Every Glass
Acts of Love Poured into Every Glass
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Judy Ann Santos sa anak na si Yohan sa 18th birthday celebration nito: “Family is permanent, wherever you wanna go, whatever you want to be, we will be here for you”
Share:
  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko