Zeinab Harake sa kaniyang pag-move-on: "Lalaban para sa anak at hinding-hindi na magiging marupok"

Unti-unting bumabalik sa dating sigla si Zeinab Harake matapos makumpirma ang hiwalayan nila ni Skusta Clee.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nanorpresa ang YouTuber at social media influencer na si Zeinab Harake sa isang concert sa Pampanga. Sa naturang concert, nag-perform rin ang ex ni Zeinab Harake na si Skusta Clee, ang tatay ng kaniyang anak na si Bia.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Pangako ni Zeinab Harake para kay Baby Bia
  • Bilang single mom after ng break-up nila ni Skusta Clee

Pangako ni Zeinab Harake para kay Baby Bia

Nagulat ang mga dumalo sa Aurora Festival 2022 sa Pampanga nang dumalo ang Youtube sensation na si Zeinab Harake sa Day 2 ng event. Ayon kay Zeinab, labis daw siyang kinabahan na muli siyang magpi-perform sa event matapos ang 2 taon. Natigil sa pagdalo sa mga events si Zeinab dahil sa pandemic restrictions.

Pagkukwento niya pa, mayroon pa rin daw siyang takot at ilang sa mga tao pero buong puso niya raw isususgal na makapagsayaw muli sa entablado.

"Kasi gusto ko bumalik 'yong dating sigla ko 'pag nagpeperform ako o nagso-show ako."

Larawan kuha mula sa Instagram account ni Zeinab Harake

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pinalakas namanang loob ni Zeinab ng mga malalapit niyang kaibigan tulad ni Awra, Jelai Andres at iba pa. Bago sumalang sa entablado ay kinwento muna ni Zeinab kung paano nga ba siya nauwi sa surprise performance sa event.

"Alam niyo ba kung bakit ako nandito? Surprise guest lang kasi ako, super duper biglaan lang. Manonood talaga ang Team Zebbie ng Day 2." Sabi nung may-ari baka pwede ako ma-guest for Day 2 surprise. So, sabi ko okay lang 'yong surprise kasi hindi ako magpa-panic na ine-expect na ng tao na nandoon ako kasi hindi ko pa kaya."

"Ginagawa ko 'to hindi sa pera or what! Masaya akong ginagawa 'to kasi ito talaga ako at gusto kong magbalik 'yong dating ako. 'Yong napapasaya kayo palagi."

Pagkatuntong pa lang niya sa stage ay kita ang kasiyahan ng mga manonood dahil sa excitement na makita siya. Nagbigay naman ng mensahe ng pasasalamat si Zeinab matapos magtanghal.

"Aurora pasensya na ah? Medyo nagpa-panic ako na maraming tao pero tina-try ko maging masaya at enjoyin ang gabing ito kasama kayong lahat. "

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"Siya [Bia] mismo ang magte-thank you sa inyong lahat kasi pinakita niyo kung gaano niyo kami kamahal na mag-ina. Maraming salamat po sa inyong lahat."

Tinapos niya ang pasasalamat ng pagbibigay ng assurance sa kaniyang mga fans na lalaban at hindi na marupok ang bagong Zeinab. Ayon kay Zeinab Harake, gagawin niya ito para sa kaniyang anak na si Bia.

"Mula po sa puso ko lalaban para sa anak na at hinding-hindi na magiging marupok. Zeinab Harake 2022!"

Larawan kuha mula sa Instagram account ni Zeinab Harake

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Matatandaan na dati na silang nagkahiwalay ng rapper na si Skusta Clee, ngunit nagkabalikan. Doon na nga nagbunga ang kanilang pagsasama at isinilang si Bia.

Labis na naging usap-usapan ang event na ito dahil pareho silang guest ng kanyang ex at singer na si Skusta Clee kung saan nag-perform naman ang rapper sa Day 1. Sa naturang event, nakaranas ng hostility si Skusta mula sa mga crowd dahil sa mga issue sa pagitan nila ni Zeinab.

Matatandaan ikinwento ni Zeinab kung bakit at paano sila naghiwalay ng dating karelasyon dahil sa umano'y cheating ng kaniyang ex. Maaalala rin na sa kuwento niyang ito, sinabi na nagkaroon siya ng mental health problems kagaya na lamang ng pagkakaroon ng panic sa harap ng maraming tao.

Sa ngayon ay nasa proseso na siya ng moving on mula sa pangyayari.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

Zeinab Harake sa pagpanaw ng anak na si Moon: "Nilibing 'yong baby ko, mag-isa lang ako."

Zeinab Harake emosyonal sa 1st birthday party ni Bia: "Talaga ba, kinaya ko 'to mag-isa?"

Marian Rivera nag-iingat na sa mga sexy outfit: “Kailangan maging conscious sa ipinapakita ko sa anak ko.”

Bilang single mom after ng break-up nila ni Skusta Clee

Larawan kuha mula sa Instagram account ni Zeinab Harake

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Labis ang pain na iniwan kay Zeinab Harake nang maghiwalay sila ni Sksuta Clee. Pumutok kasi ang isyu ng cheating kaya naman kakaibang sakit ang naranasan niya. Pagkukwento ng Youtube sensation, naganap ang break-up nila nang papalapit na ang binyag at birthday ni Bia.

Kaya nga siya na lang mag-isa ang nagcelebrate nito. Nagbunga pa ng miscarriage ang labis na stress na ito kay Zeinab kaya nawala ang pangalawa sana niyang anak na si Moon.

"Sabi ko, ‘Sige, Zeb. Itong two weeks na ito, iiyak mo ito, ibaliw-baliw mo lang ito sa kuwarto. Gawin mo lahat para maging okay ka, ‘tapos ayos ka na kasi magbi-birthday yung anak mo. Kailangan ka nito.'”

“Magsisimula na ako ng bagong buhay. Kailangan ko itapon 'yong trauma. Magmamahal lang ako pag deserve nung tao 'yong pagmamahal ko. Hindi ko ibibigay lahat, kasi kawawa ako sa dulo. Ayoko maging kagaya ko si Bia, 'yong mabilis magpatawad at madaling mauto.“

Sinulat ni

Ange Villanueva