Zeinab Harake emosyonal sa 1st birthday party ni Bia: "Talaga ba, kinaya ko 'to mag-isa?"

Dinaluhan ng mga malalapit na kaibigan ni Zeinab Harake ang 1st birthday celebration ng kaniyang anak na si Bia.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Zeinab Harake pinigilan ang luha nang ipagdiwang ng kaniyang anak na si Bia ang 1st birthday nito. Nagbigay rin ng mensahe si Skusta Clee para sa anak nila ni Zeinab.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Hinandang birthday celebration ni Zeinab Harake para kay Bia
  • Mensahe ni Skusta Clee para kay Bia

Hinandang birthday celebration ni Zeinab Harake para kay Bia

Espesyal ang naging selebrasyon para sa 1st birthday ng anak ng social media influencer na si Zeinab Harake na si Bia.

Pinasilip ni Zeinab ang naging enggrandeng birthday party para sa kaniyang anak na si Bia. Mapapansin na Disney Princess ang theme ng celebration.

Ngunit bago ang formal birthday party, hindi siyempre nawala ang regalo ni Zeinab para sa kanyang mahal na anak. Necklace na gawa ng Manila Diamond Studio ang naging birthday gift ni Zeinab para kay Bia.

Lahad ni Zeinab, ang necklace na ibinigay niya sa kaniyang anak ay pina-customize pa niya, nilagyan ng pangalan ni Bia na may diamond at logo ng butterfly.

Samantala, April 28 ginanap ang birthday party ni Bia. Dinaluhan ito ng ilang malalapit na kaibigan ni Zeinab katulad na ng celebrity couple na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Present din sa naturang birthday party ang mga sikat social media influencer na sina Donnalyn Bartolome, Benedict Cua, Krissy Achino, Beks Battalion, Mika Salamanca.

Bago magsimula ang party ay nagbigay ng mensahe si Zeinab para sa mga naging guest ni Bia.

“Super thank you sobra, kasi hindi lang ako ‘yong nagmamahal kay Bia… nandiyaan kayo palagi para sa aming dalawa.”

Larawan mula sa Instagram account ni Zeinab Harake

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bilang sorpresa sa kaniyang anak, nagsuot din ng costume si Zeinab kung saan nagmistulan siyang Disney princess na si Belle. Si Belle ay ang nagpatibok ng puso ng prinsipe sa ‘Beauty and the Beast’.

Makikitang tuwang-tuwa si Bia nang makita niya ang kaniyang ina. Ayon kay Zeinab, paborito talagang Disney character ng kaniyang anak si Belle.

Ibinahagi rin ni Zeinab ang kaniyang birthday wish para sa kaniyang anak. Hiling niya na maging mapagmahal si Bia sa mga taong sumusuporta sa kanila.

“Lumaki siyang healthy na bata, mabait na bata. And siyempre mapagmahal na tao lalo sa mga nakapagilid sa kaniya. Kasi ‘yon naman ‘yong pinakaimportante kaya maraming nagii-stay sa tabi mo kasi mabuti ka sa kanilang lahat.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“So ‘yon ‘yong gusto kong maging attitude niya paglaki niya so sana ibigay ni God ‘yon.”

Bukod kay Zeinab, ilan din sa nagpaabot ng mensahe kay Bia ay ang mga malalapit sa buhay ni Zeinab. Kabilang na rito ang kaniyang ama na Lebanese national.

“I’m praying for my heart, no more pain, all happiness. Wish her all the best with her lovely mother and all the best for the Harake family.”

‘Yan ang mensahe ng lolo ni Bia sa kaniya.

Larawan mula sa Instagram account ni Zeinab Harake

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kasama rin sa nagsalita ay ang kapatid ni Zeinab na si Rana. Ayon kay Rana, nakita niya ang naging hirap at mga sacrifices ni Zeinab para kay Bia.

Malaki rin ang naging pasasalamat ni Zeinab sa kaniyang nakababatang kapatid. Ayon kay Zeinab, si Rana ang tumulong sa kaniya sa pag-aalaga kay Bia noong hirap pa siya dahil bagong panganak.

“Si Ranna ang nag-alaga kay Bia since Day 1. Nung mga panahong CS ako, hindi ko kayang palitan ‘yong anak ko ng diaper for one week. Si Ranna ‘yong nandiyaan talaga para tumayo kay Bia bilang nanay.”

“Tayo ‘yong tatay at nanay ni Bia. Salamat talaga.”

Hindi rin napigilan ni Zeinab na maging emosyonal nang makitang naitawid niya ang 1st birthday celebration ng kaniyang anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Wika ni Zeinab, kahit mukhang imposible na i-organize niya ang party para kay Bia ay nagawa niya pa rin ito. Lahad pa niya, mabigat ang kaniyang pinagdadaanan sa mga nakalipas na araw.

“Kung ano ‘yong nakikita ko dito, lahat ‘to, parang magic siya. Talaga ba kinaya ko ‘to mag-isa?”

“Syempre sa sarili ko kasi kaya ko pa ring gawin ‘yong mga bagay na parang imposible na lalo sa mga pinagdadaanan ko lately.”

Handa rin si Zeinab na gawin ang lahat para sa kaniyang anak.

“Kahit anong mangyari, gagawin ko lahat-lahat kahit gaano kahirap basta para mapasaya ka lang ni mommy.”

BASAHIN:

Zeinab Harake pumalag sa nagsabing gumagawa siya ng issue: “Halos ikamatay ko na, sasabihin scripted?”

LOOK! Star-studded na binyag ng anak ni Riva Quenery na si Athena Rae

Elisse Joson may babala kay McCoy de Leon: “Kung magloloko ka, okay na kami. Kakayanin namin.”

Larawan mula sa Instagram account ni Skusta Clee

Mensahe ni Skusta Clee para kay Bia

Samantala, kapansin-pansin naman sa birthday celebration vlog ni Zeinab Harake na wala ang ama ni Bia na si Skusta Clee.

Matatandaan na may mga umuugong na issue tungkol sa umano’y problema sa relasyon sa pagitan nina Zeinab Harake at Skusta Clee, na isang sikat na Pinoy rapper.

Sa kabila ng mga issue, hindi pinalampas ni Skusta Clee ang pagkakataon na mabati ang kaniyang anak para sa kaarawan nito.

Pinakita ni Skusta Clee sa isang Instagram story ang isang larawan ni Bia na nakangiti kalakip ang mensahe para sa kaniyang anak.

“Hinding hindi ka matutumbasan ng kahit na ano. Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko Biana.”