Matinding pagsubok ang pinagdadaanan ni Zeinab Harake nang ihayag niya ang pagpanaw ng kanyang pinagbubuntis na anak na si Moon.
Mababasa sa artikulong ito ang sumusunod:
- Zeinab Harake pumanaw ang baby boy
- Pakikiramay kay Zeinab Harake bumuhos
- Paano magpakita ng suporta sa mga mommy na nakunan
Larawan mula sa Twitter account ni Zeinab Harake
Zeinab Harake pumanaw ang baby boy
Inanunsyo ni Zeinab Harake na sumakabilang-buhay ang kanyang baby boy noong April 11.
Sa tweet ni Zeinab, kanyang binahagi ang larawan ng kanyang pumanaw na anak. Makikita rin ang isang urn na may nakasulat na ‘Baby Moon Harake’.
Makikita rin sa altar kung saan nakalagak ang kanyang anak ang ilang puting bulaklak at mga kandila. Hawak din ni Zeinab si Bia, ang panganay na anak nila ng rapper na si Skusta Clee, Daryl Ruiz sa tunay na buhay.
Sa mensahe ni Zeinab Harake sa kanyang baby boy, sinabi niya na pwede nang magpahinga si Baby Moon at umaapaw ang kanilang pagmamahal dito.
“My baby boy rest kana mahal na mahal ka namin ni ate bia mo bantayan at palakasin mo kami palagi di ka mawawala sa puso namin moon.”
“Be our forever angel mommy loves you so much.”
Ito ang pahayag ni Zeinab para sa kanyang pumanaw na anak.
Sa mga nakalipas na tweet ni Zeinab, mapapansin ang ilang pahayag ng social media influencer kung saan inaalay na nito sa Panginoon ang lahat.
“Lord inaalay ko na sa inyo ang lahat.”
Ayon sa tweet ni Zeinab noong April 11, ang nakalagay na petsa ng pagpanaw ni Baby Moon.
April 12 naman ay nag-tweet si Zeinab kung saan sinabi niya nauubos na ang kanyang luha.
“Yung luha ko papunta ng dugo… wala nakong maiyak.”
Mapapansin naman sa social media account ni Daryl Ruiz na naka-itim na ang profile picture nito.
Larawan mula sa Instagram account ni Zeinab Harake
Pakikiramay kay Zeinab Harake bumuhos sa pagpanaw ni Moon
Nagdalamhati ang mga followers at fans ni Zeinab sa nakabibiglang balitang ihinatid ng vlogger.
Marami ang nagpahatid ng pakikiramay sa pamilya ni Zeinab at humiling na maging matatag at malakas si Zeinab sa kabila ng pagsubok na kinahaharap.
Heto ang ilan sa mga comment ng netizen para palakasin ang loob ni Zeinab:
“Condolence po miss @ZeinabHarake11 magpahinga at magpalakas ka po may bb angel kna na nagbabantay sa inyo ng family mo always be strong lahat na nagyayare ay may dahilan, pray at magpalakas ka para ky bb ghurl”
“My deepest sympathy Ms. Zeinab and family. We pray that God comfort you and your whole family during this sad time.”
“Condolence ate Zeb, pakatatag Lang Po nandito Lang kami lagi we love you po ate Zeb. Fly high baby moon”
Kabilang din sa nagbigay ng mensahe para kay Zeinab ay ilan sa kanyang malalapit na kaibigan tulad nina Jessy Mendiola, Miss Glenda, Awra Briguela at Angelica Yap.
“Deepest condolences to you and your fam, Zeb. akap,” mensahe ni Jessy Mendiola.
“Andito lang kami ha? Pag-pray namin si Baby. Mahal na mahal ko kayo Miii,” sambit naman ni Miss Glenda.
“Mahal na mahal kita ate ko, mahigpit na yakap,” wika ni Awra.
“Pakatatag bb,” ayon naman kay Angelica Yap para makiramay sa kinahaharap na challenge ng pamilya ni Zeinab.
BASAHIN:
Real Stories: “I lost two babies in a row; I had a miscarriage followed by stillbirth”
What causes miscarriage and how much at risk is a pregnant woman in
REAL STORIES: “We had a Miscarriage due to Ectopic Pregnancy.”
Paano magpakita ng suporta sa mga mommy na nakunan
Isa sa mga pinakamasakit na pwedeng mangyari sa isang ina ay ang makaranas ng miscarriage.
Walang katumbas na salita para maibsan ang nararamdamang lungkot ng mga nanay na nakunan. Ngunit may ilang pwedeng gawin para maparamdam sa mga nanay na sila’y may karamay sa panahon ng kanilang pagdadalamhati.
1.) Makinig at hayaan silang magdalamhati
Maipapakita ang pagsuporta sa isang mommy na nakunan sa pamamagitan ng pakikinig sa kanyang naging karanasan. Tanungin kung ano ang kanilang nararamdaman at hayaan silang magbahagi ng kanilang kwento.
Kung hindi pa sila handang pag-usapan ang kanilang dinaranas ay hayaan muna sila hanggang sila ay maging ready na.
2.) Iwasan ang manisi at magbigay ng mga unsolicited advice
Kinakailangan na maging sensitibo sa nararamdaman ng isang mommy na nakunan. Iwasan ang magbigay ng mga advice na magpaparamdam sa isang ina na may kasalanan siya sa nangyari.
3.) Iparamdam na sila’y hindi nag-iisa
Sa simpleng pagtulong ay makakabawas na sa kanilang aalalahanin. Alalayan muna sila sa ilang gawain tulad ng pag-provide ng pagkain at childcare kung sila ay may iba pang anak.
I-acknowledge din ang kanilang pinagdadaanan. Ang simpleng pagsabi ng “I’m sorry about your miscarriage,” ay posibleng makabawas sa mabigat na nararamdaman ng isang inang nakunan.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!