Ria Atayde tuwang-tuwa sa bonding moments ng asawang si Zanjoe at baby nila!
Kinatuwaan ng netizens ang video ni Zanjoe Marudo kasama ng baby nila ni Ria. Alamin dito ang ilang daddy-baby bonding ideas!
Kinagiliwan ng netizen ang ibinahaging social media post ni Ria Atayde sa kaniyang Instagram. Makikita kasi sa post ang sweet na bonding moments ng kaniyang mister na si Zanjoe Marudo at ng kanilang anak.
Mababasa sa artikulong ito:
- Zanjoe Marudo hands-on daddy sa baby nila ni Ria
- Bonding moments ideas para kay baby at daddy
Zanjoe Marudo hands-on daddy sa baby nila ni Ria Atayde
Isang video ang ipinost ni Ria Atayde sa kaniyang Instagram kung saan ay makikita na buhat-buhat ni Zanjoe Marudo ang kanilang baby. Payapa nitong pinaaarawan ang anak habang nakangiti.
Super heartwarming naman para sa mga netizen na makita ang bonding moments na ito ng mag-ama.
Ayon pa kay Ria Atayde, ang eksenang ito ay isa sa mga paborito niyang bahagi ng araw. Ang makita ang asawa na naglalaan ng quality time sa kanilang baby boy.
“Top 10 favorite parts of my day: Seeing you have sun time with your son,” caption ni Ria. Ibinahagi rin ni Zanjoe ang naturang video at ang caption naman niya ay, “Zun time with Zaddy.”
Bonding moments ideas para kay daddy at baby
Hindi lang si mommy ang dapat na naglalaan ng quality time kay baby, mahalaga rin ang ginagampanang role ni daddy sa growth and development ni baby.
Kaya naman, kung nag-iisip ka ng mga pwedeng quality time activities for daddy at baby bukod sa “sun time” na ginawa nina Zanjoe, narito ang iba pang ideya:
1. Storytime– Magbasa ng libro bago matulog. Nakakatulong ito sa language development ni baby.
2. Bath time– Masaya at refreshing ang bonding kapag si Daddy ang nagpapaligo kay baby.
3. Paglalakad sa Park– I-enjoy ang fresh air habang naglalakad-lakad kasama si baby.
4. Tummy time– Maglaro sa sahig habang tinutulungan si baby sa kanyang motor skills.
5. Music Time– Kantahan si baby o tumugtog ng simpleng instrumento tulad ng tambourine o gitara.
6. Building Blocks– Maglaro ng building blocks para sa development ng creativity at hand-eye coordination.
7. Outdoor Picnic– Isang simpleng picnic sa bakuran para ma-expose si baby sa nature.
8. Peek-a-Boo– Simpleng laro na laging napapatawa si baby.
9. Morning Walks– Simulan ang araw sa maikling lakad, good exercise para kay Daddy at fresh experience para kay baby.