Hindi na natiis ni Zanjoe Marudo ang ilan umanong mga content creator na ginagamit ang kaniyang anak para magkapera.
Mababasa sa artikulong ito:
- Zanjoe Marudo may babala sa mga content creator na naglalabas ng fake news
- Paano protektahan privacy ng anak?
Zanjoe Marudo may babala sa mga naglalabas ng fake news tungkol sa anak
Nagbahagi ng kaniyang saloobin sa social media ang aktor na si Zanjoe Marudo. Ito ay kaugnay ng mga lumalabas umanong maling impormasyon sa social media tungkol sa kaniyang pamilya.
Mayroon kasing mga netizen na nagbabahagi ng post sa social media ng mga pictures at video umano ng anak nila ni Ria Atayde.
Ang ginawa ni Zanjoe, ni-reshare nito ang isang post na naglilinaw na hindi niya anak ang kumakalat na pictures.
Caption ng post na ni-reshare ng aktor, “Hindi pa nag face reveal ni Baby Marudo sina Zanjoe at Ria… Sa mga bloggers, huwag kumita sa false information. Sa mga readers or viewers huwag maniwala kung HINDI RELIABLE ang mga sources.”
Saad naman ni Zanjoe, “Please be guided accordingly. There are irresponsible bloggers using misinformation just to earn. They mislead readers and viewers with their clickbait.”
Paano protektahan ang privacy ng anak sa social media?
Narito ang mga tips para sa mga magulang na nagpo-post tungkol sa kanilang baby sa social media:
- Iwasang i-post ang kumpletong detalye – Huwag magbahagi ng buong pangalan, birthday, o hospital ng kapanganakan.
- Limitahan ang audience – Itakda ang account sa private at piliin ang mga makakakita ng posts tungkol sa baby.
- Walang real-time location – Huwag mag-post ng real-time na lokasyon, tulad ng nursery o park.
- Maging maingat sa larawan – Iwasan ang pag-post ng hubad o sensitibong larawan ng bata.
- Mag-set ng boundaries – Sabihan ang pamilya’t kaibigan na iwasang mag-tag o mag-post ng impormasyon tungkol sa baby nang walang paalam.
- Iwasan ang oversharing – Mag-isip nang mabuti kung kailangan ba talagang ipakita ang milestones online. Bukod pa rito, huwag din mag-post ng nakakahiya o sensitibong content tungkol sa anak.
- 7. Siguraduhing secure ang account – Gumamit ng malakas na password at two-factor authentication.
- Pag-aralan ang digital footprint – Tandaan na anumang nai-post ay maaaring manatili online nang matagal.
Ang maingat na pag-post ay makakatulong sa pagprotekta sa privacy ng inyong anak sa maagang yugto ng kanyang buhay.