Zeinab Harake sa pagpanaw ng anak na si Moon: "Nilibing 'yong baby ko, mag-isa lang ako."

Matinding hirap ang pinagdaanan ni Zeinab Harake sa pagkamatay ni baby Moon. Alamin sa article na ito ang buong kwento!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ipinaliwanag ni Zeinab Harake kung bakit sobrang emosyonal niya noong birthday ni baby Bia. Sa interview ng Toni Talks sa vlogger, idinetalye nito ang dahilan ng pag-iyak sa birthday ng anak. Binahagi rin ni Zeinab Harake ang kaniyang pinagdaanan noong pumanaw si Baby Moon.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Zeinab Harake binahagi karanasan sa pagkamatay ni Baby Moon
  • Gagawin ang lahat para maging masaya si Bia

Zeinab Harake binahagi karanasan sa pagkamatay ni Baby Moon

Ikinuwento ni Zeinab Harake ang trahedyang kinahinatnan ng relasyon nila ng rapper na si Skusta Clee. Sa interview ni Toni Gonzaga sa vlogger, idinetalye nito ang nararamdaman noong birthday ng panganay niyang si Bia.

Aniya, sobrang emosyonal niya ng araw na iyon dahil natatakot siya. Maraming personal na pinagdaraanan si Zeinab Harake nang mga nagdaang araw bago ang birthday ng anak. Dagdag pa rito, ang mga problemang ito ay labis na nakaapekto sa kaniyang mental health.

Screenshot mula sa Toni Talks

Naisalaysay nga ni Zeinab Harake maging ang nangyari sa kaniyang anak na si baby Moon. Hindi niya umano akalain na magagawa niya nang maayos ang birthday party ni Bia. Ito ay dahil bago ang araw na iyon ay namatay ang anak na si baby Moon. Kasabay pa ito ng paghihiwalay nila ni Skusta Clee.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Aniya, “Nanganak ako, nakunan ako, nagburol ako ng baby ko, nilibing ‘yung baby ko – mag-isa lang lahat ako.”

Kaya noong nagdiwang ng birthday si Bia ay magkahalong takot at saya ang naramdaman ni Zeinab Harake. Iniyak niya lang daw nang buong two weeks ang mga pinagdaanan at pinalakas ulit ang sarili para sa anak na si Bia.

“Ang saya-saya ko kasi nabigay ko sa kaniya ‘yung birthday na deserve niya."

Larawan mula sa Instagram ni Zeinab Harake

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Four months daw si Moon noon nang lumabas ito mula sa kaniyang sinapupunan. Ayon daw sa doktor, hindi kinaya ng katawan ni Zeinab Harake ang stress kaya namatay si Baby Moon.

Aminado naman si Zeinab Harake na naging mahirap talaga ang pagbubuntis niya kay baby Moon. Aniya, sa unang buwan pa lamang ng pagdadalantao dito ay dinudugo na siya.

Kwento pa ni Zeinab Harake, matapos ang misa para kay baby Moon ay isang oras siyang umiyak nang malakas. Pagkatapos ay nangako na huling iyak na niya iyon nang malala dahil kailangan niyang maging matibay para kay Bia.

“Kawawa talaga si Bia, si Bia ang pinaka naapektuhan. Pero ako din, naaawa na po ako sa sarili ko."

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Araw-araw pa rin daw kinakausap ni Zeinab Harake ang mga anak na sina Bia at si Baby Moon. Tinatanaw niya raw sa kanilang terrace ang buwan at kinakausap ang anak. Hiling niya rito na palagi silang bantayan ng ate Bia nito.

BASAHIN:

Zeinab Harake emosyonal sa 1st birthday party ni Bia: "Talaga ba, kinaya ko 'to mag-isa?"

Pokwang muntik sumuko sa buhay nang masawi ang panganay: "Ang sakit-sakit pala talaga."

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

LJ Reyes on finding a better version of herself: "It’s not easy at all."

Gagawin ang lahat para maging masaya si Bia

Palagi rin daw ipinaalala ni Zeinab Harake kay Bia na gagawin nito ang lahat maging masaya lang ang anak. Ito ay sa kabila nang kailangan nilang harapin ang mga susunod na araw na sila lang dalawa.

Magiging mahirap man para kay Zeinab ang proseso ay ibabangon niya umano ang kaniyang sarili para kay Bia. Patuloy pa rin daw na dumaranas ng mental health issue tulad ng anxiety at panic attacks si Zeinab.

Pero patuloy lang din siya sa pagpapagamot dahil kailangan pa siya ng anak. Dagdag pa ng vlogger, marami pa siyang ibang nararanasang sakit pero ito ay kakayanin niya para kay Bia.

Kwento pa ni Zeinab, dumating siya sa punto na nagtatago siya sa ilalim ng lababo sa CR at doon umiiyak. Sinasaktan na rin daw niya ang sarili sa labis na emosyon. Ang nangyari umano sa kanilang relasyon ni Skusta Clee ay pinakamalalang failure ng kaniyang buhay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram ni Bia

Pero nilinaw niya rin na hindi isang pagkakamali na nakipagbalikan siya rito noon bago isilang si Bia. Itinuturing niyang pinakamagandang naibigay ng rapper si Bia sa kaniyang buhay. At ito raw ay hinding-hindi niya pinagsisisihan.

Nakiusap naman si Zeinab Harake sa mga fan na huwag nang i-connect si Bia sa tatay nito.

“Si Zebianna, huwag niyo na lang din i-connect. Kasi ako, bilang nanay nasaktan ako na pati buhay niya isinaalang-alang ng tatay niya. Hindi deserve ni Bia ng ganong tatay. Kasi hindi ko ganon pinapalaki ang anak ko.”

Ipinaliwang din ni Zeinab kung bakit hindi na niya inimbitahan sa birthday ni Bia si Skusta Clee. Ito raw ay dahil wala naman daw pakialam ang rapper kay baby Moon at Bia.

Last straw na raw niya nang manumpa si Skusta na hindi ito magsisinungaling mamatay man ang mga anak, nanay, at kaniyang asawa.

Dahil mahalaga kay Zeinab ang panunumpa at pagtupad dito, sigurado siyang hindi na niya babalikan pa si Skusta Clee.

“Walang tatay at asawang gugustuhing mamatay ang asawa mo dahil lang sa pagsisinungaling mo,” saad ni Zeinab Harake.

Sinulat ni

Jobelle Macayan