LOOK! Zanjoe Marudo, Ria Atayde ikinasal na!

Isa sa mga inaabangan ng fans ang naisakatuparan nitong weekend! Ito ay ang wedding ni Zanjoe Marudo at ni Ria Atayde. Alamin dito ang kwento!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nagpakasal na ang celebrity couple na sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde. Ito ang inanunsyo ng aktor sa social media. Binaha rin ng pagbati mula sa mga netizen at showbiz friends ang comment section ng wedding announcement ni Zanjoe Marudo.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Zanjoe Marudo at Ria Atayde ikinasal na
  • Ria Atayde nag-birthday bilang misis ni Zanjoe

Celebrity couple Zanjoe Marudo, Ria Atayde wedding

Larawan mula sa Instagram ni Zanjoe

Inanunsyo ni Zanjoe Marudo sa kaniyang social media na “wife” na niya ang noo’y girlfriend na si Ria Atayde.

Noong March 23, 2024, naglabas ng artikulo ang Philstar kung saan ay sinasabi na ikakasal na umano si Zanjoe Marudo nang weekend na iyon. At ayon sa kanilang source ay civil wedding lang ang plano ng mga ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngayon ngang March 25, Lunes, ay si Zanjoe Marudo na mismo ang nagbalita sa publiko ng kanilang wedding ni Ria Atayde.

Inanunsyo ng aktor na asawa na niya si Ria Atayde sa pamamagitan ng Instagram post. Makikita sa social media post ni Zanjoe Marudo ang ilang wedding photos nila ng kaniyang asawa.

Larawan mula sa Instagram ni Zanjoe

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ria Atayde nag-birthday bilang misis ni Zanjoe

Misis na nga ni Zanjoe si Ria Atayde. At inanunsyo ito ni Zanjoe sa birthday mismo ni Ria.

Caption ng aktor sa kaniyang social media post, “Happy birthday, MY WIFE!”

Talagang may emphasis sa salitang “MY WIFE!” Bukod pa rito, nakalagay rin sa caption ang date na 03.23.24. Ibig sabihin, tunay ngang nitong March 23 ikinasal ang dalawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dinagsa naman ng pagbati mula sa mga showbiz friend, fans, at netizens ang comment section ng post ni Zanjoe. Talagang marami ang naging masaya sa balitang ito ng aktor.

Larawan mula sa Instagram ni Zanjoe

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Ria Atayde ay anak ng award-winning actress na si Sylvia Sanchez. Kapatid din ito ng aktor at politiko na si Arjo Atayde. Naging co-stars sila ni Zanjoe sa 2017 series na My Dear Heart. At nabibilang din sila sa iisang circle of friends sa showbiz industry.

January 2023 nang kompirmahin ni Zanjoe na may relasyon sila ni Ria, sa interview ni Karen Davila sa ANC.

Matatandaang noong Pebrero 20, 2024 naman ay inanunsyo ng dalawa ang kanilang engagement sa isang Instagram post.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jobelle Macayan