Nagtapos kamakailan sa kindergarten ang anak ni Zeinab Harake na si Lucas. Proud na proud ang vlogger dahil valedictorian ang kaniyang anak.
Zeinab Harake naiyak sa award ni Lucas
Ibinahagi ni Zeinab Harake ang naging graduation ng kaniyang anak na si Lucas sa pamamagitan ng vlog. Makikita sa video kung gaano ka-proud si Zeinab at ang kapatid nitong si Rana Harake na silang tumatayong magulang ni Lucas.
Larawan mula sa vlog ni Zeinab Harake
Ayon kay Zeinab, ito ang kauna-unahang graduation na pupuntahan niya bilang isang magulang. Kaya naman, excited siya. Ginawa niya umanong content sa vlog ang nasabing graduation para sa paglaki ng kaniyang mga anak ay may mababalikan ang mga ito na magandang memories.
Mangiyak-ngiyak si Zeinab Harake nang malamang valedictorian ang kaniyang si Lucas. Paulit-ulit pang sinabi ni Zeinab sa kaniyang vlog na “valedictorian ang anak ko” dahil hindi makapaniwala ang vlogger. Aniya pa, wala siyang masabi sa milestone na ito ng kaniyang anak.
Larawan mula sa vlog ni Zeinab Harake
“Hindi man ako sinwerte sa ibang bagay ng buhay ko pero pagdating sa anak wala akong masabi, grabe. Proud. More than proud yung nararamdaman ko.”
Proud din si Rana Harake para kay Lucas. Aniya, “Isa ‘tong malaking gift para sa min. Kahit ako kinikilabutan pa rin ako kapag sinasabi kong valedictorian si Lucas. Gusto ko lang i-congrats din si Zebby dahil dahil din sa’yo kung bakit ganyan ‘yong anak mo.”
Syempre hindi mawawala sa valedictory address ni Lucas ang pasasalamat nito sa kaniyang mommy Zeinab.
Larawan mula sa vlog ni Zeinab Harake
Saad ni Lucas sa kaniyang speech, “To my mommy, thank you for your sacrifices. Thank you for reminding me. Please know that we love you in all our hearts. To my mama Rana, thank you for always reminding me how to be good.”
Masaya si Zeinab na gifted at matatalino ang kaniyang mga anak. Para daw sa vlogger, ito na ang answered prayer ni God sa kaniya.
Nagpasalamat din si Zeinab sa kaniyang mommy dahil katuwang niya ito sa pagpapalaki kay Lucas.
“Credits pa rin sa mama ko kasi hindi lang naman kami ‘yong nagpalaki nang mabuti kay Lucas, kundi mama ko. And kung paano niya kami pinalaki ganoon din niya naman napalaki ‘yong bata.”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!