Ibinahagi ng proud parents na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ang graduation ni Yohan.
Mababasa sa artikulong ito:
- Pagtatapos ni Yohan Agoncillo sa highschool
- Proud parents sina Judy Ann at Ryan Agoncillo
Pagtatapos ni Yohan Agoncillo sa highschool
Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Judy Ann Agoncillo ng ilang litrato mula sa graduation ni Yohan. Nag-message din ang aktres para sa anak. Sobrang proud ng mag-asawa sa mga achievement ng anak.
“My dearest buding, We are so so proud of you..” panimula ni Juday
Ayon pa sa kanya sobrang hard working ng anak at persistence si Yohan sa pag-aaral niya ng buong high school. Nakakaya pa nito pag-sabayin ang kanyang training sa swimming at ang school works.
Nag-advice rin si Judy Ann sa mga challenges na haharapin ng anak sa bagong chapter ng buhay nito. Sa pagsisimula ng kanyang buhay bilang college student.
“As you enter another chapter in your life as a college student, a lot will change..” message ni Judy Ann.
“ There will be a lot of ups and downs.. but all these will make you a better and responsible person,” dagdag pa ng aktres
Si Judy Ann at ang kanyang asawa ay laging susuporta at magtsi-cheer kay Yohan sa every step niya sa buhay.
Kung matatandaan, nag share rin ang Soap Opera Queen tungkol sa achievement ni Yohan sa swimming competition.
Sa isang post ng aktres ayproud na pinakita niya ang achievement ni Yohan Agoncillo sa sports nito. Nakapag-uwi ito ng tatlong medal pasa sa iba’t ibang categories.
“So proud of you my love!! 1st in fly, 3rd in back, 2nd in 100 free .. all while juggling school work, training and college application… you did so well baby girl,” ang caption ni Judy Ann.
Noong nakaraan ay nagdebut na ang dalaga at shinare ng mag-asawa ang ilang pictures nito. Ang theme nito ay glitz and glam themed party. Makikita sa mga photos na ibinahagi ng celebrity couple ang kanilang excitement sa pagdadalaga ng anak.