Zeinab Harake inaming hiwalay na sila ni Skusta Clee: "Nandidiri ako sa sarili ko!"

Emosyonal si Zeinab Harake habang kinukuwento ang nangyaring break-up nila ni Skusta Clee.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Labis na pagluha ang ibinuhos ng vlogger at influencer na si Zeinab Harake nang ikuwento niya kung paano raw niya nalamang niloloko na siya ng rapper at asawa niyang si Skusta Clee.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Zeinab Harake sa hiwalayan nila Skusta Clee: “Nandidiri ako sa sarili ko!”
  • Dahilan ng pag-iwan ni Skusta Clee kay Zeinab Harake

Zeinab Harake sa hiwalayan nila Skusta Clee: “Nandidiri ako sa sarili ko!”

Humagulgol nang ikinuwento ni Zeinab Harake sa interview sa kaniya ni Toni Gonzaga kung paano niya nahuli at nalaman sa pangalawang pagkakataon na niloloko na naman raw siya ng asawa niyang si Skusta Clee habang siya ay nagbubuntis pa.

Bungad niya sa interview, natupad na raw ang hinihiling ng lahat ang maging ‘future single mom; siya. Sa pagkukwento ni Zeinab, maayos at masaya naman daw ang relasyon nila ni Skusta.

Mayroong pa rin daw naman pag-aaway ang dalawa pero mga normal na away mag-asawa na lang na sa buong akala niya ay kapag nagbabati sila ay ayos na ang lahat.

Buwan daw ng Marso nagiging madalas ang pag-iwan ni Skusta Clee sa kanya kahit buntis na siya,

“Talagang dumadating sa point na nagmamakaawa ako sa kanya, alam niyang buntis ako ah!”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Zeinab Harake

Kasabay raw ito ng maselang pagbubuntis niya sa pangalawang baby niya na si Moon. Nagmamakaawa raw siya parati na huwag na siyang iwan kapag nag-aaway sila.

Maging ang pagbaba raw ng pride nagawa na niya. Sa loob daw ng isang buwan ay nagkagulo-gulo ang pamilya nila.

Dumating daw sa puntong umalis na sa bahay si Skusta kaya napagpasyahan niyang tawagan na ang magulang nito para kausapin siya na magkaayos sila,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Kasi inaayos ko ‘yung pamilya namin, iniisip ko si Bia hindi na ‘yung sarili ko.”

Matapos daw nito bumalik si Skusta Clee at naging maayos na sila. Pagkukwento pa ni Zeinab, para raw siyang binigyan ng araw ng Panginoon dahil isang beses na aalis ang asawa ay hindi siya sumama.

Larawan mula sa Instagram account ni Skusta Clee

Sinubukan niya raw buksan ang laptop ng mister at nasaktuhan niya ang mga messages nito kung saan nakikipag-usap sa iba’t ibang mga babae. Matapos daw nito ay nagkapatawaran pa sila dahil buong akala niya ay ito lang ang nangyari.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kinausap na raw ni Zeinab si Skusta at sinabihang aminin na niya ang lahat. Ayon kay Zeinab, nanumpa raw ang asawa nito na hindi talaga niya siya niloloko. Matapos lang daw ang dalawang araw inamin na lahat ni Skusta,

“After two days inamin niya lahat, tapos ‘yung inamin niya sobrang brutal.”

“Basta naalala ko na, nandidiri ako sa sarili ko, sa baby ko. Naaawa ako kay Bia, hindi ko alam saan ako lulugar.”

“Hindi ako perpektong asawa pero hindi ‘yung reason para ganunin mo ‘ko sa lahat ng ginawa ko para sa’yo!”

Ito na raw ang huling pagkakataon na patatawarin niya si Skusta Clee dahil hindi niya natanggap na nagawang isumpa nito ang buhay ng kanyang asawa, anak, at nanay kapalit ng kanyang pagsisinungaling. Sa pag-uusap daw nila ng mister, sinabi niyang,

“Sa ating dalawa parang ako pa ‘yung mas naging lalaki. Kahit sobrang hina ko, hinayaan mo akong maging mahina. Kaya sunod-sunod ‘yung dapat ko.”

BASAHIN:

Zeinab Harake emosyonal sa 1st birthday party ni Bia: “Talaga ba, kinaya ko ‘to mag-isa?”

Zeinab Harake pumalag sa nagsabing gumagawa siya ng issue: “Halos ikamatay ko na, sasabihin scripted?”

Baron Geisler nilinaw ang relasyon kay Jamie Evangelista: “Hindi kami naghiwalay. We are working things out.”

Dahilan ng pag-iwan ni Skusta Clee kay Zeinab Harake

Inamin daw ni Skusta Clee na kaya niya nagawang iwan si Zeinab ay dahil sa nagbago na ito. Sumagot naman ang social media influencer.

“Kaya naman ako nagbago kasi pinili ko maging asawa, pinili ko magpakananay. Kaya ganito na ‘yung itsura ko.”

“Pwede ka naman maging masaya habang may partner ka mali lang talaga ‘yung nakasama mong tao.”

Napatunayan niya na rin daw na ginawa niya na lahat kaya hindi na ito maaayos pa. Labis daw na nasaktan si Zeinab dahil sa pati buhay ng anak niya ay isinaalang-alang ni Skusta dahil lang sa pagloloko nito. Hindi rin daw siya nagsisi na nagkabalikan sila ni Skusta dahil nabigyan siya nito ng anak na si Bia.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isinalaysay niya rin ang nangyari sa pangalawang anak niya sanang si Moon. Ayon sa doktor daw ni Zeinab, hindi na kinakaya ng kanyang katawan pero kumakapit daw ito.

Pagtapos daw ng misa ng kanyang anak, iniyak niya ang lahat dahil sa labis na lungkot at stress na naranasan niya.

Larawan mula sa Instagram account ni Zeinab Harake

“Gagawin ko talaga ang lahat maging masaya lang kami, siya, nang kaming dalawa lang.”

Ngayon daw na dalawa na lang sila ng anak niyang si Bia, sisiguraduhin niya raw na magiging masaya sila. Sa ngayon daw ay kumukonsulta siya sa isang psychologist dahil sa lahat ng nangyari sa kanya. Mensahe pa ni Zeinab Harake sa kanyang anak,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Wala tayong gagawin kundi enjoyin ang bawat segundo na magkasama tayo. ‘Yong mga oras, kasi ‘yun na ang pinakamahalaga ngayon ‘yong buhay.

Ikaw ‘yong buhay ko kaya ikaw ang pinakamahalaga sa akin kasi lahat talaga gagawin ko maging okay ka lang. Maging okay tayo nang tayo-tayo lang.”

Sinulat ni

Ange Villanueva