Zeinab Harake as a mom, workaholic at hindi iaasa sa iba ang mga pangangailangan ng anak.
Mababasa dito ang sumusunod:.
- Buhay ni Zeinab ngayon.
- Zeinab Harake as a mom.
Buhay ni Zeinab Harake ngayon
Maliban sa maganda at sexy, makikitang masaya ang kilalang vlogger at mom of two na si Zeinab Harake sa ngayon. Sa kaniyang pinaka-latest vlog nga kasama ang boyfriend niyang basketbolista na si Bobby Ray Parks Jr. ay ibinahagi ni Zeinab ang masayang pagsasama nilang dalawa. Pati na ang maayos na relasyon ni Ray sa mga anak ni Zeinab na sina Lucas at Bia.
Si Lucas ay ang adopted son ni Zeinab noong siya ay 18 years old palang. Habang si Bia ay ang anak nila ng rapper na si Daryl Ruiz o mas kilala sa tawag na Skusta Clee.
Zeinab Harake as a mom
Larawan mula sa Facebook account ni Zeinab Harake
Sa naturang vlog ay ibinahagi ni Zeinab kung anong klaseng ina siya sa mga anak. Inamin rin niyang walang siyang alam sa gawaing-bahay at isang workaholic. Pero ito naman daw ay ginagawa niya para masiguro ang magandang future ng mga anak niya. Ito daw ang pagkakaiba nila ng boyfriend na si Ray na ang pangarap ay maging housedad.
“Ako kasi aminado naman ako na may mga mommies na ganun yung sobrang workaholic nila para sa magandang future ng anak. Ako yun. Wala akong alam sa pagluluto, sa paglalaba, si Daddy Ray yun. Ako naman focus ko sa alaga lang. Yun siguro mothering ko, financial, alaga, pagmamahal. Ayun hindi ko iuutos sa ibang tao yun. Ako ang bibili talaga iisa-isahin ko mga kailangan nga anak ko.”
Ito ang proud na pahayag ni Zeinab sa kung anong klaseng ina siya para sa mga anak.
Sa parehong vlog ay maririnig rin na napaguusapan na nina Zeinab at Ray ang pagpapakasal. Si Zeinab ito ang sagot kay Ray ng tanungin kung gusto na nga ba nitong lumagay sa tahimik sa piling ng basketbolista.
“Ang awkward pag-usapan niyan sa mga babae. Madaming makakarelate sa akin. Awkward siya lalo na sa mga may trust issues na tulad ko.”
Ito ang sabi pa ni Zeinab.
Larawan mula sa Facebook account ni Zeinab Harake
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!